Ang Pagkamatay ni Lazarus
1 Nagkasakit ang isang lalaki, si Lazarus na taga-Bethany. Doon din nakatira ang magkapatid na sina Mary at Martha. 2 Si Mary ang nagbuhos ng pabango sa paa ng Panginoon, tapos pinunasan nya ito ng buhok nya. Kapatid nya si Lazarus, yung may sakit. 3 Pinasabi ng magkapatid kay Jesus, “Lord, may sakit ang mahal mong kaibigan.”
4 Nang marinig to ni Jesus, sinabi nya, “Hindi matatapos sa kamatayan ang pagkakasakit ni Lazarus. Nangyari ito para bigyan ng papuri ang Diyos, at dahil dyan, pararangalan ang Son of God.”
5 Mahal ni Jesus si Martha at ang kapatid nyang babae, at si Lazarus. 6 Pero nung nabalitaan nyang nagkasakit si Lazarus, nag-stay pa sya ng dalawang araw sa lugar kung nasaan sya. 7 Saka nya sinabi sa mga disciples, “Bumalik tayo sa Judea.”
8 Sumagot ang mga disciples, “Teacher, di ba gusto kang batuhin ng mga tao dun nung kelan lang, tapos ngayon gusto nyong bumalik?”
9 Sinabi ni Jesus, “Di ba may 12 hours sa isang araw? So hindi madadapa ang mga naglalakad pag umaga, kasi nakikita nila ang liwanag ng mundo. 10 Pero nadadapa ang mga naglalakad sa gabi kasi walang ilaw.” 11 Sinabi pa ni Jesus, “Natutulog ang kaibigan nating si Lazarus, pero pupunta ako para gisingin sya.”
12 Sumagot ang mga disciples, “Lord, kung tulog lang sya, gagaling yun.”
13 Ibig sabihin ni Jesus, namatay na si Lazarus. Pero akala nila, tungkol sa pagtulog lang ang sinasabi nya. 14 Kaya pinrangka sila ni Jesus, “Patay na si Lazarus. 15 Pero para sa inyo, mabuti na rin na hindi nya ako kasama, para maniwala kayo. Tara na, puntahan natin sya.”
16 Sinabi ni Thomas (yung tinatawag na Kambal) sa mga kasamahan nyang disciples, “Sumama na rin tayo, para mamatay tayong kasama ang Teacher.”
Si Jesus ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay
17 Nung dumating si Jesus, nalaman nyang four days nang nakalibing si Lazarus. 18 Hindi aabot ng three kilometers ang layo ng Bethany sa Jerusalem, 19 at maraming Jews ang pumunta para makiramay kina Martha at Mary sa pagkamatay ng kapatid nila.
20 Sinalubong ni Martha si Jesus nung nabalitaan nyang parating na ito, pero nag-stay si Mary sa bahay. 21 Sinabi ni Martha kay Jesus, “Lord, kung nandito po sana kayo, di sana namatay ang kapatid ko. 22 Pero kahit ngayon, alam kong ibibigay ng Diyos sayo ang kahit anong hingin mo.”
23 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Mabubuhay ulit ang kapatid mo.”
24 Sagot ni Martha, “Alam ko naman pong mabubuhay ulit sya sa huling araw.”
25 “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay,” sabi ni Jesus. “Mabubuhay ang lahat ng nananalig sa akin kahit mamatay sila, 26 at kahit kailan, di mamamatay ang lahat ng nabubuhay at nananalig sa akin. Naniniwala ka ba dito?”
27 “Yes, Lord!” sagot nya. “Naniniwala akong ikaw ang Christ, ang Son of God na dadating sa mundo.”
Umiyak si Jesus
28 After sabihin ni Martha ito, umuwi sya, tinawag nya ang kapatid nyang si Mary, at sinabi in private, “Nandito ang Teacher at tinatawag ka.” 29 Nang marinig to ni Mary, nagmadali syang tumayo at sinalubong si Jesus. 30 Nandun pa si Jesus kung saan sya sinalubong ni Martha at di pa sya pumapasok sa bayan. 31 Nagmamadaling lumabas si Mary. Sinundan sya ng mga nakikiramay kasi akala nila, sa libingan sya pupunta para doon umiyak.
32 Dumating si Mary sa lugar kung nasaan si Jesus at umiyak sya sa paanan ni Jesus. Sinabi ni Mary, “Lord, kung nandito sana kayo, di sana namatay ang kapatid ko.”
33 Nang makita ni Jesus na umiiyak si Mary at ang mga taong kasama nya, nabagabag sya at na-touch. 34 Nagtanong si Jesus, “Saan nyo sya nilibing?”
35 Umiyak si Jesus. 36 Sinabi ng mga tao, “Tingnan nyo kung gaano nya kamahal si Lazarus!”
37 Pero may ilang nagsabing, “Di ba, pinagaling nya yung bulag? Di ba nya kayang gumawa ng paraan para hindi sana namatay si Lazarus?”
Binuhay Ulit si Lazarus
38 Nabagabag ulit si Jesus. Pumunta sya sa libingan, sa isang kweba na may malaking bato na nakatakip sa entrance. 39 Inutos ni Jesus, “Alisin nyo ang bato.”
40 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Di ba, sinabi ko sayo na makikita mo ang kadakilaan ng Diyos kung mananalig ka?” 41 Pagkatanggal ng bato, tumingin si Jesus sa langit at sinabi, “Tatay, salamat at pinapakinggan mo ako. 42 Alam kong pinapakinggan mo ako lagi. Pero sinabi ko to para sa mga taong nandito, para maniwala silang pinadala mo ako.” 43 After nyang sabihin ang mga to, sumigaw sya, “Lazarus, lumabas ka!” 44 Lumabas ang taong namatay, balot ng tela ang mga kamay at paa nya, at may tela ding nakabalot sa mukha nya. Inutusan sila ni Jesus, “Tanggalin nyo ang mga tela para makalakad sya.”
Ang Plano laban kay Jesus
(Matthew 26:1-5; Mark 14:1-2; Luke 22:1-2)
45 Nakita ng maraming bumisita kay Mary ang ginawa ni Jesus, kaya naniwala sila sa kanya. 46 Pero may ibang pumunta sa mga Pharisees at sinabi ang mga ginawa ni Jesus. 47 So ginather ng mga Pharisees at chief priests ang Council at sinabi nila, “Anong gagawin natin? Sobrang dami nyang ginagawang himala! 48 Kung hahayaan natin sya, maniniwala ang lahat sa kanya, at darating ang mga Romans at wawasakin ang Temple natin pati ang bansa natin!”
49 Isa sa kanila si Caiaphas, ang High Priest nung taon na yun. Sabi nya, “Di kayo nag-iisip! 50 Di nyo ba na-realize na mas mabuting may isang taong mamatay para sa lahat, kesa sa mawasak ang buong bansa?” 51 Actually, hindi galing sa kanya yung sinabi nya. Pero dahil sya ang High Priest nung taon na yun, nag-prophesy syang mamamatay si Jesus para sa mga Jews, 52 hindi lang para sa kanila pero para ma-unite ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa ibat-ibang lugar.
53 Simula nun, nagplano na ang mga leader kung paano papatayin si Jesus. 54 Kaya hindi na naglibot in public si Jesus sa Judea. Umalis sya at pumunta sa desert, sa bayan ng Ephraim. Nag-stay sya dun kasama ang mga disciples nya.
55 Malapit na ang Pyesta ng Passover, at maraming mga taga-probinsya ang pumunta sa Jerusalem para sa ritwal ng paglilinis bago ang pyesta. 56 Hinahanap nila si Jesus at nung nag-gather sila sa Temple, nagtanungan sila, “Ano sa tingin nyo? Mukhang di sya dadating sa pyesta.” 57 Inutos ng mga chief priests at mga Pharisees na dapat mag-report sa kanila ang sinumang makakakita kay Jesus para maaresto sya.