JOHN
Chapter 15
Ang Totoong Puno ng Ubas
1 Sinabi ni Jesus sa mga disciples, “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Tatay ko ang tagapag-alaga. 2 Inaalis nya sa akin ang mga sanga na hindi nagbubunga. At pinuputol at nililinis nya ang bawat sangang nagbubunga para lalo pa itong magbunga. 3 Naging malinis kayo dahil sa mensahe ko. 4 Dapat lagi kayong naka-connect sa akin, naka-connect din naman ako sa inyo. Hindi magkakabunga ang sanga kung mag-isa lang sya, dapat connected sya sa mismong puno. Ganun din kayo, hindi kayo magkakabunga unless connected kayo sa akin.
5 “Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Magbubunga nang marami ang mga naka-connect sa akin, at ako sa kanila, kasi wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin. 6 Itatapon ang mga hindi naka-connect sa akin, gaya ng mga tuyong sanga. Gina-gather ang mga sanga na to at tinatapon sa apoy para sunugin. 7 Kung naka-connect kayo sa akin at sinusunod nyo ang mga teachings ko, pwede nyong hingin ang kahit ano at ibibigay ko ito sa inyo. 8 Pag marami kayong bunga, napapatunayan na mga disciples ko nga kayo at napaparangalan ang Tatay ko. 9 Mahal ko kayo gaya ng pagmamahal ng Ama sa akin. Wag kayong aalis sa pagmamahal ko. 10 Pag sinusunod nyo ang mga utos ko, lagi ko kayong mamahalin, gaya ng pagmamahal sa akin ng Tatay ko, kasi sinusunod ko sya.
11 “Sinasabi ko to sa inyo para magkaroon kayo ng kasiyahan na gaya ng akin, at maging masaya talaga kayo. 12 Ito ang utos ko, magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Ang pinakadakilang pagmamahal ay makikita sa pag-aalay ng sariling buhay ng isang tao para sa mga kaibigan. 14 Mga kaibigan ko kayo kung susundin nyo ang utos ko. 15 Hindi na alipin ang tingin ko sa inyo kasi hindi alam ng mga alipin ang ginagawa ng amo nila. Kaibigan ang tawag ko sa inyo kasi sinabi ko na sa inyo ang lahat ng narinig ko sa Tatay ko. 16 Hindi nyo ako pinili. Ako mismo ang pumili at nagpadala sa inyo para mamunga, ito ang klase ng bunga na nagtatagal. At ibibigay ng Ama ang lahat ng hihingin nyo sa pangalan ko. 17 Kaya ito ang utos ko, magmahalan kayo.”
Ang Ayaw ng Mundo
18 “Kung ayaw ng mundo sa inyo, tandaan nyo na ako ang una nilang inayawan. 19 Mamahalin kayo ng mga tao sa mundo kung isa kayo sa kanila. Pero hindi na kayo kaisa ng mundo. Pinili ko kayo para mahiwalay kayo sa mga tao ng mundo, kaya ayaw nila sa inyo. 20 Naalala nyo ba ang sinabi ko na, ‘Walang tauhan na mas magaling sa amo nya’? Kung pinahirapan ako ng mga tao sa mundo, ganun din ang gagawin nila sa inyo. Kung sinunod nila ang mga teachings ko, susunod din sila sa inyo. 21 Pero gagawin nila sa inyo lahat ng ito dahil sa akin. Hindi kasi nila kilala ang nagpadala sa akin. 22 Kung di ako dumating at nagsalita sa kanila, wala sana silang kasalanan. Pero ngayon, wala na silang excuse para sa kasalanan nila. 23 Ang lahat ng galit sa akin ay galit din sa Tatay ko. 24 Kung hindi ko ginawa sa harap nila yung mga bagay na hindi nagawa ng iba, wala sana silang kasalanan. Pero kahit nakita nila ang mga ginawa ko, ayaw pa rin nila sa akin at sa Tatay ko. 25 Nangyari ito para magkatotoo ang sinulat sa Law, ‘Ni-reject nila ako nang walang dahilan.’
26 “Ipapadala ko sa inyo ang Espiritu na galing sa Ama. Tutulungan nya kayo, ipapakita nya ang katotohanan at magsasalita sya tungkol sa akin. 27 Magsasalita din kayo tungkol sa akin kasi kasama ko na kayo sa simula pa lang.