Ang Mabuti at Masama
1 Ang taong nagpapadisiplina, gustong matuto,
pero ang ayaw magpa-correct ay bobo.
2 Ang mabuting tao, bine-bless ni Lord,
pero ang nagpaplano ng masama, pinaparusahan nya.
3 Ang taong masama, hindi mapapanatag,
pero ang mabuting tao, hindi matitinag.
4 Ang mabuting babae ay nagbibigay ng karangalan sa kanyang asawa,
pero parang kanser sa buto ang babaeng kahiya-hiya.
5 Patas mag-isip ang mabuting tao,
pero ang masama, gusto lang manloko.
6 Ang mga salita ng masama, parang trap na handang pumatay,
pero ang mga sinasabi ng mabuti, nagliligtas ng buhay.
7 Ang masasama ay nawawasak at nauubos ang lahi,
pero nagiging matatag ang pamilya ng mabuti.
8 Kung marunong kang mag-decide, pupurihin ka,
pero kung baluktot kang mag-isip, pagtatawanan ka ng iba.
9 Mas mabuti pa ang simpleng tao na may isang alipin,
kesa feeling big time, wala namang makain.
10 Ang mabuting tao, mabait sa alaga nyang hayop,
pero ang masama ay malupit at walang awa.
11 Maraming makakain ang nagsasaka ng lupa,
pero bobo ang nagpapaka-busy sa mga bagay na walang kwenta.
12 Ang gusto lang ng masasama ay gumawa ng masama,
pero ang matuwid ay matatag at di magigiba.
13 Ang masamang tao, nata-trap sa sarili nyang salita,
pero ang mabuti, nakakatakas sa problema.
14 Rerewardan ang tao sa mga sinasabi nya,
sa ginagawa nya, meron syang makukuha.
15 Sa paningin ng bobo, laging tama ang ginagawa nya,
pero ang matalino, nakikinig sa payo.
16 Kitang-kita agad pag nainis ang bobo,
pero ang matalino, di pinapansin ang insulto.
17 Pag nagsasabi ka ng totoo, lumalabas kung ano ang tama,
pero pag sinungaling ang testigo, nauuwi yun sa panloloko.
18 Ang salitang di pinag-isipan, parang espada, nakakasugat,
pero ang salita ng marunong, nakakapagpagaling.
19 Ang tapat na salita, forever magtatagal,
pero ang kasinungalingan, sandali lang yan.
20 Panloloko ang nasa puso ng mga nagpaplano ng masama,
pero ang nag-iisip ng maganda, nagiging masaya.
21 Walang masamang nangyayari sa mabuting tao,
pero ang buhay ng masama, punung-puno ng gulo.
22 Galit na galit si Lord sa sinungaling,
pero natutuwa sya sa may isang salita.
23 Ang matalinong tao, di pinagyayabang kung anong alam nya,
pero ang walang alam, binibida ang sariling kabobohan.
24 Nagiging leader ang taong masipag,
nagiging alipin ang taong tamad.
25 Nakaka-down ang sobrang pagwo-worry,
pero pag may magandang sinabi sayo, sasaya ka.
26 Ang mabuting tao, nagpapayo sa kaibigan nya,
pero ang masama, naliligaw dahil sa mali nyang pamumuhay.
27 Ang taong tamad, di makukuha ang gusto,
pero ang masipag, magiging successful.
28 Papunta sa buhay ang daan ng matuwid,
pero ang kasamaan, diretso sa kamatayan.