Karunungan ang Magliligtas Sayo
1 Anak ko, tandaan mo ang mga sinasabi ko,
wag mong kalimutan ang mga utos ko sayo.
2 Sundin mo ang mga ito at hahaba ang buhay mo,
ingatan mo ang mga ito gaya ng iyong mata,
3 isuot mo na parang singsing sa mga daliri mo,
at isulat mo sa iyong puso.
4 Gawin mong kapatid ang karunungan,
ituring mong bestfriend ang talino.
5 Ililigtas ka nila sa babaeng masama,
sa matatamis na salita ng babaeng nangangaliwa.
Ang Babaeng Nangangaliwa
6 Nakadungaw ako sa bintana,
sumilip ako sa may kurtina,
7 nakita ko ang mga kabataang lalaki na walang kamuwang-muwang,
tapos napansin ko yung isa sa kanila, kulang talaga sa karunungan.
8 Naglalakad sya sa kalsada, dun sa may kanto,
sa daan na malapit sa bahay ng babaeng masama.
9 Lumubog na ang araw nun,
madilim na, gabing-gabi na.
10 Tapos sinalubong sya ng babae,
mahalay ang damit nya at nang-aakit sya.
11 Nag-iingay yung babae at di nahihiya,
lagi syang palakad-lakad sa kalye.
12 Nakatayo sya at nag-aabang kung saan-saan,
minsan sa daan, minsan sa gitna ng bayan.
13 Hinila nya at hinalikan yung lalaki,
walang kahiya-hiya nyang sinabi,
14 “Nakapag-offer na ako ng sacrifice,
at may natirang karne galing dun.
15 Kaya lumabas ako para salubungin ka,
para hanapin ka, at nakita nga kita!
16 Nilagyan ko na ng cover ang higaan ko,
maganda yung kulay ng mga tela nun, galing pang Egypt.
17 Pinabango ko na ang kama ko,
myrrh, aloes, at cinnamon ang ginamit ko.
18 Tara, tabihan mo ako, mag-enjoy tayo buong gabi,
magsaya tayo hanggang umaga.
19 Wala sa bahay ang asawa ko,
pumunta sya sa malayo.
20 Madami syang dalang pera,
mga after two weeks pa ang balik nya.”
21 Dahil sa pang-aakit nung babae, bumigay yung kabataan,
nadala sya sa matatamis nyang salita.
22 Sumunod agad sya sa masamang babae,
parang toro na papunta sa katayan,
parang deer na nahulog sa trap,
23 tatamaan ng pana, tagos sa puso nya.
Para syang ibon na nagmamadaling pumasok sa trap,
walang kamalay-malay na kapalit nun ay buhay nya.
24 Kaya mga anak, makinig kayo sa akin,
pakinggan nyo ang mga sinasabi ko.
25 Wag kayong papadala sa babaeng ganyan,
wag kayong mag-iiba ng daan para sumama sa kanya.
26 Marami na syang nabiktima,
sobrang daming buhay na ang winasak nya.
27 Ang bahay nya ay daanan papunta sa mundo ng mga patay,
diretso yun sa kamatayan.