Proverbs
Chapter 31
Mga Payo sa Hari
1 Ito ang mga kasabihan at mensahe ni Haring Lemuel na tinuro ng nanay nya:
2 Anak, mahal kong anak, ikaw ang sagot sa mga prayers ko,
may sasabihin ako sayo.
3 Wag mong sayangin ang lakas at pera mo sa mga babae,
sa mga babaeng sumisira sa mga hari.
4 Lemuel, makinig ka,
ang hari, hindi dapat pala-inom ng alak,
hindi dapat mahilig sa alak ang mga leader.
5 Pag uminom kasi sila, nakakalimutan na nila ang batas,
at wala na silang pakialam sa karapatan ng mga kawawa.
6 Ang bigyan mo ng alak, yung mga malapit nang mamatay,
at yung mga taong sobrang nalulungkot.
7 Hayaan mo silang uminom para malimutan nila ang paghihirap,
at di na nila maisip kung gaano sila kalungkot.
8 Ipagtanggol mo ang mga di kayang mag-defend ng sarili nila,
protektahan mo ang karapatan ng mga walang laban.
9 Magsalita ka para sa kanila, mag-judge ka nang patas.
Ipaglaban mo ang karapatan ng mga mahirap at kawawa.
Ang Mabuting Asawa
10 Mahirap makahanap ng magaling na asawa!
Walang sinabi ang mamahaling alahas compared sa kanya.
11 Tiwala ang mister nya sa kanya,
di kakapusin ang mister nya.
12 Sa araw-araw ng buhay nya, mabuti syang asawa sa mister nya,
at never nyang ginawan ng masama.
13 Enjoy syang nagtatrabaho,
gumagawa ng mga telang linen at wool.
14 Nag-uuwi sya ng pagkain galing sa malayo,
gaya ng mga barko na puno ng paninda.
15 Madilim pa lang, gising na sya
para i-prepare ang pagkain ng pamilya nya
at ibilin sa mga kasambahay ang gagawin nila.
16 Chine-check nyang mabuti ang lupa bago bilhin,
gamit ang naipon nya, gagawin nya itong taniman ng mga grapes.
17 Masipag sya at malakas,
laging ready magtrabaho.
18 Alam nyang kikita sya sa ginagawa nya,
at kahit gabi na, nagtatrabaho pa din sya.
19 Gumagawa sya ng sarili nyang sinulid
na ginagamit sa paghabi ng damit.
20 Mapagbigay sya sa mahihirap,
at handang tumulong sa nangangailangan.
21 Kahit sobrang lamig, di sya nag-aalala,
kasi may damit na pangginaw ang pamilya nya.
22 Gumagawa sya ng mga pang-cover sa kama,
ang damit nya, mamahaling tela na kulay violet.
23 Kilala ang mister nya sa lugar nila,
isa sa mga ginagalang sa bayan.
24 Gumagawa sya ng linen na binebenta nya,
at sa mga negosyante, nagsu-supply sya ng belt.
25 Matatag sya at nirerespeto ng mga tao,
sa mangyayari sa future, hindi sya natatakot.
26 Pag nagsalita sya, may matututunan ka,
at mabuti ang tinuturo nya.
27 Lagi nyang chine-check ang kailangan ng pamilya nya,
at never syang makikitang tatamad-tamad.
28 Proud sa kanya ang mga anak nya,
pati asawa nya, ganito sya purihin:
29 “Maraming babaeng magaling,
pero ikaw ang the best sa lahat.”
30 Yung gandang nakakaakit, naloloko ang tao dyan,
at ang kagandahan naman, kumukupas yan,
pero ang babaeng may takot kay Lord, yan ang dapat purihin.
31 Ibigay ang parangal na deserve nya,
dahil sa mga ginawa nya, purihin sya sa harap ng bayan.