Proverbs
Chapter 8
Ako si Karunungan
1 Di nyo ba naririnig? May sinasabi ang karunungan.
Nilalakasan ng kaalaman ang boses nya.
2 Nandun sya sa mataas na lugar, sa tabi ng kalsada,
sa mga daanan, nakatayo sya.
3 Sa tabi ng gate sa harap ng bayan,
sa daanan papasok, nandun sya malakas na nagtatawag:
4 “Nananawagan ako sa inyong lahat,
kayong mga nasa mundo, makinig kayo!
5 Kayong mga walang alam, matuto kayong mag-decide nang tama.
Kayong mga bobo, matuto kayong mag-isip.
6 Makinig kayo, mahalaga ang sasabihin ko,
sasabihin ko kung ano ang tama.
7 Totoo ang mga sasabihin ko,
ayaw na ayaw ko ang nagsisinungaling.
8 Lahat ng sinasabi ko tama,
wala akong iniiba o binabaluktot.
9 Lahat ng ito, malinaw sa mga nakakaintindi,
tama ang mga ito para sa mga may alam.
10 Piliin nyo ang teachings ko kesa sa silver,
mas mabuti ang maraming alam kesa magkaroon ng purong ginto.
11 “Mas mahalaga pa ang karunungan sa mga alahas,
lahat ng gusto mo, hindi mako-compare sa karunungan.
12 Ako si Karunungan, marunong akong mag-isip,
matalino ako, at tamang mag-decide.
13 Ang may takot kay Lord, ayaw sa masama.
Ayoko sa taong mayabang at sobrang bilib sa sarili,
sa masama ang ugali at nagsisinungaling.
14 Magaling ako mag-advise at marunong sa buhay,
matalino ako at malakas.
15 Dahil sa akin, marunong mamuno ang mga hari,
at patas ang nagagawang batas ng mga leaders.
16 Sa tulong ko, nakakapag-lead ang mga nasa pwesto,
at yung mga nasa kapangyarihan, maayos na namumuno.
17 Mahal ko yung mga nagmamahal sa akin,
at makikita ako ng mga matyagang naghahanap sa akin.
18 Mayaman ako at may karangalan,
may kayamanang magtatagal at masaganang buhay.
19 Mas mahalaga pa sa gold ang makukuha sa akin, kahit yung pinakapurong gold,
mas okay pa sa purong silver ang kaya kong ibigay.
20 Namumuhay ako nang tama,
ginagawa ko kung ano ang patas,
21 pinapayaman ko yung mga nagmamahal sa akin,
pinupuno ko ng mamahaling bagay ang mga bahay nila.
22 “Ako ang unang-unang crineate ni Lord,
ginawa nya ako noon, bago pa ang kahit ano.
23 Noon pa man, binuo na nya ako,
sa simula pa lang, bago nalikha ang mundo.
24 Nandun na ako bago pa magkadagat,
wala pang mga bukal na sagana sa tubig.
25 Bago pa ginawa yung mga bundok,
bago pa yung mga hills, nandun na ako,
26 hindi pa na-create ang lupa at mga bukid nito,
wala pa kahit isang dakot ng lupa sa mundo.
27 Nung nilagay ng Diyos ang kalangitan, nandun na ako,
nung ginuhit nya kung saan magmi-meet ang langit at ang dagat,
28 nung nilagay nya ang mga ulap sa langit,
nung binuksan nya ang mga bukal sa ilalim ng dagat,
29 nung sinabi nya kung hanggang saan lang ang dagat,
at inutos sa tubig na wag lalampas dun.
Nandun ako nung nilagay nya ang pundasyon ng mundo.
30* Nasa tabi nya ako, parang magaling na architect,
araw-araw ko syang napapasaya,
lagi rin akong masaya kasama sya.
31 Masaya ako sa mundong ginawa nya,
at natutuwa ako sa lahat ng mga tao.
32 “So ngayon, mga anak, pakinggan nyo ako.
Gawin nyo ang sinasabi ko, at sasaya kayo.
33 Makinig sa tinuturo, maging matalino,
wag nyong balewalain ang mga ito.
34 Masaya ang taong nakikinig sa akin,
yung araw-araw nag-aabang sa may gate ng bahay ko,
naghihintay sa may pintuan.
35 Pag nahanap nyo ako, nahanap nyo na rin ang buhay,
at matutuwa si Lord sa inyo.
36 Pero yung hindi makakahanap sa akin, mismong sarili ang sinasaktan,
lahat ng ayaw sa akin, gusto ang kamatayan.”

Footnotes


8:30 + magaling na architect: o maliit na bata.