Proverbs
Chapter 13
Makinig sa Mabuting Payo
1 Ang matalinong anak, nakikinig sa turo ng magulang nya,
pero ang mayabang, hindi nagpapa-correct.
2 Rerewardan ang mabuting tao dahil sa mga sinasabi nya,
pero ang manloloko, karahasan ang gusto.
3 Ang taong nag-iingat sa kanyang sinasabi, nililigtas ang sarili,
pero ang salita nang salita, sarili ang sinisira.
4 Kahit gaano mo kagusto ang isang bagay, kung tamad ka, di mo yun makukuha.
Ang taong masipag, makukuha lahat ng gusto nya.
5 Ang mga honest na tao, galit sa panloloko,
pero ang masama, kahiya-hiya ang mga ginagawa.
6 Naliligtas ang mabuting tao kasi tama ang ginagawa nya,
pero babagsak ang masama dahil sa kasalanan.
7 May mga taong kunyari mayaman, pero mahirap naman.
Meron namang nagpapanggap na mahirap, pero sobrang yaman pala.
8 Gagamitin ng mayaman ang pera nya para ma-save ang sarili nya,
pero di yun problema ng mahirap, kasi walang nananakot sa kanya.
9 Parang ilaw na nagbibigay saya ang buhay ng matuwid,
pero ang masasama, parang lamparang namamatay na.
10 Gulo lang ang dala ng kayabangan.
Marunong ang humihingi ng advice.
11 Ang yamang mabilis nakuha, mabilis ding nawawala,
pero yung unti-unting inipon, madadagdagan pa.
12 Nakakapanghina ng loob pag matagal dumating ang inaasahan,
pero pag nangyari ang gusto, ang sarap sa pakiramdam.
13 Ang hindi nakikinig sa mabuting advice, pinapahamak ang sarili,
pero ang sumusunod sa utos, may reward na tatanggapin.
14 Ang turo ng matalino, nagbibigay-buhay,
sundin mo ito at maiiwasan mong mahulog sa kamatayan.
15 Nirerespeto ang magaling mag-decide,
pero ang buhay ng manloloko, sa kapahamakan didiretso.
16 Bago kumilos ang matalino, nag-iisip muna,
pero ang bobo, dini-display ang kabobohan nya.
17 Ang messenger na di maaasahan, gulo ang dala,
pero yung tapat, nag-aayos ng gulo.
18 Maghihirap at mapapahiya ang hindi nakikinig sa pangaral,
pero ang nakikinig pag kino-correct, siguradong igagalang.
19 Ang saya sa pakiramdam pag natupad ang gusto mo,
pero ayaw na ayaw ng bobo na iwanan ang masama.
20 Ang sumasama sa matatalino, nagiging matalino,
pero ang nakikibarkada sa mga bobo, nasasangkot sa gulo.
21 Sinusundan ng problema ang mga makasalanan,
pero sa mabubuting tao, magandang buhay ang naghihintay.
22 Ang matuwid, may maiiwang pamana hanggang sa mga apo nya,
pero ang yaman ng makasalanan, sa matuwid mapupunta.
23 Marami sanang maha-harvest sa lupa ng mahihirap,
pero nababalewala dahil sa kawalan ng katarungan.
24 Ang magulang na hindi dinidisiplina ang anak, hindi nagmamahal sa anak,
pero kung mahal nya ang anak nya, iko-correct nya yun.
25 Sapat ang pagkain ng matuwid,
pero ang masama, laging kukulangin.