Mahalaga ang mga Kasabihan
1 Mga kasabihan ni Solomon, anak ni David at hari ng Israel.
2 Makakatulong ang mga ito para maging marunong ang mga tao at matuto sila, at maintindihan ang mga salitang puno ng aral. 3 Tinuturo ng mga ito kung paano maging matalino sa buhay, honest, makatarungan, at patas. 4 Dahil sa mga ito, tatalas ang isip ng mga walang alam at matututong mag-decide nang tama ang mga kabataan. 5 Hayaan mong makinig ang mga marunong para dumami pa ang alam nila, at ang mga matalino, maging mahusay pa, 6 para maintindihan nila ang malalalim na meaning ng mga kasabihan at palaisipang sinasabi ng matalino.
Advice sa mga Kabataan
7 Pag may takot ka kay Lord, yan ang simula ng pagiging marunong.
Minamaliit ng mga walang alam ang karunungan at disiplina.
8 Anak, makinig ka sa sinasabi ng tatay mo,
wag mong balewalain ang pangaral ng nanay mo.
9 Parang korona ang mga yun sa iyong ulo,
at kwintas sa leeg mo.
10 Anak, pag niyaya ka ng masasama na gumawa ng kasalanan,
wag kang pumayag.
11 Pag sinabi nilang, “Tara, sama ka, may papatayin tayo.
Trip lang, mag-abang tayo ng kahit sino lang dyan.
12 Tingnan mo, buháy pa sila at malakas,
pero sa gagawin natin, siguradong diretso sila sa hukay.
13 Kukunin natin lahat ng kayamanan nila,
ang mga bahay natin, pupunuin natin ng mga nakaw.
14 Tara, sama ka sa amin,
hati-hati tayo sa makukuha natin.”
15 Anak, sa mga ganung tao, wag kang sumama,
wag mong sundan yung nilakaran nila.
16 Nagmamadali silang gumawa ng masama,
at lagi silang handang pumatay ng tao.
17 Walang kwentang maglagay ng trap,
pag nakatingin ang ibong huhulihin.
18 Pero yung masasamang tao, gumagawa ng trap,
tapos yung trap ding yun ang papatay sa kanila.
19 Ganyan ang napapala ng mga yumayaman sa karahasan,
ninanakaw sa kanila ang buhay nila.
Makinig sa Karunungan
20 Sumisigaw sa kalsada ang karunungan,
tumatawag nang malakas sa gitna ng bayan.
21 Sumisigaw sya sa sentro ng bayan,
sa mga lugar na maraming tao:
22 “Kayong mga walang alam!
Hanggang kelan nyo gustong maging ganyan?
Hanggang kelan nyo pagtatawanan ang karunungan?
Ayaw nyo ba talagang matuto?
23 Pakinggan nyo itong pangaral ko,
bibigyan ko kayo ng magandang advice,
ishe-share ko sa inyo ang mga alam ko.
24 Nakailang tawag na ako sa inyo, pero di kayo nakikinig,
ilang beses ko na kayong ininvite pero di nyo ko pinapansin.
25 Binalewala nyo lahat ng pangaral ko,
at ayaw nyong magpa-correct sa akin.
26 Kaya pag may nangyaring masama sa inyo, tatawanan ko lang kayo,
pag may kaguluhang dumating sa buhay nyo, aasarin ko lang kayo—
27 pag dumating ang gulo na parang bagyo,
ang mga problema nyo na parang ipu-ipo,
at pag nagkandahirap-hirap na ang buhay nyo.
28 Tapos tatawagin nyo ako, pero di ako sasagot,
hahanapin nyo akong mabuti, pero di nyo ako makikita.
29 Kasi ayaw nyong maging marunong,
pinili nyong wag sundin si Lord.
30 Never nyong pinakinggan ang mga advice ko,
di nyo pinapansin pag kino-correct ko kayo.
31 Kaya matitikman nyo ang bunga ng mga ginawa nyo,
dahil sa mga pakana nyo, magkakasakit kayo.
32 Mamamatay ang mga walang alam kasi ayaw nilang matuto,
mawawasak ang mga bobo kasi wala silang pakialam.
33 Pero mabubuhay nang panatag ang nakikinig sa akin,
hindi sya magwo-worry, di matatakot anuman ang mangyari.”