May Pakinabang sa Karunungan
1 Naitatayo ang tahanan dahil sa marunong na babae,
winawasak naman yun ng walang alam.
2 May takot kay Lord ang nabubuhay nang matuwid,
pero yung namumuhay sa panloloko, galit sa kanya.
3 Paparusahan ang bobo dahil sa mga kayabangan nya,
pero sariling salita ang nagliligtas sa marurunong.
4 Kung walang mga bakang nag-aararo, wala ding pagkain,
pero kung may malakas na baka, maraming makakain.
5 Hindi nagsisinungaling ang tapat na witness,
pero ang nagkukunwari, puro di totoo ang sinasabi.
6 Hindi magiging marunong ang mayabang,
pero ang matalino, madaling matuto.
7 Lumayo ka sa mga bobo,
wala kang matututunan sa mga yun.
8 Ang taong marunong ay matalino kasi alam nya kung anong gagawin nya,
pero ang bobo, naloloko kasi wala syang alam.
9 Walang pakialam ang mga bobo kahit magkasala sila,
pero na-eenjoy ng mga matuwid ang kabaitan ng Diyos.
10 Ikaw lang ang nakakaalam kung gaano ka kalungkot,
wala ring nakakaalam kung gaano ka kasaya.
11 Mawawasak ang bahay ng masama,
pero ang bahay ng matuwid, mas magiging matatag.
12 May mga daan na akala mo tama,
pero ang dulo pala nun ay kamatayan.
13 Kahit tumatawa, may lungkot pa rin,
after ng saya, mabigat pa rin ang damdamin.
14 Pagbabayaran ng masama ang ginagawa nya,
yung gumagawa ng mabuti, tatanggap ng reward sa huli.
15 Ang taong walang alam, naniniwala sa lahat ng naririnig nya,
pero ang matalino, nakatingin sa nilalakaran nya.
16 Maingat at umiiwas sa gulo ang matalino,
pero padalus-dalos at walang pagpipigil ang mahina ang ulo.
17 Ang mainitin ang ulo, kumikilos nang di nag-iisip,
galit ang mga tao sa nagpaplano ng masama.
18 Kabobohan ang makukuha ng taong walang alam,
karunungan naman ang reward sa taong matalino.
19 Luluhod ang masasama sa harap ng mga mabuti,
sa taong matuwid, magmamakaawa sila.
20 Inaayawan ang mahirap kahit ng kanyang kapitbahay,
pero ang mayaman, maraming kaibigan.
21 Ang nang-iinsulto sa kapwa ay nagkakasala,
pero ang tumutulong sa mahihirap, siguradong sasaya.
22 Ang nagpaplano ng masama ay naliligaw ng landas,
pero ang nagpaplano ng mabuti, igagalang at pagkakatiwalaan.
23 Magsipag ka sa trabaho at magkakapera ka,
kung puro salita lang, maghihirap ka.
24 Kayamanan ang reward sa marunong na tao,
kabobohan naman ang tatanggapin ng mga di nag-iisip.
25 Nagliligtas ng buhay ang honest na witness,
pero ang witness na sinungaling, nagtatraydor.
26 Panatag ang loob ng may takot kay Lord,
sya at ang pamilya nya, siguradong may matatakbuhan.
27 Ang pagkakaroon ng takot kay Lord ay nagbibigay ng buhay,
maiiwasan ang mga trap na nakakamatay.
28 Nakadepende ang karangalan ng hari sa dami ng taong nasasakupan nya,
kung wala sila, walang kwenta ang paghahari nya.
29 Ang taong hindi madaling magalit, malawak ang pang-unawa,
pero ang mainitin ang ulo, pinapakita ang kabobohan nya.
30 Pag payapa ang isip, healthy ang buong katawan,
pero ang matinding selos, parang sakit na malala.
31 Pag inaapi mo ang mahihirap, iniinsulto mo ang nag-create sa kanila,
pero ino-honor mo ang Diyos pag mabait ka sa dukha.
32 Babagsak ang masama dahil sa kasalanan nya,
pero nase-save ang matuwid dahil sa mabuti nyang ginagawa.
33 Karunungan ang laging nasa isip ng matalino,
hindi mo yun makikita sa mga bobo.
34 Pag umiiral ang katuwiran, nagiging dakila ang bansa,
pero napapahiya ang bayan dahil sa kasalanan.
35 Masaya ang hari sa mahusay nyang opisyal,
pero sa opisyal na kahiya-hiya, sobra ang galit nya.