Advice ng mga Magulang
1 Mga anak, makinig kayo sa tinuturo ng tatay nyo,
makinig nang mabuti para makaintindi kayo.
2 Ang mga tinuturo ko sa inyo ay mabuti,
kaya wag nyo itong balewalain.
3 Nung bata pa ako,
at kaisa-isang anak ng mga magulang ko,
4 tinuruan ako ng tatay ko, at sabi nya sa akin,
“Lagi mong tandaan ang mga sinasabi ko,
sundin mo ang mga utos ko at hahaba ang buhay mo.
5 Wag mong kalimutan o balewalain ang mga salita ko,
maging marunong ka, matuto kang mag-isip nang tama.
6 Wag mong talikuran ang karunungan, iingatan ka nya,
mahalin mo sya at sisiguraduhin nyang safe ka.
7 Ang pinakamahalaga sa lahat ay maging marunong,
at sa lahat ng pwede mong makuha, talino ang piliin mo.
8 Ituring mo syang mahalaga at itataas ka nya,
wag mo syang pakawalan at bibigyan ka nya ng karangalan.
9 Lalagyan nya ng koronang bulaklak ang ulo mo,
magandang korona ang isusuot sayo.”
10 Anak ko, makinig ka, maniwala ka sa mga sinasabi ko,
para humaba ang buhay mo.
11 Tinuruan na kitang maging marunong,
ni-lead kita sa tamang pamumuhay.
12 Pag lumakad ka, walang haharang sa daan mo,
pag tumakbo ka, di ka madadapa.
13 Tandaan mo ang mga tinuro sayo, wag mo yung bibitawan,
ingatan mo ito, kasi ito ang nagbibigay-buhay sayo.
14 Wag kang lalakad sa landas ng mga masama,
wag mong gagayahin ang ginagawa nila.
15 Umiwas ka sa masama, wag kang gagawa nun,
talikuran mo yun at magpatuloy ka lang.
16 Di makatulog ang masama pag di sila nakagawa ng mali,
gising na gising sila hanggat wala silang nasasaktan.
17 Ang pagkain nila, kasamaan,
ang iniinom nila, karahasan.
18 Pero ang daan ng matuwid ay parang araw na sumisikat,
mas tumitindi ang liwanag sa pagdating ng umaga.
19 Ang daan ng masama ay parang kadiliman,
di nila alam kung anong nakatisod sa kanila.
20 Anak ko, makinig kang mabuti sa mga turo ko,
pakinggan mong mabuti ang mga sinasabi ko.
21 Wag mo yung alisin sa paningin mo,
ingatan mo ang mga yun sa puso mo.
22 Magkakaroon ng buhay ang nakakaintindi ng mga ito,
magiging healthy ang buong katawan nya.
23 Ingatan mo at bantayan ang puso mo,
dyan nakasalalay ang buhay mo.
24 Wag kang magsasabi ng di totoo,
wag na wag kang manloloko.
25 Tumingin ka lang nang diretso,
mag-focus ka sa pupuntahan mo.
26 Pag-isipan mong mabuti ang mga hakbang mo,
para siguradong tama lahat ng gagawin mo.
27 Wag kang liliko sa kanan o sa kaliwa,
lumakad ka palayo sa masama.