JOHN
Chapter 13
Hinugasan ni Jesus ang Paa ng mga Disciples
1 Isang araw na lang bago ang Pyesta ng Passover. Alam na ni Jesus na oras na para umalis sya sa mundong ito at bumalik sa Ama. Minahal nya ang mga taong sumusunod sa kanya sa mundong ito at minahal nya sila hanggang huli.
2 Magdi-dinner na sina Jesus at ang mga disciples nya nung nilagay ng Devil sa isip ni Judas Iscariot, na anak ni Simon, ang traydurin si Jesus. 3 Alam ni Jesus na binigay na sa kanya ng Ama ang lahat ng kapangyarihan. Alam nyang galing sya sa Diyos at babalik sya sa Diyos. 4 So tumayo sya, hinubad ang kanyang panlabas na damit at naglagay ng towel sa bewang nya. 5 Naglagay sya ng tubig sa palanggana at nagsimulang hugasan ang paa ng mga disciples. Tapos, pinunasan nya ng towel ang mga paa nila. 6 Nung si Simon Peter na ang huhugasan nya ng paa, sinabi nito sa kanya, “Lord, bakit nyo huhugasan ang mga paa ko?”
7 Sumagot si Jesus, “Di mo naiintindihan ang ginagawa ko ngayon, pero maiintindihan mo rin ito pagkatapos.”
8 Sinabi ni Peter, “Wag na wag nyo pong hugasan ang paa ko!”
“Kung di ko huhugasan ang paa mo, di na kita magiging disciple,” sagot ni Jesus sa kanya.
9 Sabi ni Peter, “Lord, wag lang po ang paa ko ang hugasan nyo! Hugasan nyo na din pati mga kamay at ulo ko!”
10 Sinabi ni Jesus, “Malinis na ang mga taong naligo na at paa na lang nila ang kailangang hugasan. Malinis na kayong lahat, except sa isa.” 11 Alam na ni Jesus kung sino ang magtatraydor sa kanya. Kaya sinabi nyang, “Malinis na kayong lahat, except sa isa.”
12 After hugasan ni Jesus ang mga paa nila, sinuot nya ulit ang damit nya at bumalik sa pwesto nya sa table. Tanong ni Jesus, “Naintindihan nyo ba kung anong ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag nyo akong Teacher at Lord at tama lang na gawin nyo yun, kasi, ako talaga yun. 14 Kung ako mismo na Lord at Teacher nyo ay hinugasan ang mga paa nyo, dapat nyo ring hugasan ang paa ng bawat isa. 15 Nagbigay na ako ng example sa inyo para gawin nyo din ang ginawa ko. 16 Tandaan nyo, walang tauhan na mas magaling pa sa amo nya, at walang messenger ang mas mataas pa kesa sa nagpadala sa kanya. 17 Kung alam nyo na ang mga to, pinagpala kayong mga gumagawa nito.
18 “Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko. Kilala ko ang mga pinili ko. Pero kailangan ding matupad ang sinasabi sa scripture, ‘Ang taong kasama kong kumain ang nagtraydor sa akin.’ 19 Sinasabi ko to ngayon bago pa mangyari, para pag nangyari na to, maniniwala kayo na ‘Ako ay Ako Nga.’ 20 Tandaan nyo to, ang nagwe-welcome sa mga pinadala ko ay tumatanggap sa akin. At ang nagwe-welcome sa akin ay tumatanggap sa nagpadala sa akin.”
Sinabi ni Jesus na may Magtatraydor sa Kanya
(Matthew 26:20-25; Mark 14:17-21; Luke 22:21-23)
21 After nyang sabihin to, sobrang nabagabag si Jesus. Sabi nya, “Tandaan nyo, isa sa inyo ang magtatraydor sa akin.”
22 Nagtinginan ang mga disciples kasi hindi nila alam kung sino yung tinutukoy ni Jesus. 23 Nakaupo sa tabi ni Jesus ang isa sa mga disciples nya, yung minamahal nyang disciple. 24 Sumenyas si Simon Peter sa disciple na yun at sinabi, “Tanungin mo sya kung sino yung sinasabi nya.”
25 Kaya lumapit ang disciple kay Jesus at nagtanong, “Lord, sino po yun?”
26 Sumagot si Jesus, “Yung bibigyan ko ng piraso ng tinapay na sinawsaw ko sa sauce, sya yun.” So kumuha sya ng kapirasong tinapay, sinawsaw ito sa sauce at binigay kay Judas na anak ni Simon Iscariot. 27 Pagkakuha ni Judas sa tinapay, pumasok si Satan sa kanya. Sinabi ni Jesus, “Bilisan mo! Gawin mo na ang dapat mong gawin!” 28 Walang nakaintindi kung bakit sinabi to ni Jesus sa kanya. 29 Si Judas kasi ang in-charge sa pera nila kaya akala nila, inutusan nya si Judas na bumili ng kailangan nila para sa pyesta o para magbigay sa mga mahihirap.
30 Tinanggap ni Judas ang tinapay at lumabas sya agad. Gabi na nun.
Ang Bagong Utos
31 Pagkaalis ni Judas, sinabi ni Jesus, “Ngayon makikita na ang kadakilaan ng Son of Man, at makikita sa kanya ang kadakilaan ng Diyos. 32 At pag nakita na sa kanya ang kadakilaan ng Diyos, dadakilain din sya ng Diyos at gagawin nya agad ito. 33 Mga anak, konting panahon nyo na lang ako makakasama. Hahanapin nyo ako, pero sinasabi ko ngayon ang sinabi ko sa mga Jewish leaders, ‘Di kayo makakapunta sa pupuntahan ko.’ 34 May bagong utos ako sa inyo, mahalin nyo ang bawat isa. Dapat nyong mahalin ang bawat isa gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 35 Kung mamahalin nyo ang bawat isa, malalaman ng mga tao na disciples ko kayo.”
Ang Pagdi-deny ni Peter
(Matthew 26:31-35; Mark 14:27-31; Luke 22:31-34)
36 Tinanong sya ni Simon Peter, “Lord, saan po kayo pupunta?”
Sumagot si Jesus, “Sa ngayon, hindi ka makakasunod sa pupuntahan ko, pero makakasunod ka pagkatapos.”
37 Tanong ni Peter, “Lord, bakit di ako pwede sumunod ngayon? Ready akong mamatay para sayo!”
38 Sumagot si Jesus, “Handa ka ba talagang mamatay para sa akin? Tandaan mo, bago tumilaok ang manok, tatlong beses mong idi-deny na kilala mo ako.”