Sundin ang Kautusan
1 Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol,
pero ang matuwid, kasingtapang ng lion.
2 Pag nagkakasala ang bayan, paiba-iba ang namamahala,
pero pag matalino at magaling ang mga leader, magiging matibay ito at matatag.
3 Ang mahirap na nang-aapi ng kapwa nya mahirap
ay parang bagyong sumisira ng mga pananim.
4 Yung mga walang pakialam sa kautusan, pinupuri ang masasama,
pero yung mga sumusunod sa kautusan, lumalaban sa kanila.
5 Hindi naiintindihan ng masasamang tao kung ano ang hustisya,
pero alam na alam ito ng mga nagwo-worship kay Lord.
6 Mas mabuti pang maging mahirap na namumuhay nang tama,
kesa mayaman na masama naman ang ginagawa.
7 Matalinong anak ang sumusunod sa kautusan,
pero ang bumabarkada sa mga walang kwenta, kahihiyan ng magulang.
8 Pag yumaman ka dahil sa malaking patubo mo sa utang,
mapupunta ang yaman mo sa taong mabait sa mahirap.
9 Pag ang tao di sumusunod sa kautusan,
kahit prayer nya, di matanggap ng Diyos.
10 Ang umaakit sa taong matuwid na maging masama,
sya mismo ang mahuhulog sa sarili nyang trap.
Pero ang walang kasalanan,
maganda ang kanyang kinabukasan.
11 Feeling ng mayaman, matalino sya,
pero alam ng mahirap na magaling mag-isip, kung ano talaga sya.
12 Pag matuwid ang nasa kapangyarihan, nagse-celebrate ang mga tao,
pero pag masama ang namamahala, nagtatago ang lahat.
13 Hindi aasenso ang taong nagtatago ng kasalanan,
pero maaawa ang Diyos sa taong umaamin at tumatalikod sa mali nya.
14 Masaya ang taong laging sumusunod kay Lord,
pero mapapahamak ang matigas ang ulo.
15 Parang mabangis na lion o sumusugod na bear
ang isang masamang leader sa mga taong mahirap.
16 Ang leader na di nakakaintindi ay matindi kung mang-api,
pero ang ayaw sa pandaraya, hahaba ang buhay.
17 Yung taong pumatay ng kapwa nya,
tatakbo hanggang kamatayan.
Di sya dapat tulungan.
18 Ang namumuhay nang matuwid, maliligtas ang buhay,
pero ang manloloko, bigla na lang malalaglag sa hukay.
19 Maraming makakain ang nag-aararo ng lupa,
pero kung walang kwenta ang inaatupag, sobrang maghihirap.
20 Ang taong tapat, mabe-bless nang sobra,
pero ang nagmamadaling yumaman, sure na paparusahan.
21 Hindi tama ang may pinapaboran,
pero may mga gagawa ng mali kahit sa maliit na lagay lang.
22 Ang taong madamot, nagmamadaling yumaman,
pero di nya alam, maghihirap lang din sya.
23 Ang taong nagsasaway, mas ma-aappreciate pagdating ng araw,
kesa sa taong pumupuri lang.
24 Ang taong nagnanakaw sa magulang nya at nagsasabing hindi yun masama
ay walang pinagkaiba sa isang kriminal.
25 Ang makasariling tao, nagsisimula ng gulo,
pero ang nagtitiwala kay Lord, umaasenso.
26 Mahina ang ulo ng taong sa sariling opinyon lang umaasa,
pero maliligtas ang namumuhay nang may karunungan.
27 Ang taong nagbibigay sa mahirap, hindi magkukulang,
pero isusumpa ng marami ang nagbubulag-bulagan.
28 Pag naghahari ang masama, nagtatago ang lahat,
pero pag nawala sila, mabubuti naman ang mamamahala.