Proverbs
Chapter 15
Maganda ang maging Matalino
1 Nawawala ang galit pag mahinahon ang sagot,
pero ang salitang masakit, nagpapalala ng galit.
2 Nakaka-attract ang karunungan pag nagsalita ang matalino,
puro kalokohan naman ang sinasabi ng bobo.
3 Nakikita ni Lord ang lahat,
binabantayan nya ang mabuti at masama.
4 Nagbibigay ng buhay ang gentle na pagsasalita,
pero nakakadurog ng puso ang panloloko.
5 Niri-reject ng bobo ang turo ng magulang,
pero ang nakikinig pag kino-correct ay matalino.
6 Sa bahay ng matuwid, maraming kayamanan,
pero nagkakaproblema ang masama sa perang kinita nya.
7 Pag nagsalita ang marunong, maraming tumatalino,
pero hindi yun nagagawa ng mga bobo.
8 Natutuwa si Lord sa prayer ng matuwid,
pero ayaw na ayaw nya ang sacrifice ng masama.
9 Galit na galit si Lord sa mga ginagawa ng masama,
pero minamahal nya ang mga gumagawa ng tama.
10 Paparusahan nang matindi ang lumilihis sa daan,
mamamatay ang taong ayaw magpa-correct.
11 Kung nakikita ni Lord yung nasa mundo ng mga patay,
mas lalong nakikita nya yung nasa puso ng tao!
12 Ayaw ng mayabang na kino-correct sya,
di sya hihingi ng advice sa mga taong marunong.
13 May ngiti sa mukha ang taong masaya,
pero ang taong malungkot, durog ang puso.
14 Ang matalino, gusto pang matuto,
pero yung walang alam, kontento na sa pagiging bobo.
15 Puro hirap ang buhay ng dukha,
pero ang taong masaya, laging nag-eenjoy sa buhay.
16 Mas okay pang maging mahirap na may takot kay Lord,
kesa sobrang yaman, puro problema naman.
17 Mas okay pang kumain ng gulay kasama ang mahal sa buhay,
kesa masarap na karne, galit naman sa katabi.
18 Nagsisimula ng away ang mainitin ang ulo,
pero ang di madaling magalit, nagpapakalma ng gulo.
19 Maraming paghihirap sa daanan ng taong tamad,
pero ang taong tapat, laging panatag ang lakad.
20 Pag matalino ang anak, masaya ang tatay,
pero ang bobo, binabalewala ang nanay nya.
21 Ang taong walang alam nag-eenjoy sa kabobohan,
pero ang matalino, tama ang ginagawa.
22 Pag walang nag-aadvise, sumasablay ang plano,
pero nagiging successful pag maraming nagpapayo.
23 Masaya ang tao pag tama ang sagot nya,
pag sakto sa timing, ayos talaga!
24 Lumalakad ang matalino papunta sa buhay,
palayo sa daan na diretso sa kamatayan.
25 Gigibain ni Lord ang bahay ng mayabang,
pero ipo-protect nya ang property ng byuda.
26 Nagagalit si Lord sa mga iniisip ng masama,
pero sa mga salitang malinis, dun sya natutuwa.
27 Ang sakim na nandadaya para lang magkapera, nagiging problema sa pamilya,
pero yung hindi tumatanggap ng lagay, hahaba ang buhay.
28 Nag-iisip ang matalino bago magsalita,
pero yung masama, basta na lang nagsasabi ng masama.
29 Nakikinig si Lord sa prayer ng mabuting tao,
pero sa masama, sya ay malayo.
30 Magandang smile ang nagpapasaya sa puso,
pag may magandang balita, sumisigla ang tao.
31 Ang nakikinig sa mabuting payo,
isasama sa mga taong matalino.
32 Ang di nakikinig sa pangaral, sarili ang pinapahamak,
ang nakikinig pag kino-correct, mas lalong tumatalino.
33 Natututo ka ng karunungan pag may takot ka kay Lord,
maging humble ka at tatanggap ka ng honor.