JOHN
Chapter 20
Nabuhay si Jesus
(Matthew 28:1-8; Mark 16:1-8; Luke 24:1-12)
1 Habang madilim pa nung araw ng Linggo, pumunta sa libingan si Mary Magdalene. Nakita nyang wala na ang bato sa entrance ng libingan. 2 So tumakbo sya agad kina Simon Peter at sa isa pang disciple na mahal ni Jesus. Sinabi nya sa kanila, “Kinuha nila ang Panginoon sa libingan! Di namin alam kung saan sya nilagay!”
3 Pumunta sa libingan sina Peter at yung isa pang disciple. 4 Tumakbo sila papunta dun pero mas naunang nakarating yung isang disciple kesa kay Peter. 5 Yumuko yung disciple at nakita nya ang mga telang linen, pero di sya pumasok. 6 Sumunod sa kanya si Simon Peter na dumiretso sa loob ng libingan. Nakita nya dun ang mga telang linen 7 at ang telang binalot sa ulo ni Jesus. Hindi na ito kasama sa telang linen, pero nakatupi na ito at nakahiwalay. 8 Pumasok na din ang disciple na nauna dun. Nung nakita nya, naniwala sya. 9 Di pa din nila naintindihan ang nakasulat sa scripture na kailangang mabuhay ulit si Jesus. 10 At umuwi na ang mga disciples.
Nagpakita si Jesus kay Mary Magdalene
(Matthew 28:9-10; Mark 16:9-11)
11 Nakatayo si Mary sa labas ng libingan at umiiyak. Pagtingin nya sa loob, 12 may nakita syang dalawang angel na nakadamit ng puti at nakaupo kung saan nilagay ang katawan ni Jesus, isa sa bandang ulo at isa naman sa paanan. 13 Sinabi nila sa kanya, “Miss, bakit ka umiiyak?”
Sumagot si Mary, “Kinuha kasi nila ang Panginoon ko, at di ko alam kung saan sya nilagay!”
14 Pagkasabi nito, lumingon sya at nakita nyang nakatayo dun si Jesus. Pero di nya alam na si Jesus yun. 15 Tinanong sya ni Jesus, “Miss, bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?”
Akala ni Mary, hardinero si Jesus kaya sumagot sya, “Sir, kung kayo ang kumuha sa kanya, sabihin nyo po kung saan nyo sya nilagay at kukunin ko sya.”
16 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Mary!”
Lumingon si Mary at sinabi nya, “Rabboni!” Ibig sabihin nito sa Hebrew, “Teacher.”
17 “Wag kang kumapit sa akin,” sabi ni Jesus sa kanya, “Hindi pa kasi ako nakakabalik sa Ama. Pero puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin mo sa kanilang babalik na ako sa Tatay ko at Tatay nyo, sa Diyos ko at Diyos nyo.”
18 Kaya umalis si Mary at kinwento sa mga disciples na nakita nya ang Panginoon, at sinabi nya sa kanila ang lahat ng sinabi ni Jesus sa kanya.
Nagpakita si Jesus sa mga Disciples Nya
(Matthew 28:16-20; Mark 16:14-18; Luke 24:36-49)
19 Nung Sunday ng gabi, magkakasama ang mga disciples sa isang room. Naka-lock ang mga pinto kasi natatakot sila sa mga Jewish leaders. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. “Peace be with you,” sabi nya. 20 Pagkasabi nito, pinakita nya sa kanila ang mga kamay at tagiliran nya. Sobrang tuwa ng mga disciples nung nakita nila ang Panginoon. 21 Sinabi ulit ni Jesus sa kanila, “Peace be with you. Kung paano ako pinadala ng Ama, pinapadala ko rin kayo.” 22 At hiningahan nya sila at sinabi, “Tanggapin nyo ang Holy Spirit! 23 Kung papatawarin nyo ang kasalanan ng mga tao, napatawad na sila. Pero kung di nyo sila papatawarin, di rin sila pinatawad.”
Si Jesus at si Thomas
24 Wala si Thomas nung dumating si Jesus. Isa sya sa 12 disciples at tinatawag syang Kambal. 25 Kaya sinabi ng ibang disciples sa kanya, “Nakita namin ang Panginoon!” Pero sinabi nya sa kanila, “Unless makita ko ang mga marka ng pako sa mga kamay nya at mahawakan yun, pati yung tagiliran nya, hindi ako maniniwala!”
26 After one week, magkakasama ulit sa loob ng bahay ang mga disciples at nandun na si Thomas. Naka-lock ang mga pinto pero dumating si Jesus. Tumayo sya sa gitna nila at sinabing, “Peace be with you.” 27 At sinabi nya kay Thomas, “Hawakan mo at tingnan mo ang mga kamay ko. Hawakan mo ang tagiliran ko. Wag ka nang magduda, maniwala ka!”
28 Sumagot si Thomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”
29 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Naniniwala ka ba kasi nakita mo ako? Pinagpala ang mga naniniwala kahit di nila ako nakikita.”
Ang Purpose ng Librong Ito
30 Marami pang mga himalang ginawa si Jesus at nakita yun ng mga disciples, pero hindi naisulat sa librong ito. 31 Yung mga nakasulat dito ay sinulat para maniwala kayo na si Jesus ang Christ, ang Anak ng Diyos. At dahil sa faith nyo sa kanya, magkakaroon kayo ng buhay!