Wag Maging Bobo
1 Hindi bagay sa bobo ang pinupuri,
parang snow sa summer, o ulan sa panahon ng harvest.
2 Hindi tatalab sayo ang sumpa kung di mo deserve yun,
para lang yung ibon na lumilipad pero hindi dumadapo.
3 Latigo ang sa kabayo, lubid sa donkey,
pamalo naman para sa mga bobo.
4 Wag mong patulan ang kabobohan ng taong di nag-iisip,
baka magaya ka sa kanya.
5 Pag nagtanong ang taong di nag-iisip, sagutin mo ng kabobohan,
para hindi nya isiping matalino sya.
6 Pag bobo ang inutusan mong magdala ng message,
para mo na ding pinutol ang paa mo o uminom ka ng lason.
7 Ang kasabihan na bobo ang nagsabi,
parang paa ng pilay, walang silbi.
8 Parang batong nakatali sa tirador
ang papuring binibigay sa taong bobo.
9 Ang kasabihan na sa bobo nanggaling,
parang matinik na sanga sa kamay ng lasing.
10 Ang boss na tumatanggap ng kahit sinong bobo,
ay parang taong may pana na nakakasakit sa lahat.
11 Ang bobong umuulit sa mali nya,
parang asong kinakain ulit yung sinuka nya.
12 Mas may pag-asa pa ang bobo,
kesa sa taong feeling matalino.
13 Laging dahilan ng tamad,
“May lion sa daan, may lion sa kalsada!”
14 Kung paanong bukas-sara ang pinto,
ganun din ang tamad, pabali-baliktad lang sa kanyang kama.
15 Pag kakain ang tamad,
hindi makasubo sa sobrang katamaran nya.
16 Feeling ng tamad, mas matalino sya
kesa sa pitong taong may sense ang sinasabi.
17 Ang nakikisali sa gulo ng iba,
parang taong humihila sa tenga ng asong gala.
18 Parang baliw na tumitira ng umaapoy na pana
19 yung taong nanloloko sa kapwa tapos sasabihing “Joke lang!”
20 Pag walang kahoy na panggatong, namamatay ang apoy,
at kung walang tsismis, wala ding gulo.
21 Ang uling at kahoy, nagpapalakas ng apoy,
ang palaaway na tao, nagpapalaki ng gulo.
22 Sobrang sarap ng tsismis,
lahat ng tao gusto yung kainin.
23 Parang pampakintab sa cheap na banga,
ang magandang salita na galing sa pusong masama.
24 Ang taong plastik, maganda ang sinasabi,
pero sa puso nya may tinatagong galit.
25 Masarap syang pakinggan pero wag kang maniwala,
kasi puro kasamaan lang ang nasa puso nya.
26 Kahit manloko pa sya para itago ang galit nya,
malalaman din ng lahat na masama sya.
27 Yung humukay ng trap, sya rin ang mahuhulog dun,
at yung nagpagulong ng bato, sya din ang magugulungan nun.
28 Galit ka sa taong sinaktan mo nung nagsinungaling ka,
at ang pambobola, nakakasira ng buhay ng iba.