Proverbs
Chapter 11
Mag-ingat sa Sinasabi at Ginagawa Mo
1 Ayaw na ayaw ni Lord sa madayang timbangan,
yung gusto nya yung walang daya.
2 Pag nagyabang ka, sure na mapapahiya ka,
pero pag humble ka, ibig sabihin marunong ka.
3 Yung honesty ng mabubuting tao ang magga-guide sa kanila,
pero nasisira ang mga manloloko sa mismong kasamaan nila.
4 Walang magagawa ang pera pag mamamatay ka na,
pero maliligtas ka ng matuwid na pamumuhay.
5 Laging mabuti ang ginagawa ng taong tapat kaya maayos ang buhay nya,
pero yung masama, ibabagsak ng sarili nyang kasamaan.
6 Naliligtas ang mga matuwid kasi mabuti sila,
pero ang mga manloloko, nata-trap ng masama nilang gusto.
7 Pag namatay ang masama, namamatay rin ang pag-asa nya,
lahat ng inaasahan nya, napupunta sa wala.
8 Naliligtas sa problema ang taong matuwid,
tapos yung masamang tao naman ang nagkakaproblema.
9 Ang salita ng walang takot sa Diyos, nakakasira ng kapwa,
pero ang mga matuwid, maliligtas ng karunungan.
10 Pag maganda ang buhay ng taong matuwid, nagsasaya ang bayan,
pag wala na ang masasama, may masayang sigawan.
11 Umuunlad ang city pag bine-bless ng matuwid,
pero pinapabagsak yun ng salita ng masasama.
12 Kulang sa talino ang nang-iinsulto sa kapwa,
pero ang taong matalino, pinipiling wag magsalita.
13 Ang mahilig sa tsismis, di kayang magtago ng sikreto,
pero ang mapagkakatiwalaan, di yan magkukwento.
14 Pag walang nagli-lead, babagsak ang bansa,
pero sure na safe ito pag maraming nagpapayo.
15 Pag inako mo ang utang ng di mo kilala, magdudusa ka,
mas safe kung hindi mo aakuin ang utang ng iba.
16 Rerespetuhin ang babaeng maganda ang ugali,
pero ang mga lalaking marahas, yaman lang ang makukuha.
17 Pag mabait ang isang tao, sya din ang nakikinabang,
ang mapanakit naman, sarili ang sinasaktan.
18 Ang taong masama, wala naman talagang napapala,
pero siguradong may reward ang gumagawa ng tama.
19 Yung taong decided na gumawa ng tama, hahaba ang buhay,
pero yung di tumitigil sa paggawa ng masama, mamamatay.
20 Ayaw na ayaw ni Lord sa pusong masama,
pero natutuwa sya sa laging tama ang ginagawa.
21 Sigurado ito, walang takas sa parusa ang taong masama,
pero ang gumagawa ng tama, maliligtas.
22 Ang magandang babae na di marunong mag-isip
ay parang gold na singsing sa ilong ng baboy.
23 Kahit anong gusto ng matuwid, maganda ang nagiging resulta,
pero yung gusto ng masama, nauuwi sa galit ng Diyos.
24 May mga mapagbigay, tapos lalo pang yumayaman,
meron namang mahigpit sa pera, kaso lalong naghihirap.
25 Ang taong mapagbigay sa kapwa, gaganda ang buhay,
tumulong ka sa iba, at tutulungan ka rin nila.
26 Sinusumpa ng mga tao ang nagtatago ng supply ng ani,
pero ang nagbebenta ng ani, tumatanggap ng papuri.
27 Pag tina-try mong magpakabuti, tatanggap ka ng blessing,
pero kung gulo ang hinahanap mo, yun ang makukuha mo.
28 Ang taong umaasa sa kayamanan, parang dahon na malalanta,
pero lalago ang matuwid, parang malusog na halaman.
29 Walang mamanahin ang nagdadala ng gulo sa pamilya,
at magiging alipin ng matalino ang walang alam.
30 Pag tama ang ginagawa, mahabang buhay ang mapapala,
pero pag nagpakasama, buhay ay masisira.
31 Kung nakukuha ng matuwid ang reward nila sa mundo,
yung masama at makasalanan, sigurado ring paparusahan!