-19-
1 Wag kang mainggit sa mga taong masama,
wag kang makipagkaibigan sa kanila.
2 Yung mga iniisip nila, puro karahasan,
laging panggugulo ang pinag-uusapan.
-20-
3 Natatayo ang bahay dahil sa karunungan,
tumitibay yun pag nagkakaintindihan,
4 at dahil sa talino, napupuno ang mga kwarto
ng lahat ng mahalaga at magandang bagay.
-21-
5 Daig ng matalino ang taong malakas,
oo nga, mas mahalaga ang talino kesa sa lakas.
6 Kasi pag susugod sa laban, dapat may magandang plano,
sure ang panalo pag maraming nagpapayo.
-22-
7 Hindi maintindihan ng bobo ang mga malalim na kasabihan,
di sila makaimik sa mahalagang usapan.
-23-
8 Ang laging may masamang plano,
makikilalang pasimuno ng gulo.
9 Basta nagplano ang siraulo, sure na kasalanan yun,
at ang nang-iinsulto ng kapwa, sinusuka ng mga tao.
-24-
10 Kung bumibigay ka pag may problema,
mahina ka talaga.
-25-
11 Iligtas mo yung mga hinatulang mamatay,
i-save mo yung mga taong kinakaladkad para patayin.
12 Kahit sabihin mong wala kang kinalaman dun,
alam ng Diyos ang nasa puso mo, nakikita nya yun.
Nakabantay sya sayo, alam nya lahat,
at pagbabayarin ka nya sa mga ginagawa mo.
-26-
13 Anak, kumain ka ng honey, mabuti yun sayo,
pag natikman mo ang honey, masasarapan ka.
14 Ganun din ang karunungan, makakabuti sayo.
Pag may karunungan ka, gaganda ang future mo,
hindi ka mawawalan ng pag-asa.
-27-
15 Wag kang mag-abang sa bahay ng matuwid na para kang magnanakaw,
wag mong gawan ng masama ang bahay na yun.
16 Kasi kahit ilang beses bumagsak ang taong matuwid, makakabangon ulit sya,
pero ang masasama, nawawasak pag may dumating na problema.
-28-
17 Pag napahamak ang kaaway mo, wag kang magsaya,
wag kang mag-celebrate pag nadapa sya.
18 Kasi pag nalaman yan ni Lord, di sya matutuwa,
tapos yung galit nya sa kaaway mo, mawawala na.
-29-
19 Wag kang ma-stress dahil sa mga gumagawa ng masama,
wag kang mainggit sa kanila.
20 Walang future ang taong masama,
parang kandila na pinatay ang apoy.
-30-
21 Anak ko, matakot ka kay Lord at sa hari,
wag kang sasama sa mga sumusuway sa kanila.
22 Kasi biglang mapapahamak ang mga ganung tao,
at walang nakakaalam kung gaano katindi ang parusa ng hari at Diyos sa kanila.
Iba pang mga Kasabihan
23 Ito pa yung ibang kasabihan ng matalino:
Mali ang mag-judge nang may pinapaboran.
24 Pag sinabi mong inosente ang taong guilty,
mumurahin ka ng marami, itatakwil ng lahat,
25 pero pag pinarusahan mo ang taong may sala,
sasaya ang buhay mo, mabe-bless ka nang sagana.
26 Ang honest na sagot
ay proof ng tunay na pagkakaibigan.
27 I-ready mo muna ang bukid mo para mataniman,
siguraduhin mong ayos na lahat ng kailangan mo,
at saka ka magtayo ng bahay.
28 Wag kang tetestigo ng di totoo laban sa kapwa mo,
pag may sasabihin ka, wag kang manloloko.
29 Wag mong sabihing, “Gagawin ko sa kanya yung ginawa nya sa akin.
Gagantihan ko sya!”
30 Napadaan ako sa bukid ng taong tamad,
sa taniman ng ubas ng taong di nag-iisip.
31 Ayun, tinubuan na ng matitinik at matataas na damo,
bumagsak na pati yung bakod na bato.
32 Tiningnan ko nga yun, at napaisip ako,
may natutunan ako sa nakita kong yun:
33 Konting tulog, konting idlip,
tigil muna, pahinga lang saglit,
34 pero magugulat ka, nandyan na ang kahirapan,
kukunin ang lahat sayo, parang armadong magnanakaw.