Magandang Reputasyon
1 Piliin mo ang magandang reputasyon kesa napakaraming pera,
mas okay na ginagalang ka kesa meron kang silver at gold.
2 Pareho ang mayaman at mahirap sa isang bagay—
parehong si Lord ang nag-create sa kanila.
3 Pag nakita ng matalino na delikado ang sitwasyon, iiwasan nya yun,
pero tuluy-tuloy lang ang bobo at nagsa-suffer sya dahil dito.
4 Pag humble ka at may takot kay Lord,
yayaman ka, igagalang, at magkakaroon ng mahabang buhay.
5 Maraming tinik at trap sa daan ng masasama,
kung mahal mo ang buhay mo, wag kang dadaan dun.
6 Turuan mo ang bata na mamuhay nang tama,
at di nya yun makakalimutan hanggang sa pagtanda nya.
7 Hawak ng mayaman ang mga mahirap,
ang taong nangutang, alipin ng nagpautang.
8 Sa nagtatanim ng pang-aapi, may masamang mangyayari,
at ang kalupitan nya ay matatapos din.
9 Ibe-bless ang taong mapagbigay,
kasi namimigay sya ng pagkain sa mahihirap.
10 Palayasin mo ang mahilig mang-insulto, mawawala ang gulo,
matatapos ang mga away at pang-aabuso.
11 Ang taong malinis ang puso at laging maganda ang sinasabi,
magiging kaibigan ng hari.
12 Iniingatan ni Lord ang tamang kaalaman,
at kinokontra nya ang sinasabi ng manloloko.
13 Ayaw ng tamad lumabas ng bahay,
may lion daw sa labas, baka sya mapatay.
14 Ang mga salita ng masamang babae ay malalim na hukay,
kung galit si Lord sayo, mahuhulog ka dun.
15 Normal sa bata ang maging maloko,
pero mababago yun ng pangaral at pamalo.
16 Pag inapi mo ang mahihirap kasi gusto mong yumaman,
at nagregalo ka pa sa mga mayaman, ikaw lang din ang mawawalan.
Tatlumpung Kasabihan
17 Makinig ka, pakinggan mo ang sinasabi ng mga matalino. Aralin mo ang mga ituturo ko. 18 Sasaya ka pag tinandaan mo ang mga ito at kaya mo nang i-recite. 19 Gusto kong magtiwala ka kay Lord, kaya sasabihin ko ito sayo ngayon—oo, sayo nga. 20 Nagsulat ako ng 30 na kasabihan para sayo, mga advice sa buhay, at mga dapat mong malaman. 21 Malalaman mo kung anong tama at totoo, kaya tama ang isasagot mo sa mga magtatanong sayo.
-1-
22 Wag mong nakawan ang mahirap kasi mahina sila,
wag mong gipitin sa korte ang mga kawawa.
23 Ipaglalaban sila ni Lord,
pagbabayarin nya yung mga nagnanakaw sa kanila.
-2-
24 Wag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin,
wag kang sasama sa mainitin ang ulo,
25 baka magaya mo yung ugali nya,
at maging ganun ka na habang buhay.
-3-
26 Wag kang mag-promise na bayaran ang utang ng iba,
27 kasi pag di mo yun nabayaran, pati higaan mo, kukunin sayo.
-4-
28 Wag mong ibahin yung boundary ng lupa
na nilagay ng mga ninuno nyo.
-5-
29 May kilala ka bang mahusay magtrabaho?
Sa mga hari sya magse-serve, hindi sa mga simpleng tao.