Ang Taong Marunong, Umiiwas sa Gulo
1 Ang nasobrahan sa alak, nagiging mayabang at magulo,
kaya ang nagpapakalasing ay sure na bobo.
2 Nakakatakot magalit ang hari, parang nagro-roar na lion,
para kang nagpakamatay pag ginalit mo sya.
3 Irerespeto ang taong umiiwas sa gulo,
pero lahat ng bobo, laging away ang gusto.
4 Ang tamad na ayaw magbungkal sa time ng pagtatanim,
sa panahon ng harvest, wala syang aanihin.
5 Ang iniisip ng tao ay malalim na parang tubig sa balon,
pero ang matalino, kayang-kaya itong intindihin.
6 Maraming taong nagsasabing loyal sila,
pero meron ba talagang mapagkakatiwalaan?
7 Pag matuwid ang tatay at namumuhay nang tama,
blessed ang mga magiging anak nya.
8 Umuupo ang hari para mag-judge,
at tinitingnan nyang mabuti kung anong tama o mali.
9 May makakapagsabi bang,
“Malinis ang konsensya ko at wala akong kasalanan”?
10 Sa madadayang sukatan at timbangan,
galit na galit si Lord sa mga yan.
11 Kahit ang bata, nakikilala sa mga ginagawa nya,
kung honest sya at gumagawa ng tama.
12 Binigyan tayo ni Lord ng mata para makakita,
at para makarinig, binigyan nya tayo ng tenga.
13 Wag kang tulog nang tulog para di ka maging mahirap,
bumangon ka at magtrabaho para sapat lagi ang pagkain mo.
14 Ang customer, panay angal sa mahal na presyo,
pagtalikod naman, pinagyayabang nyang nakatawad sya.
15 Pag alam ng isang tao ang sinasabi nya,
daig pa nya ang may maraming gold at mamahaling alahas.
16 Ang taong umako sa utang ng iba, dapat lang kunin sa kanya ang damit nya,
kasi inako nya ang utang ng di naman nya kilala.
17 Masarap ang pagkaing nakuha sa panloloko,
pero pag tumagal, para kang kumakain ng bato.
18 Kung makikinig ka sa magandang advice, magiging successful ka,
kung wala kang plano, wag kang sasabak sa gera.
19 Ang taong mahilig sa tsismis, nagkakalat ng mga secret,
kaya wag kang makisama sa taong madaldal.
20 Pag minumura mo ang iyong magulang,
matatapos ang iyong buhay, parang ilaw na pinatay.
21 Ang pamana na maagang kinuha,
sa huli, di mapapakinabangan.
22 Wag ka nang mag-isip na gumanti sa masama,
kay Lord ka magtiwala, gagawin nya kung anong tama.
23 Galit na galit si Lord sa madayang timbangan,
ayaw nya sa di patas na sukatan.
24 Pinlano na ni Lord ang mangyayari sa buhay ng tao,
paano ngayon maiintindihan ng tao ang direksyon ng buhay nya?
25 Mag-isip kang mabuti bago ka mag-promise ng offering sa Diyos,
kasi baka pagsisihan mo yun sa huli.
26 Nalalaman ng matalinong hari kung sinong masama,
at paparusahan nya sila nang walang awa.
27 Binigyan tayo ni Lord ng ilaw—ang ating isip at konsensya,
kaya hindi maitatago kung anong nasa puso natin.
28 Ang haring tapat na nagmamahal at gumagawa ng tama,
hindi matatanggal sa pwesto dahil sa katapatan nya.
29 Lakas ang pinagmamalaki ng kabataan,
pero puting buhok naman ang karangalan ng matatanda.
30 Ang mabigat na parusa, nag-aalis ng kasamaan,
ang masakit na palo, naglilinis ng kalooban.