Ang Salita ng Buhay
1 Sa simula, nandun na ang Salita, kasama ng Diyos ang Salita, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa simula pa lang, kasama na ng Diyos ang Salita. 3 Ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay gamit ang Salita. Kung wala sya, hindi magagawa ang kahit na ano. 4 Sa Salita nanggaling ang buhay, at ang buhay ang nagbibigay ng liwanag sa mga tao. 5 Nagliliwanag ang ilaw sa dilim at hindi ito natatalo ng dilim.
6 Pinadala ng Diyos ang messenger nyang si John. 7 Dumating sya para ipahayag sa mga tao ang tungkol sa ilaw, at para maniwala ang lahat dahil sa kanya. 8 Hindi sya ang ilaw pero dumating sya para sabihin sa mga tao ang tungkol sa ilaw. 9 Dumadating na sa mundo ang totoong ilaw na nagbibigay liwanag sa lahat ng tao.
10 Nasa mundo ang Salita, at ginawa ng Diyos ang mundo gamit ang Salita, pero hindi sya kinilala ng mga tao. 11 Dumating sya sa sarili nyang bayan pero hindi sya tinanggap ng mga kababayan nya. 12 Pero ang lahat ng tumanggap at naniwala sa kanya, binigyan nya ng karapatan na maging mga anak ng Diyos. 13 Naging mga anak sila hindi dahil sa natural na paraan kung paano nagkaka-anak ang mga tao, kundi dahil ginawa silang mga anak ng Diyos.
14 Naging tao ang Salita at kasama nating namuhay, talagang mabait sya at totoo ang lahat ng sinasabi nya. Nakita namin ang pagkadakila nya, na tinanggap nya bilang nag-iisang Anak ng Ama.
15 Inannounce ni John ang tungkol sa kanya. Sinigaw nya, “Sya ang sinasabi kong dadating na kasunod ko, pero mas importante sya kesa sa akin, kasi nandyan na sya bago pa ako pinanganak.”
16 Sa sobrang kabaitan nya, tumanggap tayong lahat ng sunod-sunod na blessing. 17 Ginamit ng Diyos si Moses para ibigay sa atin ang mga utos sa Law, pero dinala sa atin ni Jesus Christ ang sobrang kabaitan at katotohanan. 18 Wala pang nakakita sa Diyos. Pero yung nag-iisang Anak, Diyos sya at kasama ng Ama, pinakilala nya ang Diyos.
Ang Mensahe ni John the Baptist
(Matthew 3:1-12; Mark 1:1-8; Luke 3:1-18)
19 Nagpadala ang mga Jewish leaders sa Jerusalem ng mga priests at Levites para tanungin si John kung sino sya.
20 Hindi tumangging sumagot si John at inamin nya, “Hindi ako ang Christ.”
21 “So, sino ka?” tanong nila. “Ikaw ba si Elijah?”
22 Kaya sinabi nila, “E di, sabihin mo sa amin kung sino ka. Kailangang may maisagot kami sa mga nagpadala sa amin. Sino ka ba talaga?”
23 Sumagot si John ayon sa sinabi ni prophet Isaiah,
“Ako yung boses na sumisigaw sa desert,
‘Ituwid nyo ang daan ng Panginoon!’”
24 Yung mga messengers na pinadala ng mga Pharisees, 25 nagtanong kay John, “Kung hindi ikaw ang Christ, o si Elijah, o ang Prophet, bakit ka nagba-baptize?”
26 Sumagot si John, “Nagba-baptize ako sa tubig, pero may isa sa inyo na hindi nyo kilala. 27 Dadating syang kasunod ko, pero hindi ako deserving magtanggal man lang ng sandals nya.”
28 Nangyari to lahat sa Bethany, sa east ng Jordan River, dun kasi nagba-baptize si John.
Ang Lamb of God
29 Kinabukasan, nakita ni John na papalapit si Jesus sa kanya. Sinabi nya, “Tingnan nyo, sya ang Lamb of God na nag-aalis ng kasalanan ng mundo! 30 Sya yung tinutukoy ko nung sinabi kong, ‘May taong dadating na kasunod ko na mas importante kesa sa akin, kasi nandyan na sya bago pa ako pinanganak.’ 31 Hindi ko sya kilala noon, pero dumating ako para mag-baptize sa tubig para ipakilala sya sa Israel.”
32 Ito ang sinabi ni John, “Nakita ko ang Espiritu na bumaba galing sa langit, parang kalapati na dumapo sa kanya. 33 Di ko pa rin sya kilala noon, pero ang Diyos na nagpadala sa akin para mag-baptize sa tubig ang nagsabing, ‘Makikita mo na bababa ang Espiritu at dadapo sa isang tao, magba-baptize sya sa kapangyarihan ng Holy Spirit.’ 34 Nakita kong nangyari yun,” sabi ni John, “kaya sinasabi ko sa inyo, sya ang Anak ng Diyos.”
Ang mga Unang Disciples ni Jesus
35 Kinabukasan, nakatayo ulit si John sa lugar na yun kasama ang dalawang disciples nya. 36 Nang makita nyang naglalakad si Jesus, sinabi nya, “Sya ang Lamb of God!”
37 Narinig to ng dalawang disciples at sumunod sila kay Jesus. 38 Lumingon si Jesus sa kanila at nakita nyang sumusunod sila. “Anong kailangan nyo?” tanong nya.
39 “Tara, tingnan nyo,” sagot ni Jesus sa kanila. Mga 4pm na nun. So, sumama nga sila at nakita nila kung saan sya nakatira. Dun sila nag-stay kasama nya nung araw na yun.
40 Isa sa kanila si Andrew na kapatid ni Simon Peter. 41 Hinanap nya agad ang kapatid nyang si Simon. Sinabi nyang nakita na nila ang Messiah (ibig sabihin, “Christ”). 42 Dinala nya si Simon kay Jesus.
Tinawag ni Jesus si Philip at Nathanael
43 Kinabukasan, nag-decide si Jesus na pumunta sa Galilee. Nakita nya si Philip at sinabi, “Sumunod ka sa akin!” 44 Taga-Bethsaida si Philip, kababayan nya sina Andrew at Peter. 45 Nakita ni Philip si Nathanael at sinabi nya, “Nakita na namin ang taong sinasabi ni Moses sa Law at yung sinulat din ng mga prophets. Sya si Jesus na taga-Nazareth, na anak ni Joseph.”
46 “May mapapala bang mabuti sa Nazareth?” tanong ni Nathanael.
47 Nang nakita ni Jesus na papalapit sa kanya si Nathanael, sinabi nya, “Ito ang totoong Israelite. Hindi sya nanloloko.”
48 Tinanong sya ni Nathanael, “Paano nyo ako nakilala?”
49 “Teacher,” sabi ni Nathanael, “ikaw nga ang Son of God, ang Hari ng Israel!”
50 Sinabi ni Jesus, “Naniwala ka ba dahil sinabi ko sayo na nakita kita sa ilalim ng fig tree? Higit pa dito ang makikita mo.” 51 Sinabi pa nya, “Tandaan nyo, makikita nyong bumubukas ang langit habang umaakyat at bumababa ang mga angels ng Diyos sa Son of Man.”