Kay Lord Nakasalalay ang Lahat
1 Hawak ni Lord ang isip ng hari,
parang agos ng tubig na pinapadaloy nya kung saan nya gusto.
2 Sa tingin ng tao, tama lahat ng ginagawa nya,
pero chine-check ni Lord ang motibo nya.
3 Gawin mo kung anong tama at patas,
mas gusto yan ni Lord kesa mga offering.
4 Pagmamataas at pagyayabang,
paggawa ng masama, lahat yan kasalanan.
5 Ang nagpaplano nang maigi, sure na sasagana,
pero ang gusto ng mabilisan, sure na maghihirap.
6 Ang yamang sa panloloko nakuha,
mabilis mawala at parang trap na nakakamatay.
7 Sariling karahasan ang sisira sa masama,
kasi ayaw nilang gawin ang tama.
8 Baluktot ang pamumuhay ng taong may kasalanan,
pero yung may malinis na puso, tama ang ginagawa.
9 Mas mabuti pang sa bubong tumira,
kesa makasama sa bahay ang mabungangang asawa.
10 Ang gusto ng masamang tao ay gumawa ng masama,
wala syang awa kahit kaibigan pa nya.
11 Natututo lang ang walang alam pag napaparusahan ang mayabang,
ang matalino, pag tinuruan, dumadami ang nalalaman.
12 Alam ng matuwid na Diyos ang nangyayari sa bahay ng masama,
wawasakin nya sila at ibabagsak.
13 Pag nagbingi-bingihan ka sa iyak ng mahihirap,
hindi ka rin papakinggan pag ikaw na ang umiiyak.
14 Lalamig ang ulo sa pasikretong regalo,
kahit matinding galit, naaalis pag may lagay.
15 Masaya ang mga matuwid pag umiiral ang hustisya,
nanginginig naman sa takot ang mga masama.
16 Ang taong lumilihis sa tamang pag-iisip,
siguradong mapapasama sa mga patay.
17 Maghihirap ang taong puro pasarap sa buhay,
ang mahilig sa inuman at kainan, hindi yayaman.
18 Yung mga masama ang magsa-suffer, hindi ang mga matuwid,
yung mga taksil ang magdudusa, hindi yung mababait.
19 Mas maganda pang tumira sa disyerto,
kesa makasama ang asawang maingay at puro reklamo.
20 Ang bahay ng matalino, maraming kayamanan,
pero ang pera ng di nag-iisip, nauubos nang mabilisan.
21 Maging mabuti ka at gawin mo ang tama,
hahaba ang buhay mo at igagalang ka ng mga tao.
22 Kayang sakupin ng matalino ang city na may malakas na sundalo,
kaya nyang ibagsak ang depensang inaasahan nila.
23 Ang marunong magpigil ng dila,
nakakaiwas sa maraming gulo.
24 Pag mayabang ang isang tao at nangmamaliit, ang tawag sa kanya, mapagmataas,
puro yabang ang taong ganyan, napakaangas.
25 Pag nasunod ang gusto ng tamad, yun ang papatay sa kanya,
ayaw nya kasing magtrabaho man lang.
26 Buong araw, ang iniisip nya ay yung gusto nyang makuha,
pero yung matuwid, hindi madamot, bigay lang nang bigay.
27 Ayaw na ayaw ng Diyos ang offering ng masama,
lalo na pag masama ang motibo nya.
28 Mamamatay ang witness na sinungaling,
pero ang tapat na witness papakinggan hanggang sa huli.
29 Laging nagpapanggap ang taong masama,
pero ang matuwid, pinag-iisipang mabuti ang ginagawa.
30 Kahit anong talino, advice, o talas ng isip meron ang tao,
hindi yan uubra kay Lord.
31 Nire-ready ang kabayo para sa gera,
pero ang tagumpay, kay Lord nakasalalay.