Proverbs
Chapter 10
Mga Kasabihan ni Solomon
1 Ito ang mga kasabihan ni Solomon:
Ang anak na matalino, nagpapasaya sa tatay,
ang anak na bobo, sakit sa puso ng nanay.
2 Walang mapapala sa perang galing sa pandaraya,
pero pag tama ang ginagawa, maliligtas ka.
3 Di papayag si Lord na magutom ang matuwid,
pipigilan nya ang masama na makuha ang gusto nila.
4 Ang tatamad-tamad, siguradong maghihirap,
pero sure na yayaman ang taong nagsisikap.
5 Marunong mag-isip ang nag-aani pag panahon na ng harvest,
kahiya-hiya kung matutulog ka lang sa time na yun.
6 Bine-bless ang taong gumagawa ng tama,
may nakatagong karahasan pag nagsalita ang masasama.
7 Masayang maalala ang buhay ng taong mabuti,
pero ang masasama, mabilis makalimutan.
8 Ang taong marunong mag-isip, nakikinig sa magandang advice,
pero yung nonsense ang sinasabi, pinapahamak lang ang sarili.
9 Safe ang buhay ng taong tapat ang pamumuhay,
pero mahuhuli ang nagsisinungaling.
10 Nagsisimula ng gulo ang taong nanloloko,
pero yung nonsense ang sinasabi, pinapahamak lang ang sarili.
11 Ang sinasabi ng mabuti, nagbibigay-buhay,
ang salita ng masasama, may tinatagong karahasan.
12 Puro gulo ang nagagawa ng matinding galit,
pero dahil sa pag-ibig, napapatawad lahat ng mali.
13 May matututunan sa sinasabi ng matalino,
pero dapat lang ang pamalo sa mahina ang ulo.
14 Ang taong marunong, laging gustong matuto,
pero pag nagsalita ang siraulo, malapit na ang gulo.
15 Panatag ang mayaman kasi marami syang pera,
napapahamak ang mahirap kasi nga mahirap sya.
16 Gaganda ang buhay ng taong mabuti,
pero yung nakukuha ng masama, napupunta lang sa kasalanan.
17 Ang nakikinig sa payo, gaganda ang buhay,
pero ang ayaw magpa-correct, naliligaw ng landas.
18 Sinungaling ang taong kunwari hindi galit,
ang nagkakalat ng tsismis, hindi nag-iisip.
19 Pag maraming sinasabi, mas posibleng magkamali,
kung marunong kang mag-isip, kontrolin mo ang iyong labi.
20 Kagaya ng purong silver ang sinasabi ng mabuti,
pero walang halaga ang iniisip ng masama.
21 Maraming nakikinabang sa sinasabi ng taong mabuti,
pero namamatay ang mga bobo kasi kulang sila sa common sense.
22 Yumayaman ang tao dahil sa blessing ni Lord,
hindi nya yun sinasamahan ng lungkot.
23 Nag-eenjoy ang bobo sa paggawa ng masama,
pero ang matalino, sa karunungan natutuwa.
24 Mangyayari sa masama ang kinakatakutan nya,
pero ibibigay sa mabuti kung anong gusto nya.
25 Pag bumabagyo, tinatangay ang masasama,
pero ang mabubuti, never matitinag.
26 Maiirita ka pag tamad ang inutusan mo,
para syang suka sa ngipin, nakakangilo,
o parang usok, masakit sa mata.
27 Ang sumusunod kay Lord, hahaba ang buhay,
pero ang masasama, maagang mamamatay.
28 Sumasaya ang mabubuti dahil sa pag-asa nila,
pero ang masasama, aasa lang sa wala.
29 Yung pamumuhay na ayon kay Lord ang magliligtas sa taong matuwid,
pero yun ang wawasak sa gumagawa ng masama.
30 Hindi palalayasin ang mga mabuti,
pero ang masasama, di tatagal sa ibabaw ng lupa.
31 Nagbibigay ng karunungan ang sinasabi ng matuwid,
pero puputulin ang dila ng mga sinungaling.
32 Alam ng mabuti kung anong dapat sabihin,
pero ang masama, hindi totoo ang sinasabi.