Proverbs
Chapter 19
Mabubuhay nang Matagal ang may Takot kay Lord
1 Mas mabuti pa yung mahirap na namumuhay nang tapat,
kesa sa taong bobo na nga, sinungaling pa.
2 Kung may gusto kang gawin pero wala ka namang alam, wala rin yung pakinabang,
at pag masyadong nagmamadali, siguradong magkakamali.
3 Napapahamak ang tao sa sarili nyang kabobohan,
tapos si Lord ang sinisisi nya.
4 Maraming kaibigan ang taong mayaman,
pero ang mahirap, iniiwan ng kaibigan.
5 Sure na paparusahan ang sinungaling na witness,
ang nagsisinungaling, di makakatakas.
6 Maraming gustong mapalapit sa taong mapagbigay,
ang namimigay ng regalo, kinakaibigan ng lahat ng tao.
7 Ang taong mahirap, iniiwasan ng kamag-anak,
lalo na yung mga kaibigan nya, lumalayo sa kanya,
kahit anong pangungulit nya, walang kumakampi sa kanya.
8 Kung mahal mo ang sarili mo, sikapin mong maging matalino,
tandaan mo ang mga natutunan mo at ikaw ay aasenso.
9 Sure na paparusahan ang sinungaling na witness,
ang di nagsasabi ng totoo, siguradong babagsak.
10 Hindi bagay sa walang alam ang magbuhay-mayaman,
ganun din ang alipin, hindi pwedeng mamuno sa mga leader ng bayan.
11 Kung marunong ka, di ka mabilis magalit,
hinahangaan ang taong nagpapalampas ng mali.
12 Pag galit ang hari, para syang nagro-roar na lion,
pero pag natutuwa sya, para syang ulan sa halaman.
13 Sobrang pasakit sa magulang ang anak na di nag-iisip.
Nakakainis ang asawang puro angal, parang patak ng ulan na di tumitigil.
14 Bahay at kayamanan, namamana sa magulang,
pero ang marunong na asawa, si Lord ang nagbibigay.
15 Sige, sa katamaran mo, matulog ka nang mahimbing,
siguradong gutom ang iyong aabutin.
16 Sundin mo ang batas ng Diyos, mabubuhay ka nang matagal,
balewalain mo ang salita, mamamatay ka.
17 Pag mabait ka sa mahihirap, para kang nagpautang kay Lord,
at babayaran ka nya sa kabutihan mo.
18 Disiplinahin mo ang anak mo habang pwede pa silang matuto,
kung hindi, masisira ang buhay nya.
19 Hayaan mong pagbayaran ng tao ang init ng ulo nya,
kasi pag tinulungan mo sya ngayon, next time gagawin mo ulit yun.
20 Makinig ka sa payo at sundin mo ang tinuturo sayo
para maging marunong ka sa future.
21 Maraming pinaplano ang tao,
pero yung gusto ni Lord ang mangyayari.
22 Pagiging tapat ang hinahanap sa isang tao,
mas mabuti pang maging mahirap kesa sinungaling.
23 Ang may takot kay Lord, mabubuhay nang matagal,
kontento sa buhay, at ligtas sa pahamak.
24 May taong sa sobrang tamad,
isusubo na lang ang pagkain, ayaw pang gawin.
25 Parusahan mo ang mayabang, at matututo pati ang walang alam,
pagsabihan mo ang matalino, madadagdagan pa ang alam nya.
26 Ang anak na nananakit sa tatay nya at nagpapalayas sa nanay nya,
kahihiyan ang dala, nakakahiya sya talaga.
27 Anak ko, pag di ka nakinig sa tinuturo sayo,
malalayo ka sa karunungan.
28 Ang sinungaling na witness, walang galang sa hustisya,
sa paggawa ng mali, tuwang-tuwa ang masama.
29 Ready na ang parusa sa mga nanlalait,
at hahampasin sa likod ang mga hindi nag-iisip.