1 Pumunta si Jesus sa Mount of Olives. 2 Kinabukasan, habang maaga pa, bumalik sya sa Temple. Nag-gather ang mga tao sa paligid nya, umupo sya at tinuruan sila. 3 Dumating ang mga teachers ng Law at mga Pharisees, kasama nila ang isang babaeng nahuling nangangaliwa. Pinatayo nila ang babae sa harap ng lahat. 4 Sinabi nila kay Jesus, “Teacher, huling-huli sa akto ng pangangaliwa ang babaeng ito. 5 Inutos sa Law ni Moses na dapat batuhin sya hanggang mamatay. Anong masasabi mo?” 6 Sinabi nila to para mahuling nagsasabi ng mali si Jesus, at makasuhan sya. Yumuko si Jesus, tapos, nagsulat sya sa lupa gamit ang daliri nya. 7 Tuloy pa rin sila sa pagtatanong kay Jesus kaya tumayo sya at sinabi, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan, sya ang unang bumato sa babaeng ito.” 8 Tapos, yumuko ulit sya at nagsulat sa lupa. 9 Pagkarinig nila nito, isa-isa silang umalis, simula sa mga matatanda. Naiwan si Jesus at ang babae na nakatayo pa rin. 10 Tumayo si Jesus at sinabi nya sa babae, “Nasaan na sila? Wala bang naiwan para husgahan ka?”
11 “Wala po, sir,” sagot nya.
Si Jesus ang Ilaw ng Mundo
12 Nagsalita ulit si Jesus sa mga Pharisees, “Ako ang ilaw ng mundo. Magkakaroon ng ilaw ang buhay ng taong sumusunod sa akin, at hindi na sya maglalakad sa dilim.”
13 Sinabi sa kanya ng mga Pharisees, “Ikaw lang nagsasabi nyan, at walang kwenta ang mga ganyang pananalita!”
14 “Hindi,” sabi ni Jesus, “kahit ako lang nagsabi nito, totoo ang sinasabi ko. Kasi alam ko kung saan ako galing at kung saan ako pupunta. Pero hindi nyo alam kung saan ako galing at kung saan ako pupunta. 15 Nanghuhusga kayo ayon sa standards ng tao, pero wala akong hinuhusgahan. 16 Pero pag ako ang humusga, tama ang hatol ko, kasi hindi ako nag-iisa. Kasama ko ang Ama na nagpadala sa akin. 17 Nakasulat sa Law nyo na pag parehas ang sinasabi ng dalawang witness, totoo ang sinasabi nila. 18 Ako mismo ang nagsasalita para sa sarili ko, at ang Ama na nagpadala sa akin ay nagsasalita din tungkol sa akin.”
19 “Nasaan ang tatay mo?” tanong nila.
20 Sinabi ni Jesus ang lahat ng ito habang nagtuturo sya sa Temple. Dun sya nakapwesto malapit sa mga offering box. Walang umaresto sa kanya kasi hindi pa nya time.
Hindi Kayo Makakarating sa Pupuntahan Ko
21 Sinabi uli ni Jesus sa kanila, “Aalis ako. Hahanapin nyo ako pero hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko. Mamamatay kayo na hindi napapatawad ang mga kasalanan nyo.”
22 Sinabi ng mga Jewish leaders, “Sabi nya hindi raw tayo pwedeng pumunta sa pupuntahan nya. Magpapakamatay ba sya?”
23 Sumagot si Jesus, “Taga-dito kayo sa mundo, pero galing ako sa itaas. Nakatira kayo sa mundong ito pero hindi ako taga-dito. 24 Kaya sinasabi ko sa inyo, mamamatay kayo sa kasalanan nyo. Mamamatay kayong hindi napapatawad ang kasalanan nyo kung hindi kayo maniniwala na Ako ay Ako nga.”
25 “Sino ka ba?” tanong nila.
26 Marami akong pwedeng sabihin at ihatol sa inyo. Pero hindi nagsisinungaling ang nagpadala sa akin, at sinasabi ko sa mga tao sa mundo kung ano lang ang narinig ko sa kanya.”
27 Hindi nila naintindihan na ang tinutukoy ni Jesus ay ang Ama. 28 Kaya sinabi nya, “Pag tinaas nyo ang Son of Man, malalaman nyo na Ako ay Ako nga, at maiintindihan nyo na wala akong ginagawa ayon sa sarili kong paniniwala, kundi sinasabi ko kung anong inutos sa akin ng Ama na sabihin sa inyo. 29 Kasama ko ang nagpadala sa akin, hindi nya ako iniiwang mag-isa, kasi lagi kong ginagawa ang gusto nya.”
30 Marami sa mga nakarinig kay Jesus ang naniwala sa kanya.
Palalayain Kayo ng Katotohanan
31 Sinabi ni Jesus sa mga naniwala sa kanya, “Kung sinusunod nyo ang mga teachings ko, mga disciples ko talaga kayo. 32 Malalaman nyo ang katotohanan at ito ang magpapalaya sa inyo.”
33 Sabi nila, “Mga descendants kami ni Abraham, never kami naging alipin ng ibang tao. Bakit mo sinasabing makakalaya kami?”
34 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Tandaan nyo, lahat ng gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. 35 Hindi laging kasama ng pamilya ang alipin, pero ang anak, habang buhay na member ng pamilya. 36 Pag pinalaya kayo ng Anak, magiging malaya talaga kayo. 37 Alam kong mga descendants kayo ni Abraham, pero gusto nyo akong patayin, kasi hindi nyo matanggap ang teachings ko. 38 Sinasabi ko sa inyo kung anong pinakita sa akin ng Tatay ko, pero ginagawa nyo kung anong pinapagawa sa inyo ng tatay nyo.”
39 Sumagot sila, “Si Abraham ang tatay namin.”
40 Sinasabi ko lang ang katotohanan na narinig ko sa Diyos pero gusto nyo akong patayin. Hindi yan ginawa ni Abraham! 41 Ginagawa nyo kung anong ginawa ng tatay nyo.”
42 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung ang Diyos talaga ang Tatay nyo, mamahalin nyo ako, kasi galing ako sa Diyos at nandito ako ngayon. Hindi ako pumunta dito sa sariling kagustuhan ko lang. Sya ang nagpadala sa akin. 43 Bakit hindi nyo naiintindihan ang sinasabi ko? Hindi nyo kasi kayang tanggapin ang mensahe ko. 44 Ang Devil nga ang tatay nyo at mga anak nya kayo, kaya sinusunod nyo ang mga gusto nya. Sa simula pa lang, mamamatay-tao na sya at hindi sya kakampi ng katotohanan, kasi walang makikitang totoo sa kanya. Pag nagsisinungaling sya, ginagawa nya lang kung anong natural sa kanya, kasi sinungaling sya at sya ang ama ng lahat ng kasinungalingan. 45 Pero sinasabi ko sa inyo ang totoo kaya ayaw nyong maniwala. 46 Sino sa inyo ang magpapatunay na makasalanan ako? Kung sinasabi ko sa inyo ang totoo, bakit ayaw nyong maniwala? 47 Nakikinig sa mga salita ng Diyos ang nanggaling sa Diyos. Pero hindi kayo galing sa Diyos, kaya hindi kayo nakikinig.”
Si Jesus at si Abraham
48 Sinagot sya ng mga Jews, “O di ba, tama kami? Samaritan ka at sinasapian ka ng demonyo.”
49 “Hindi ako sinasapian,” sabi ni Jesus. “Binibigyan ko ng karangalan ang Ama, pero hindi nyo ako nirerespeto. 50 Hindi ko habol ang papuri ng tao. Pero merong isa na yun ang gusto nya para sa akin, sya ang hahatol. 51 Tandaan nyo, hindi mamamatay ang sinumang sumusunod sa mga teachings ko.”
52 Sinabi sa kanya ng mga Jewish leaders, “Sigurado na kami ngayon na sinasapian ka! Namatay si Abraham pati yung mga prophets, pero sinasabi mong hindi mamamatay yung mga sumusunod sayo. 53 Namatay ang ancestor naming si Abraham. Sinasabi mo bang mas dakila ka kesa sa kanya? Namatay din ang mga prophets. Sino ka ba sa tingin mo?”
54 Sumagot si Jesus, “Kung ako lang ang pupuri sa sarili ko, walang kwenta yun. Ang Tatay ko ang pumupuri sa akin. Sya ang kinikilala nyong Diyos. 55 Di nyo talaga sya kilala, pero kilala ko sya. Kung sasabihin kong hindi ko sya kilala, magiging sinungaling akong gaya nyo. Pero kilala ko sya at sinusunod ko ang sinasabi nya. 56 Masaya ang ancestor nyong si Abraham nung malaman nyang makikita nya ang araw ng pagdating ko. Nakita nya yun at natuwa sya.”
57 Sinabi sa kanya ng mga Jews, “Wala ka pang 50 years old, pero nakita mo na si Abraham?”
58 Sinabi ni Jesus, “Tandaan nyo, bago pa nabuhay si Abraham, Ako na.”
59 Pumulot sila ng mga bato para batuhin sya, pero nagtago si Jesus at lumabas sa Temple.