Si Lord ang Magdi-decide
1 Nagpaplano ang tao,
pero si Lord ang may final say dito.
2 Akala ng tao, lahat ng ginagawa nya tama,
pero alam ni Lord kung ano talaga ang nasa puso nya.
3 Ipagkatiwala mo kay Lord ang mga ginagawa mo,
at gagawin nyang successful ang mga ito.
4 May purpose si Lord sa lahat ng ginawa nya,
yung masasama, ginawa nya para wasakin.
5 Galit na galit si Lord sa mayabang,
yung ganung tao, siguradong paparusahan.
6 Pag mahal mo ang Diyos at tapat ka sa kanya, patatawarin ang kasalanan mo.
Ang sumusunod kay Lord, hindi mapapahamak.
7 Kung natutuwa si Lord sa buhay ng isang tao
pati kaaway nya ay makakasundo.
8 Mas okay pa ang maliit na kita basta nakuha sa matuwid na paraan,
kesa maraming pera na galing sa pandaraya.
9 Nagpaplano ang mga tao,
pero si Lord ang nagsasabi kung saan sila pupunta.
10 May authority ang mga sinasabi ng hari,
laging tama ang mga desisyon nya.
11 Ang gusto ni Lord, timbangan na walang daya,
tamang panukat, sya ang may gawa.
12 Hindi maaatim ng mga hari ang gawaing masama,
kasi sa matuwid na pamumuno tumatatag ang kaharian.
13 Natutuwa ang hari pag totoo ang naririnig nya,
mahal nya ang taong nagsasabi ng totoo.
14 May mamamatay pag nagalit ang hari,
kaya sisikapin ng matalino na sya ay mapangiti.
15 Ang masayang hari, nagbibigay ng buhay,
para syang ulap na may dalang ulan.
16 Talagang mas mahalaga sa gold ang maging marunong,
mas importante pa sa silver ang maging matalino.
17 Ang taong matuwid, umiiwas sa daan ng masama,
ang lumalakad nang maingat hindi napapahamak.
18 Ang nagyayabang, sure na mawawasak,
at ang nagmamataas, sure na babagsak.
19 Mas mabuting maging humble at mahirap,
kesa makihati sa yaman ng mayayabang.
20 Ang nakikinig sa tinuturo ay magiging successful,
ang nagtitiwala kay Lord, magiging masaya.
21 Matalino ang isang tao kung magaling syang magdesisyon,
sa magandang pagsasalita, mas nako-convince ang iba.
22 Karunungan ang nagbibigay-buhay sa matalino,
pero kabobohan ang parusa sa mga di nag-iisip.
23 Nag-iisip muna ang matalino bago magsalita,
kaya mas convincing ang sinasabi nya.
24 Parang honey ang magagandang salita,
masarap sa pakiramdam, nagpapalakas ng katawan.
25 May daang akala mo tama,
pero sa dulo, kamatayan pala.
26 Nagsisipag ang empleyadong nagugutom,
kasi gusto nyang makakain.
27 Ang taong walang kwenta, nagpaplanong manakit ng kapwa,
parang apoy na nakakapaso ang mga sinasabi nya.
28 Magaling magkalat ng tsismis ang masama,
sinisira nya ang samahan ng magkakaibigan.
29 Niloloko ng marahas ang kanyang kaibigan,
dinadala sa lugar na ikapapahamak nya.
30 Ingat ka sa taong ngumingiti at pakindat-kindat,
meron yang masamang binabalak.
31 Mahabang buhay ang reward sa taong namumuhay nang matuwid,
magarang korona ang mga puting buhok nya.
32 Daig ng mapagpasensya ang taong malakas,
ang may kontrol sa sarili, mas magaling pa sa nakakasakop ng city.
33 Nagpapalabunutan ang mga tao para malaman ang gagawin,
pero ang desisyon, kay Lord mismo nanggagaling.