Makinig Ka Muna Bago Magsalita
1 Ang taong makasarili, ayaw makisama sa iba,
kinokontra nya lahat ng desisyon na tama.
2 Walang pakialam ang bobo kung may naiintindihan sya o wala,
ang gusto lang nya, sabihin yung opinyon nya.
3 Pag may ginawa kang masama, aayawan ka ng mga tao,
pag gumawa ka ng kahiya-hiya, hahamakin ka.
4 Parang malalim na dagat ang mga salita ng tao,
parang batis na bumubukal ang karunungan dito.
5 Hindi tama na kampihan ang masama,
at ipagkait ang hustisya sa gumagawa ng tama.
6 Ang salita ng siraulo, nagsisimula ng gulo,
pag nagsalita sya, parang gusto nyang masaktan.
7 Pinapahamak ang bobo ng sarili nyang salita,
nahuhuli sya sa mga sinasabi nya.
8 Sobrang sarap ng tsismis,
lahat ng tao gusto yung kainin.
9 Ang taong tamad magtrabaho,
pareho ng mapanirang tao.
10 Si Lord ay parang matibay na tore,
takbuhan sya ng matuwid para maging safe.
11 Pero ang mayaman, sa pera umaasa,
feeling nya, matatag na pader yun na nagpo-protect sa kanya.
12 Ang nagyayabang, sure na mawawasak,
itataas naman ang may mababang kalooban.
13 Makinig ka muna bago ka magsalita,
para di ka mapahiya at magmukhang walang alam.
14 Ang may malakas na kalooban, matatag kahit may sakit,
pero pag humina ang loob nya, di na nya kakayanin.
15 Ang matalino, gustung-gustong matuto,
laging excited madagdagan ang nalalaman.
16 Magdala ka ng regalo, haharap sayo kahit sino,
makakausap mo pati mga importanteng tao.
17 Sa isang kaso, iisipin mong tama yung unang nagsalita,
hanggat di pa sya kinukwestyon ng nasa kabila.
18 Pag parehong malakas ang magkalaban,
ang desisyon, pwedeng sa toss coin idaan.
19 Ang kaibigan na nasaktan, mas matigas pa sa matibay na pader ng city,
ang pagtatalo, parang matibay na kandado sa pinto ng palasyo.
20 Makukuha mo ang bunga ng mga sinabi mo—
bawat salitang binitawan mo.
21 Ang mga salita, pwedeng pumatay o magbigay-buhay,
pananagutan mo ang bawat salitang sinabi mo.
22 Mabuti sa lalaki ang makahanap ng asawa,
isa syang regalo na si Lord ang nagbigay.
23 Ang taong mahirap, laging nakikiusap,
pero kung sagutin sila ng mayaman, laging magaspang.
24 May mga kaibigan na hindi tumatagal,
pero meron namang mas loyal pa kesa sa kapatid.