Mga Kasabihan ni Agur
1 Ito ang mga kasabihan at mensahe ni Agur na anak ni Jakeh:
May humihingi ng tulong sa Diyos, ang sabi nya,
“Pagod na pagod na ako! Paano ako makaka-survive?
2 Masyado akong bobo para maging tao.
Wala akong talino kagaya ng sa tao.
3 Hindi ako marunong,
wala din akong alam tungkol sa Diyos.
4 Sino bang umakyat na sa langit at bumaba?
Sino bang nakaipon ng hangin sa kamay nya?
May nakapagbalot na ba ng tubig sa damit?
Sinong nag-set ng boundary ng mundo?
Kung kilala nyo sya, sabihin nyo,
sino sya, sino ang anak nya?
5 Subok nang totoo ang lahat ng sinasabi ng Diyos.
Sya ang shield ng mga pumupunta sa kanya para maging safe.
6 Wag mong dagdagan ang mga sinabi nya,
kung hindi, pagagalitan ka nya at lalabas na sinungaling ka.”
Dagdag pang mga Kasabihan
7 Lord, may dalawang bagay akong hinihiling sayo,
ibigay mo sana bago ako mamatay—
8 pigilan mo akong magsinungaling
at wag mo akong gawing napakayaman o napakahirap.
Ibigay mo sa akin yung pagkaing kailangan ko lang.
9 Baka pag yumaman ako, sabihin ko,
“LORD, hindi kita kailangan,”
pag naging mahirap naman, magnakaw ako
at bigyan ka ng kahihiyan.
10 Wag mong sisiraan ang isang alipin sa amo nya,
baka sumpain ka nya, at magdusa ka.
11 May mga taong sinusumpa ang tatay nila,
at hindi marunong magpasalamat sa nanay nila.
12 May mga taong malinis ang tingin sa sarili,
pero sa totoo lang, napakadumi nila.
13 May mga taong ang yabang-yabang,
ang taas ng tingin sa sarili!
14 May mga tao na masama ang trato sa mahihirap.
Parang mga espada at patalim ang mga ngipin nila,
gusto nilang lamunin at tapusin ang mga kawawa.
15 May dalawang anak ang linta,
bukambibig nila, “Bigyan mo ako, bigyan mo ako!”
May apat na bagay na hindi nakokontento—
16 ang mundo ng mga patay, babaeng di magkaanak,
lupa na laging uhaw sa tubig, at apoy na nagliliyab.
17 Pag pinagtatawanan mo ang iyong tatay,
at di mo sinusunod ang iyong nanay,
tutukain ng mga uwak ang mata mo
at pagpipyestahan ng mga wild na ibon ang bangkay mo.
18 May apat na bagay na sobrang nakakabilib,
mga bagay na di ko maintindihan—
19 yung paglipad ng agila sa langit,
paggapang ng ahas sa bato,
pagbyahe ng barko sa dagat,
at kung paano magmahalan ang lalaki at babae.
20 Ganito ang ginagawa ng babaeng nangangaliwa:
matutulog sa kama ng ibang lalaki, maliligo, tapos sasabihin,
“Wala akong ginagawang masama!”
21 May apat na bagay na yumayanig sa mundo,
mga bagay na di ma-take nito—
22 isang alipin na naging hari,
isang bobo na sagana sa pagkain,
23 babaeng masama ang ugali na nakapag-asawa,
at yung babaeng alipin na pumalit sa madam nya.
24 May apat na bagay sa mundo
na kahit maliit, sobrang talino—
25 mga langgam, mahina sila
pero nag-iipon ng pagkain pag time ng harvest.
26 Mga rabbit, hindi sila malakas,
pero sa mga bato sila gumagawa ng bahay.
27 Yung mga locust naman, walang hari,
pero pag kumilos sila, maayos, parang army.
28 At ang butiki, pwede mong mahuli sa kamay mo,
pero makikita mo ito sa malalaking palasyo.
29 May apat na bagay na malakas ang dating,
lakad pa lang nakakabilib na—
30 yung lion, pinakamalakas sa mga hayop
at walang inaatrasan,
31 yung matikas na tandang, yung lalaking kambing,
at yung hari sa harap ng nasasakupan nya.
32 Kung nagpapakabobo ka at nagyayabang,
o kung may pinaplano kang masama, tumigil ka na!
33 Haluin mo nang haluin ang gatas, makakagawa ka ng butter,
pag sinuntok mo ang ilong, magdudugo yun,
galitin mo ang isang tao, simula na ng gulo.