Ang Marunong at ang Walang Alam
1 Nagtayo ng bahay nya ang Karunungan,
nilagyan nya yun ng pitong poste.
2 Nagkatay sya ng mga alaga nyang hayop,
pinrepare nya ang wine at naghain na sa mesa.
3 Inutusan nya ang mga servants nya na mag-invite
dun sa matataas na lugar sa bayan, at sabihin,
4 “Kayong mga walang alam, pumunta kayo dito!”
At sa mga kulang sa karunungan, sabi nya,
5 “Tara, kumain kayo ng pagkaing hinanda ko,
uminom kayo ng wine na pinrepare ko.
6 Kung gusto nyong mabuhay, iwan nyo na ang kabobohan nyo,
lumakad kayo sa daan ng matalino.”
7 Pag kinorrect mo ang mayabang, iinsultuhin ka lang,
pag pinagsabihan mo ang masama, ikaw pa ang masasaktan.
8 Wag mong sawayin ang mayabang, magagalit lang sya sayo,
i-correct mo ang matalino, mamahalin ka pa nya.
9 Turuan mo ang marunong at lalo pa syang tatalino,
turuan mo ang matuwid at lalo syang matututo.
10 Pag may takot ka kay Lord, simula yan ng pagiging marunong,
pag kilala mo ang Banal na Diyos, magiging matalino ka.
11 Hahaba ang buhay mo dahil sa karunungan,
mabubuhay ka nang mas marami pang taon.
12 Ikaw ang makikinabang pag marunong ka,
pero kung ayaw mong matuto, ikaw din ang magsa-suffer.
13 Ang babaeng walang alam ay maingay,
hindi sya nag-iisip at di nakakaintindi.
14 Umuupo sya sa may pintuan ng bahay nya,
o kaya sa matataas na lugar sa bayan.
15 Tinatawag nya yung mga dumadaan,
yung mga may kanya-kanyang pupuntahan.
16 Sabi nya, “Oy, mga walang alam, tara dito!”
Tapos, sabi nya sa mga hindi nag-iisip,
17 “Masarap ang ninakaw na tubig,
masarap ang tinapay na pasikretong kinain.”
18 Pero di nila alam na mga patay ang nasa bahay nya,
at lahat ng bisita nya, nasa hukay na.