Mahalin Mo ang Asawa Mo
1 Anak ko, makinig kang mabuti sa karunungan ko,
pakinggan mo ang mga tinuturo ko sayo,
2 para matuto kang mag-decide nang tama
at maging matalino sa pagsasalita.
3 Pag nagsalita ang masamang babae,
matamis yun na parang honey,
maganda sa pakiramdam, parang olive oil.
4 Pero yun pala, nakakalason sya,
nakakasugat na parang espada.
5 Isasama ka lang nya sa kamatayan,
papunta sya sa mundo ng mga patay.
6 Ayaw nya sa daang papunta sa buhay,
naliligaw na pala sya, pero di pa nya alam.
7 Kaya anak, makinig ka sa akin ngayon,
wag mong kakalimutan ang mga sinasabi ko.
8 Lumayo ka sa ganung babae,
wag kang lalapit kahit sa pinto lang ng bahay nya.
9 Kasi mawawalan ka ng dangal,
at mamamatay ka nang maaga sa kamay ng malulupit na tao.
10 Yung kayamanan mo, kukunin ng di mo kilala,
at ang pinaghirapan mo, sa ibang tao mapupunta.
11 Pag mamamatay ka na, sisigaw ka sa hirap,
habang unti-unting nauubos ang laman mo.
12 Sasabihin mo, “Bakit di ako nakinig sa mga pangaral sa akin?
Bakit ayokong kino-correct ako?
13 Di ako nakinig sa mga teacher ko,
di ko pinansin ang mga tinuturo nila sa akin.
14 Ngayon tuloy, sirang-sira na ako,
hiyang-hiya sa harap ng mga tao.”
15 Maging tapat ka sa iyong asawa,
mahalin mo sya, sya lang at wala nang iba.
16 Kung magkakaanak ka sa ibang babae,
wala kang mapapalang mabuti.
17 Pag lumaki ang mga anak mo,
dapat ikaw ang tulungan nila, hindi ibang tao.
18 Kaya maging masaya ka sa asawa mo,
matuwa ka sa babaeng pinakasalan mo nung bata pa kayo,
19 maganda sya at kaakit-akit na parang usa.
Magpakasaya ka sa ganda nya,
at i-enjoy mo ang pag-ibig nya.
20 Anak, bakit ka magpapakabaliw sa babaeng makasalanan?
Bakit mo yayakapin ang asawa ng iba?
21 Nakikita ni LORD lahat ng ginagawa mo,
kahit saan ka pumunta, nakatingin sya.
22 Ang masamang ginagawa ng tao ang magta-trap sa kanya,
sya ang magsa-suffer sa sarili nyang kasalanan.
23 Mamamatay sya kasi wala syang kontrol sa sarili,
sa sobrang kabobohan nya, maliligaw sya.