JOHN
Chapter 2
Ang Wedding sa Cana
1 After two days, may kasalan sa bayan ng Cana, sa Galilee. Nandun ang nanay ni Jesus. 2 Invited din sa wedding sina Jesus at ang mga disciples nya. 3 Nang maubos ang alak, sinabi ng nanay ni Jesus sa kanya, “Wala na silang alak.”
4 “Nanay, hindi pa ngayon ang time ko. Hayaan nyo na lang po ako sa gagawin ko,” sagot ni Jesus.
5 Sinabi ng nanay nya sa mga tauhan, “Gawin nyo kung anong ipagawa nya sa inyo.”
6 May anim na malalaking jars ng tubig dun. Ginagamit to sa ritwal ng paglilinis ng mga Jews. Nasa 20 to 30 gallons ng tubig ang laman ng bawat isa. 7 Inutusan ni Jesus ang mga tauhan, “Punuin nyo ng tubig ang mga jars na to.” At pinuno nga nila yun hanggang halos umapaw na. 8 Tapos, sinabi ni Jesus, “Kumuha kayo ng kaunti dyan at dalhin nyo dun sa in-charge sa kasalan.” So, binigyan nga nila yung taong in-charge. 9 Nung natikman nya ang tubig na naging alak, hindi nya alam kung saan nanggaling yun pero alam ng mga tauhan. So, pinatawag ng taong in-charge ang groom, 10 tapos sinabi nya, “Madalas, unang sine-serve ng mga tao ang best na alak, tapos, pag marami nang nainom ang mga bisita saka ilalabas ang ordinaryong alak. Pero iba ka! Sa huli mo sinerve ang best na alak!”
11 Itong himalang nangyari sa Cana, sa Galilee, ang unang himalang ginawa ni Jesus. Pinakita nya dun na dakila sya, kaya bumilib ang mga disciples sa kanya.
12 Tapos, pumunta si Jesus sa Capernaum kasama ang nanay nya, mga kapatid, at mga disciples nya. Nag-stay sila dun ng ilang araw.
Pumasok si Jesus sa Temple
(Matthew 21:12-13; Mark 11:15-17; Luke 19:45-46)
13 Malapit na ang Pyesta ng Passover, kaya pumunta si Jesus sa Jerusalem. 14 Sa Temple, nakita nya ang mga nagtitinda ng baka, tupa, at mga kalapati. Nandun din ang mga money-changers na nakaupo sa mga pwesto nila. 15 Kumuha sya ng lubid at ginamit nya itong panghagupit. Pinalayas nya sa Temple ang mga hayop, mga tupa at baka. Pinagtataob nya din yung mga mesa ng mga money-changers kaya nagkalat ang mga pera nila. 16 Tapos, sinabi nya sa mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin nyo ang mga yan! Wag nyong gawing palengke ang bahay ng tatay ko!” 17 Naalala ng mga disciples ang nakasulat sa Scriptures, “Ang pagmamahal ko sa bahay mo ay parang nagliliyab na apoy sa puso ko.”
18 Binalikan sya ng mga Jewish leaders at tinanong, “Anong sign ang ipapakita mo para maniwala kaming may karapatan kang gawin ito?!”
19 Sumagot si Jesus, “Gibain nyo ang Temple na to at itatayo ko ulit sa loob ng tatlong araw.”
20 “Ano?! Itatayo mo ulit sa loob ng tatlong araw?!” tanong nila, “Inabot ng 46 years ang pagtatayo ng Temple na to!”
21 Pero ang Temple na tinutukoy ni Jesus ay ang katawan nya. 22 So, nung binuhay na si Jesus, naalala ng mga disciples na sinabi nya to. Kaya naniwala sila sa Scriptures at sa sinabi ni Jesus.
Alam ni Jesus ang Nasa Puso ng Tao
23 Nung Pyesta ng Passover at nasa Jerusalem si Jesus, maraming naniwala sa kanya dahil sa mga himalang ginawa nya. 24 Pero hindi nagtiwala si Jesus sa kanila, kasi kilala nya ang lahat ng tao. 25 Hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya, kasi alam nya kung anong nasa puso nila.