JOHN
Chapter 14
Si Jesus ang Daan Papunta sa Ama
1 Sinabi ni Jesus sa mga disciples, “Wag kayong mag-worry, manalig kayo sa Diyos at sa akin. 2 Maraming kwarto sa bahay ng Tatay ko. Mauuna ako dun para i-ready ang lugar nyo. Di ko to sasabihin kung hindi totoo. 3 Pag na-ready ko na ito, babalik ako para isama ko kayo, tapos magkakasama na tayo sa lugar kung nasaan ako. 4 Alam nyo ang daan kung saan ako pupunta.”
5 Sinabi ni Thomas sa kanya, “Lord, di po namin alam kung saan kayo pupunta. Paano namin malalaman ang daan papunta dun?”
6 Sinagot sya ni Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kung hindi dadaan sa akin. 7 Ngayong kilala nyo na ako, makikilala nyo na rin ang Tatay ko. Simula ngayon, kilala nyo na sya at nakita nyo na sya.”
8 Sinabi ni Philip, “Lord, ipakita nyo po sa amin ang Ama, yun lang po ang kailangan namin.”
9 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ang tagal nyo na akong kasama, Philip, pero di mo pa rin ako kilala? Kung nakita mo ako, nakita mo na rin ang Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita nyo sa amin ang Ama’? 10 Di ka ba naniniwala na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi galing sa akin ang mga sinabi ko sa inyo. Ang Ama na nasa akin ang gumagawa ng trabaho nya. 11 Maniwala kayo sa sinasabi ko na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi, maniwala kayo sa akin dahil sa mga ginagawa ko. 12 Tandaan nyo, kung naniniwala kayo sa akin, magagawa nyo rin ang mga ginagawa ko. At higit pa ang mga gagawin nyo, kasi babalik na ako sa Ama. 13 Gagawin ko ang hihingin nyo sa pangalan ko, para bigyang papuri ang Ama dahil sa Anak. 14 Kung hihingi kayo ng kahit ano sa pangalan ko, gagawin ko yun.”
Ang Pangako ng Holy Spirit
15 “Kung mahal nyo ako, susundin nyo ang mga utos ko. 16* Kakausapin ko ang Ama na ipadala ang Holy Spirit sa inyo para lagi nyo syang makakasama at tutulungan nya kayo. 17 Sya ang Espiritu na nagri-reveal ng katotohanan tungkol sa Diyos. Hindi matatanggap ng mundo ang Holy Spirit kasi hindi sya nakikita o nakikilala ng mga tao. Pero kilala nyo ang Holy Spirit, kasi kasama nyo sya at sya ay nasa inyo.
18 “Pag-alis ko, hindi kayo mauulila. Babalik ako sa inyo. 19 Sandali na lang at di na ako makikita ng mundo, pero makikita nyo ako. Mabubuhay din kayo, kasi buháy ako. 20 Sa araw na yun, malalaman nyong nasa Ama ako, nasa akin kayo, at nasa inyo ako.
21 “Kung mahal nyo ako, tatanggapin at susundin nyo ang mga utos ko. Mamahalin ng Tatay ko ang nagmamahal sa akin. Mamahalin ko rin sila at magpapakilala ako sa kanila.”
22 Sinabi naman ni Judas (hindi si Judas Iscariot), “Paano yun, Lord, ipapakilala mo ang sarili mo sa amin pero hindi sa mundo?”
23 Sinagot sya ni Jesus, “Susunod sa mga teachings ko ang mga nagmamahal sa akin. Mamahalin sila ng Tatay ko, tapos pupunta kami ng Tatay ko sa kanila at mamumuhay kami kasama nila. 24 Pero yung mga hindi nagmamahal sa akin, hindi sila sumusunod sa mga teachings ko. Hindi galing sa akin ang mga narinig nyong teachings, pero galing ang mga ito sa Ama na nagpadala sa akin.
25 “Sinasabi ko to habang kasama nyo pa ako. 26 Dadating ang Holy Spirit para tulungan kayo. Ipapadala sya ng Ama sa pangalan ko. Ituturo at ipapaalala nya sa inyo ang lahat ng mga sinabi ko.
27 “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Kapayapaan ko ang binibigay ko sa inyo, hindi to gaya ng binibigay ng mundo. So, wag kayong matakot o mag-worry. 28 Narinig nyo nung sinabi kong, ‘Aalis ako, pero babalik ako sa inyo.’ Kung mahal nyo ako, matutuwa kayo na babalik ako sa Ama, kasi higit sya kesa sa akin. 29 Sinabi ko to sa inyo ngayon bago pa mangyari ang lahat, para maniwala kayo pag nangyari na to. 30 Sandali ko na lang kayo makakausap kasi darating na ang leader ng mundong ito. Hindi ako under ng kapangyarihan nya, 31 pero dapat malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, kaya ko ginagawa lahat ng utos nya sa akin.
“Tara, umalis na tayo.”

Footnotes


14:16 + tutulungan nya kayo: Sa Greek, sya yung magiging Patnubay nyo.