Proverbs
Chapter 29
Matuwid na Leader, Matatag na Bayan
1 Ang taong ilang beses nang pinagsasabihan pero ayaw magbago,
bigla na lang mapapahamak, at di na makaka-recover.
2 Pag matuwid ang nasa pwesto, masaya ang mga tao,
pero puro sila reklamo pag masama ang namumuno.
3 Ang nagmamahal sa karunungan, nagpapasaya sa magulang,
pero ang sumasama sa mga prostitute, nagwawaldas lang ng pera.
4 Matatag ang bayan pag ang hari ay makatarungan,
pero nasisira yun pag mukha syang pera.
5 Ang taong nambobola ng kapwa nya,
naglalagay ng trap para sa sarili.
6 Nata-trap ang masama sa sarili nyang kasalanan,
pero ang matuwid, kumakanta at nagse-celebrate.
7 May pakialam ang matuwid sa karapatan ng mahirap,
pero ang masama, hindi ito naiintindihan.
8 Yung mayayabang, nanggugulo sa bayan,
yung matatalino naman ang nag-aayos ng gulo.
9 Pag kinasuhan ng matalino ang bobo,
tatawa lang yung bobo at magwawala, at di titigil sa kakasalita.
10 Yung mga mamamatay-tao, galit sa taong mabuti,
pero yung mga matuwid, gustong protektahan ang mabuting tao.
11 Pag nagagalit ang bobo, lahat ng galit nya, nilalabas nya,
pero ang matalino, nagpipigil at tumatahimik.
12 Pag nakikinig ang leader sa hindi totoo,
lahat ng mga opisyal nya magiging masama.
13 May pagkakapareho ang taong mahirap at ang nagpapahirap,
parehong si Lord ang nagbibigay ng liwanag sa mata nila.
14 Pag ang hari, patas mag-judge sa mahirap,
yung kaharian nya, habang buhay magiging matatag.
15 Ang pamalo at pagsasaway, nagbibigay ng karunungan,
pero ang batang hindi nadisiplina, kahihiyan ang dala sa nanay nya.
16 Pag masama ang nasa kapangyarihan, dumadami ang kasalanan,
pero makikita ng matuwid ang pagbagsak nila.
17 Disiplinahin mo ang anak mo, at magiging peaceful ang buhay mo,
sasaya ka dahil sa kanya.
18 Magulo ang bayan pag hindi gina-guide ng Diyos,
pero masaya ang mga sumusunod sa batas nya.
19 Hindi sapat ang salita para matuto ang isang servant,
kasi kahit maintindihan nya, hindi pa din sya susunod.
20 Mas may pag-asa pa ang bobo
kesa sa taong di pinag-iisipan ang sinasabi.
21 Pag masyado kang mabait sa servant mo simula nung bata sya,
dadating ang panahon, aangkinin nya lahat ng iyo.
22 Ang taong mainitin ang ulo, nagsisimula ng gulo,
at ang taong madaling magalit, nakakagawa ng maraming kasalanan.
23 Ang magpapabagsak sa isang tao ay kayabangan,
pero kung humble ka, respeto ang matatanggap mo.
24 Pag kasabwat ka ng magnanakaw, sarili mo ang kalaban mo,
mapaparusahan ka pag nagsabi ka ng totoo,
at kung hindi, Diyos ang magpaparusa sayo.
25 Pag takot ka sa sasabihin ng iba, para kang nasa trap,
pero kung nagtitiwala ka kay Lord, panatag ka.
26 Maraming may gustong paboran sila ng leader,
pero kay Lord lang makukuha ang katarungan.
27 Ayaw na ayaw ng matuwid sa masama,
at ang masama, galit na galit sa matuwid.