-6-
1 Pag leader ang kasama mong kumain,
wag mong kalimutan kung sinong kaharap mo,
2 kung malakas kang kumain, pigilan mo ang sarili mo.
3 Wag kang matukso sa masarap nyang handa,
baka niloloko ka lang nya.
-7-
4 Wag kang magpakapagod para lang yumaman,
isipin mong mabuti kung kelan ka titigil.
5 Sa isang kurap mo lang, ang pera mo, mawawala,
magkakaroon ng pakpak, parang agila, lilipad bigla.
-8-
6 Wag mong kainin ang sinerve ng taong madamot,
wag kang matakam sa pagkain nyang masarap.
7 Sasabihin nyang, “Sige, kain ka pa!”
pero hindi sya sincere, iba ang nasa isip nya.
8 Isusuka mo lang yung kinain mo,
masasayang ang magagandang sinabi mo.
-9-
9 Wag mo nang kausapin ang di nag-iisip,
kahit gaano kagaling yung sinabi mo, pagtatawanan lang nya yun.
-10-
10 Wag mong ibahin yung matagal nang boundary ng lupa,
wag mong agawin yung lupa ng mga ulila.
11 Malakas ang Tagapagtanggol nila,
lalabanan ka nya para i-defend sila.
-11-
12 Makinig kang mabuti sa tinuturo sayo,
aralin mo ang mga pwede mong matutunan.
-12-
13 Wag kang mag-alangan na disiplinahin ang bata,
kahit paluin mo sya, di nya yun ikakamatay.
14 Actually, pag pinalo mo sya,
yun pa ang magse-save sa kanya sa kamatayan.
-13-
15 Anak ko, matutuwa ako pag naging matalino ka.
16 Sobrang sasaya ako pag tama ang sinasabi mo.
-14-
17 Wag kang mainggit sa mga makasalanan,
basta lagi kang mabuhay na may takot kay Lord.
18 Pag ganun, siguradong maganda ang future mo,
di ka mawawalan ng pag-asa.
-15-
19 Makinig ka, anak ko, maging matalino ka,
at lagi mong isipin kung paano mamuhay nang tama.
20 Wag kang sumama sa mga lasenggero
at sa mga sobrang lakas kumain.
21 Ang mga lasenggero at matatakaw, siguradong maghihirap,
kung kain-tulog lang sila, basahan na ang isusuot nila.
-16-
22 Makinig ka sa tatay mo,
sya ang nagbigay ng buhay sayo.
At yung nanay mo, pag tumanda,
wag mong pababayaan.
23 Sikapin mong makuha ang katotohanan, at wag mong pakawalan,
pati na rin ang talino, pangaral, at tamang pang-unawa.
24 Sobrang saya ng tatay ng mabuting tao,
proud ang magulang pag ang anak nya marunong.
25 Ang tatay at nanay mo, gawin mong proud sayo,
pasayahin mo ang nanay mo.
-17-
26 Makinig kang mabuti, anak ko,
gawin mong example ang buhay ko.
27 Ang prostitute, parang nakakamatay na trap,
ang babaeng nangangaliwa, delikado, mahirap takasan.
28 Lagi silang nakaabang, parang magnanakaw,
kaya dumadami ang nagtataksil sa asawa.
-18-
29 Sinong problemado, sinong malungkot?
Sinong may kaaway, laging may reklamo?
Sinong nasugatan nang di namamalayan,
at sobrang pula ng mga mata?
30 Sila yung mga nagpakalunod sa alak,
laging naghahanap ng alak na matitikman.
31 Wag kang matakam sa wine kahit gaano pa yun kapula,
kahit masarap tingnan sa baso, at humahagod sa lalamunan.
32 Kasi after nito, para kang tinuklaw ng ahas,
parang kinagat ng ahas na makamandag.
33 Kung anu-ano ang makikita mo,
di mo na maiisip yung mga pinagsasabi mo.
34 Feeling mo nakahiga ka sa gitna ng dagat,
nandun ka sa barko, hinahampas ng mga alon.
35 Tapos sasabihin mo, “Pinalo nila ako, pero di ako nasaktan.
Binugbog ako, di ko naman naramdaman.
Pagbangon ko, iinom ulit ako.”