Mga Iba pang Kasabihan ni Solomon
1 Ito pa ang mga kasabihan ni Solomon na kinopya ng mga tauhan ni Hezekiah na hari ng Judah.
2 Pinupuri natin ang Diyos sa mga bagay na nililihim nya,
pinupuri natin ang mga hari kasi ine-explain nila ang mga bagay-bagay.
3 Hindi malalaman nang lubos ang isip ng hari,
kasingtaas yun ng langit, kasinglalim ng dagat.
4 Pag tinanggal ang dumi sa silver,
may magagawang gamit ang panday,
5 tanggalin ang masama sa mga adviser ng hari,
at makikilalang matuwid ang pamumuno nya.
6 Wag kang magpa-impress sa harap ng hari,
wag kang pumwesto sa lugar na para sa mga VIP.
7 Kasi mas mabuti pang sabihan kang, “Halika dito,”
kesa paalisin ka at mapahiya sa harap ng mga leader.
8 Siguraduhin mo muna yung nakita mo, bago mo dalhin sa korte,
kasi anong gagawin mo pag sinabi ng ibang witness na mali ka?
9 Pag may pagtatalo kayo ng kapwa mo,
ayusin nyo nang kayo lang at wag mo nang ikalat ang secret nya.
10 Kasi maririnig ka ng iba at ipapahiya ka,
habang buhay nang sira ang pangalan mo.
11 Kapag sakto sa sitwasyon ang salitang sinabi,
para yung design na gold na naka-set sa silver.
12 Ang matalinong nag-aadvise sa taong nakikinig,
parang gold na singsing o alahas na mamahalin.
13 Parang malamig na tubig sa tag-init,
ang tapat na messenger sa nagpadala sa kanya,
nakaka-refresh ng kalooban ng mga amo nya.
14 Ang taong nangangako ng regalo pero hindi naman nagbibigay,
parang ulap at hanging walang dalang ulan.
15 Sa matiyagang pakiusap, nako-convince ang leader,
at sa malumanay na salita, nababago ang isip ng nagmamatigas.
16 Kung kakain ka ng honey, yung sakto lang sayo,
baka masobrahan ka at isuka mo.
17 Wag kang punta nang punta sa bahay ng iyong kapwa,
baka magsawa sya at mainis na sayo.
18 Ang tumetestigo ng hindi totoo sa kapwa ay nakakasakit,
parang pamalo, espada, o matulis na pana.
19 Pag umasa ka sa traydor sa oras na gipit ka,
para kang may sirang ngipin o paang napilayan.
20 Pag kinantahan mo ang taong sobrang lungkot,
para mong tinanggalan ng damit ang isang tao sa time na malamig,
o para kang naglagay ng asin sa sugat.
21 Kapag gutom ang kaaway mo, pakainin mo,
at pag nauuhaw sya, painumin mo,
22 kasi pag ganun, mapapahiya sya,
at rerewardan ka ni Lord.
23 Ang hangin na galing sa north, sure na nagdadala ng ulan,
ganun din ang nagkakalat ng tsismis, galit ang dala nyan.
24 Mas mabuti pang sa bubong tumira,
kesa makasama sa bahay ang mabungangang asawa.
25 Ang good news na galing sa malayong lugar,
parang malamig na tubig sa nauuhaw.
26 Pag ang taong matuwid, gumaya na sa masama,
para syang maputik na bukal o fountain na madumi.
27 Hindi nakakabuting kumain ng sobrang daming honey,
hindi rin okay maghanap ng sobrang papuri.
28 Ang taong walang kontrol sa sarili,
ay parang city na walang pader, madaling sakupin.