JOHN
Chapter 19
1 Pinakuha ni Pilate si Jesus at pinahagupit. 2 Gumawa ang mga sundalo ng korona na gawa sa mga matitinik na sanga at nilagay to sa ulo ni Jesus. Sinuotan sya ng robe na kulay violet, 3 at sinabi nila sa kanya, “Mabuhay ang Hari ng mga Jews!” Tapos, pinagsasampal nila si Jesus.
4 Lumabas ulit si Pilate at sinabi sa mga tao, “Tingnan nyo, ilalabas ko sya dito para makita nyo na walang dahilan para masabi kong guilty sya.” 5 Kaya lumabas nga si Jesus suot ang koronang tinik at ang violet na robe. Sinabi ni Pilate sa kanila, “Tingnan nyo ang taong ito!”
6 Nang makita sya ng mga chief priests at mga Temple guards, sumigaw sila, “Ipako sya sa krus! Ipako sya sa krus!”
“Sige, kunin nyo sya at kayo ang magpako sa kanya,” sabi ni Pilate sa kanila. “Talagang wala akong makitang kasalanan sa kanya.”
7 Sumagot ang mga tao, “Sa batas namin, dapat syang mamatay, kasi sinasabi nyang sya ang Anak ng Diyos.”
8 Mas lalong natakot si Pilate nang marinig nya to. 9 Bumalik sya sa loob ng palasyo at tinanong si Jesus, “Saan ka ba galing?!”
Pero di sya sinagot ni Jesus.
10 Kaya sinabi ni Pilate sa kanya, “Hindi mo ba ako kakausapin? Tandaan mo, may kapangyarihan akong palayain ka o ipapako ka sa krus.”
11 Sinagot sya ni Jesus, “Wala kang kapangyarihan sa akin, except kung binigay yun ng Diyos sayo. Yung taong nagdala sa akin dito sa harap mo, mas mabigat ang kasalanan nya.”
12 Nang marinig ito ni Pilate, humanap sya ng paraan para palayain si Jesus. Pero sumigaw ulit ang mga tao, “Kung papalayain mo sya, ibig sabihin, kalaban ka ng Emperor! Ang nagsasabing hari sya ay nagrerebelde sa Emperor!”
13 Nang marinig yun ni Pilate, dinala nya sa labas si Jesus at umupo sya sa upuan ng judge. Tinatawag ang lugar na yun na, “Stone Pavement,” sa Hebrew, “Gabbatha.” 14 Magtatanghali na nun at bisperas ng Passover. Sinabi ni Pilate sa mga tao, “Ito ang hari nyo!”
15 At sumigaw sila, “Patayin sya! Patayin sya! Ipako sya sa krus!”
Tinanong sila ni Pilate, “Gusto nyo bang ipako ko sa krus ang hari nyo?!”
At sinagot sya ng mga chief priests, “Ang Emperor lang ang hari namin!”
16 At binigay ni Pilate si Jesus sa kanila para ipako sa krus.
Kaya kinuha nila si Jesus.
Pinako sa Krus si Jesus
(Matthew 27:32-44; Mark 15:21-32; Luke 23:26-43)
17 Lumabas syang dala ang krus nya papunta sa lugar na tinatawag na “Lugar ng Bungo,” sa Hebrew, “Golgotha.” 18 Dun nila pinako sa krus si Jesus. May dalawa pang lalaki na pinako sa krus kasama nya, isa sa magkabilang side, at nasa gitna si Jesus. 19 Sumulat si Pilate sa karatula at nilagay ito sa krus. Sinulat nya, “Si Jesus na taga-Nazareth, ang Hari ng mga Jews.” 20 Maraming nakabasa nito kasi malapit lang sa city ang lugar kung saan pinako si Jesus. Nakasulat ito sa Hebrew, Latin, at Greek. 21 Sinabi ng mga chief priests kay Pilate, “Wag mong ilagay na ‘Hari ng mga Jews,’ kundi, ‘Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga Jews.’”
22 Pero sumagot si Pilate, “Ang nasulat ko, nasulat ko na.”
23 Pagkapako ng mga sundalo kay Jesus sa krus, kinuha nila ang mga damit nya at hinati sa apat, isa kada sundalo. Kinuha din nila ang robe na gawa sa isang tela na hinabi nang buo mula taas hanggang baba. 24 Sinabi ng mga sundalo sa isat-isa, “Wag natin tong punitin. Magpustahan na lang tayo. Kung sinong manalo, kanya ang buo.” Nangyari to para magkatotoo ang sinabi sa scripture:
At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.
“Pinaghati-hatian nila ang mga damit ko
at nagpustahan sila para sa robe ko.”
25 Nakatayo malapit sa krus ang nanay ni Jesus, ang kapatid na babae ng nanay nya, si Mary na asawa ni Clopas, at si Mary Magdalene. 26 Nakita ni Jesus na nakatayo ang nanay nya katabi ang mahal nyang disciple. Kaya sinabi nya sa nanay nya, “Nanay, ayan po ang anak nyo.”
27 At sinabi nya sa disciple, “Sya ang nanay mo.” Simula nun, tinuring na sya ng disciple na member ng family nya.
Ang Pagkamatay ni Jesus
(Matthew 27:45-56; Mark 15:33-41; Luke 23:44-49)
28 Alam na ni Jesus na tapos na ang lahat. At para magkatotoo ang nakasulat sa scripture, sinabi nya, “Nauuhaw ako.”
29 May bowl dun na puno ng mumurahing alak. Sinawsaw nila ang isang sponge sa alak at nilagay sa isang sanga ng hyssop para iabot sa labi nya. 30 Pagtanggap ni Jesus ng alak, sinabi nya, “Tapos na!”
Saka sya yumuko at namatay.
Tinusok sa Tagiliran si Jesus
31 Sabbath na kinabukasan, at mahalaga ang Sabbath na yun kasi nasabay yun sa Passover. Ayaw ng mga Jewish authorities na nasa krus pa ang mga katawan sa araw ng Sabbath, kaya ni-request nila kay Pilate na baliin na ang mga binti ng mga nakapako para maibaba na sila sa krus. 32 Kaya binali ng mga sundalo ang mga binti ng mga kasama ni Jesus na nakapako. 33 Pero pagdating nila kay Jesus, nakita nilang patay na sya, kaya di na nila binali ang mga binti nya. 34 Sinaksak ng isang sundalo sa tagiliran si Jesus gamit ang sibat at lumabas agad ang dugo at tubig. 35 Kinwento ito ng nakakita sa mga nangyari para maniwala din kayo. Totoo ang mga sinabi nya at alam nyang nagsasabi sya ng totoo. 36 Nangyari ito para matupad ang nakasulat sa scripture, “Wala ni isa sa mga buto nya ang mababali.” 37 At may isa pang nakasulat sa scripture na, “Titingnan sya ng mga tao, sya na sinaksak nila ng sibat.”
Ang Paglilibing kay Jesus
(Matthew 27:57-61; Mark 15:42-47; Luke 23:50-56)
38 Pagkatapos nito, kinausap ni Joseph na taga-Arimathea si Pilate kung pwede nyang kunin ang katawan ni Jesus. Disciple ni Jesus si Joseph, pero patago lang ang pagiging disciple nya, kasi takot sya sa mga leader ng Jews. Pinayagan sya ni Pilate, kaya pumunta sya doon at kinuha ang katawan ni Jesus. 39 Kasama ni Joseph si Nicodemus na pumunta dun, sya yung bumisita dati kay Jesus nang gabi. May dala syang 30 kilos ng pabango na gawa sa pinaghalong myrrh at aloe. 40 Kinuha ng dalawa ang katawan ni Jesus at binalot ito sa telang linen kasama ang mga pabango. Ayon ito sa kultura ng paglilibing ng mga Jews. 41 May garden malapit sa lugar kung saan pinako si Jesus, at may bagong libingan dun na hindi pa nagagamit. 42 Since araw yun bago ang Sabbath at malapit naman yung libingan, nilagay nila dun ang katawan ni Jesus.