Alam ni Lord ang nasa Puso ng Tao
1 Mas okay pang kumain ng tirang pagkain nang may peace of mind,
kesa sa malaking handaan, puro away naman.
2 Ang madiskarteng alipin, magiging mas mataas sa kahiya-hiyang anak ng boss nya,
tatanggap sya ng mana na kagaya ng sa mga anak.
3 Apoy ang ginagamit para maging pure ang silver at gold,
si Lord naman ang tumitingin kung malinis ang puso ng tao.
4 Nakikinig ang masama sa mga mapanirang salita,
pinapakinggan ng sinungaling ang kapwa nya sinungaling.
5 Pag nilalait ang mahirap, insulto yun sa Diyos na nag-create sa kanila,
at ang natutuwa sa paghihirap ng iba, sure na paparusahan.
6 Pride ng mga lolo at lola ang mga apo nila,
ang mga anak naman, proud sa magulang nila.
7 Hindi bagay sa bobo ang magsalita na parang matalino,
lalong masama kung magsisinungaling ang taong nirerespeto.
8 Sa tingin ng iba, ang suhol ay parang magic,
akala nila makukuha mo lahat basta may pansuhol ka.
9 Tumitibay ang pagmamahal pag nagpapatawad,
pero pag laging inuungkat ang mali, nasisira ang pagkakaibigan.
10 Natututo ang matalino sa isang saway lang,
pero sa bobo, walang epekto kahit isandaang palo.
11 Laging nagrerebelde ang masama,
kaya malupit na parusa ang ipapadala sa kanya.
12 Mas mabuti pang makasalubong ang bear na inagawan ng anak
kesa sa taong di nag-iisip na busy sa kabobohan nya.
13 Pag ginantihan mo ng masama ang mabuti,
sa bahay mo, laging may masamang mangyayari.
14 Parang maliit na tagas ang simula ng gulo,
bago lumaki, ayusin agad ito.
15 Pag pinarusahan mo ang matuwid at pinalaya ang masama,
dyan galit na galit si Lord.
16 Bakit gagastos pa ang bobo para tumalino,
kung di naman sya nakakaintindi?
17 Ang kaibigan, laging nagmamahal,
ang kapatid naman, sasamahan ka pag may problema ka.
18 Ang taong di nag-iisip ay mangangako,
na sya na ang magbabayad sa utang ng iba.
19 Ang taong mahilig sa masama, mahilig makipag-away,
ang laging nagyayabang, naghahanap ng gulo.
20 Hindi uunlad ang taong baluktot mag-isip,
puro masama ang mangyayari sa taong sinungaling.
21 Ang taong di nag-iisip, walang nabibigay sa magulang
kundi lungkot at sama ng loob.
22 Ang masayang puso, parang mabisang gamot,
pero unti-unti kang manghihina pag lagi kang malungkot.
23 Tumatanggap ang masama ng secret na suhol,
kaya ang hustisya, nababaluktot.
24 Ang taong nakakaintindi, naka-focus sa karunungan,
pero ang atensyon ng bobo, napupunta kung saan-saan.
25 Ang anak na di nag-iisip, lungkot ang binibigay sa tatay,
sama ng loob naman sa kanyang nanay.
26 Hindi tamang pagmultahin ang walang kasalanan,
hindi makatarungan na parusahan ang mabuting tao.
27 Ang matalino, maingat sa pagsasalita.
Ang taong mahinahon, malawak ang pang-unawa.
28 Kahit ang bobo, pag tahimik sya, nagmumukhang matalino,
pag di sya nagsalita, parang ang dami nyang alam.