Ang Reward ng Karunungan
1 Anak, pakinggan mo ang mga sinasabi ko
at ingatan mo ang mga utos ko.
2 Makinig ka sa mga salitang may karunungan,
at buong puso mo yung intindihin.
3 Humingi ka ng talino,
at magmakaawa ka na makaintindi ka.
4 Hanapin mo yun na parang silver ang hinahanap mo,
o parang treasure na nakatago.
5 Pag ginawa mo yun, maiintindihan mo kung paano matakot kay Lord,
at makikilala mo ang Diyos.
6 Kasi si Lord ang nagbibigay ng karunungan,
sa kanya galing ang talino at pang-unawa.
7 Ang namumuhay nang matuwid, pinapayaman nya sa karunungan,
iniingatan nya ang mga nabubuhay nang tapat.
8 Sinisigurado nyang napapatupad ang hustisya,
iniingatan nya ang mga tapat na sumusunod sa kanya.
9 Dahil sa karunungan, malalaman mo kung ano ang tama at makatarungan,
kung ano ang patas at ang dapat mong gawin.
10 Magiging marunong ka,
matutuwa ka sa marami mong malalaman.
11 Iingatan ka ng mga desisyon mong tama,
dahil nakakaintindi ka, magiging safe ka.
12 Mailalayo ka nito sa mga gawang mali,
at sa mga taong di totoo ang sinasabi.
13 Sila yung mga taong tumalikod sa paggawa ng tama
at namuhay na sa kasalanan.
14 Na-eenjoy nilang gumawa ng masama
at tuwang-tuwa pa sa panloloko nila.
15 Baluktot ang ginagawa nila,
di sila pwedeng pagkatiwalaan.
16 Hindi ka magiging biktima ng babaeng makasalanan,
yung babaeng nangangaliwa na matamis magsalita.
17 Hindi sya tapat sa kanyang asawa,
ang mga pangako nya sa Diyos, kinalimutan na nya.
18 Pag pumasok ka sa bahay nya, siguradong patay ka,
pag pumunta ka dun, para ka nang pumunta sa hukay.
19 Lahat ng pumupunta dun, di na nakakabalik,
di na nila nababawi ang buhay nila.
20 Kaya gayahin mo ang ginagawa ng mabubuting tao,
gawin mong matuwid ang buhay mo.
21 Kasi ang mga matuwid, mag-iistay sa lupain,
at yung mga malinis ang buhay, hindi paaalisin.
22 Pero ang masasama, palalayasin sa lupain,
at ang mga manloloko, siguradong bubunutin.