Proverbs
Chapter 6
Iba pang mga Advice
1 Anak ko, nag-promise ka ba na babayaran mo ang utang ng iba?
Pumayag ka bang magbayad sa utang ng di mo kilala?
2 Napasubo ka ba dahil sa mga sinabi mo,
sa mga binitawan mong pangako?
3 Ganito ang gawin mo, anak, i-save mo ang sarili mo,
kasi hawak na ng kapwa mo ang buhay mo,
bilisan mo, magmakaawa kang pakawalan ka nya.
4 Wag kang matutulog,
o iidlip man lang.
5 Iligtas mo ang sarili mo na parang ibong na-trap,
parang usa na tumatakas sa huma-hunting sa kanya.
6 Kayong mga tamad, tingnan nyo ang mga langgam,
tingnan nyo ang ginagawa nila para matuto kayo.
7 Wala silang leader,
wala silang boss o kahit pinuno,
8 pero nag-iipon sila ng pagkain pag summer,
naghahanda sa pagdating ng winter.
9 Ikaw na tamad, hanggang kelan ka hihiga dyan?
Kelan ka babangon?
10 Sinasabi mo, “Iidlip lang ako saglit,
pahinga lang ako nang konti.”
11 Pero habang tulog ka, dadating ang kahirapan,
parang magnanakaw, may dalang armas.
12 Ang taong masama at walang kwenta,
nagsisinungaling kahit saan pumunta.
13 Kumikindat sya at sumesenyas
para lokohin ka.
14 Masasama ang plano nya,
laging gulo ang dala.
15 Kaya bigla na lang syang mapapahamak,
mawawasak sya at tuluyang mamamatay.
16 May pitong ayaw si Lord,
galit na galit sya sa ganito:
17 yung mayabang, sinungaling,
pumapatay ng mga inosente,
18 nagpaplano ng masama,
mga nagmamadaling gumawa ng hindi tama,
19 tumetestigo ng hindi totoo,
at yung gumagawa ng paraan para mag-away ang magkakaibigan.
Wag Pumatol sa may Asawa
20 Anak ko, gawin mo ang sinasabi ng tatay mo,
wag mong kakalimutan ang mga turo ng nanay mo.
21 Ingatan mo ang mga yun sa iyong puso,
lagi mong isuot na parang kwintas.
22 Ili-lead ka ng mga yun saan ka man pumunta,
babantayan ka habang tulog ka,
at bibigyan ka ng advice sa buong araw.
23 Kasi ang kautusan, parang ilaw na nagliliwanag,
at ang pagsasaway, nagli-lead sa maayos na pamumuhay.
24 Ilalayo ka nito sa masamang babae,
sa pambobola ng babaeng may asawa.
25 Wag kang magpapatukso sa ganda nya,
sa mga tingin nya, wag kang magpapadala.
26 Makakakuha ka ng prostitute sa presyo ng tinapay,
pero pag pumatol ka sa asawa ng iba, kapalit nun ay iyong buhay.
27 Pag dinikit mo ang apoy sa dibdib mo,
hindi ba masusunog ang damit mo?
28 Pag lumakad ka sa baga,
di ba masusunog ang iyong paa?
29 Ganun din ang sumisiping sa asawa ng iba,
yung gumagawa nito, siguradong magdurusa.
30 Hindi ka magagalit sa magnanakaw
kung nagnakaw sya dahil sa gutom.
31 Pero pag nahuli sya, seven times ng kanyang ninakaw ang babayaran nya,
ibibigay nya lahat ng meron sya.
32 Di nag-iisip ang taong sumisiping sa may asawa,
ang gumagawa nito, sinisira ang sarili nya.
33 Mabubugbog sya at mawawalan ng dangal,
di na mabubura ang kahihiyan nya.
34 Dahil sa selos, nagwawala ang asawang lalaki,
di sya maaawa pag sya ay naghiganti.
35 Di sya tatanggap ng kahit anong bayad,
kahit mag-offer ka ng marami, di mawawala ang galit nya.