JOHN
Chapter 7
Si Jesus at ang mga Kapatid Nya
1 Pagkatapos nito, nag-ikot si Jesus sa Galilee. Iniwasan nyang pumunta sa Judea, kasi gusto syang ipapatay ng mga Jewish leaders. 2* Malapit na nun ang Pyesta ng Shelters, 3 so sinabi ng mga kapatid ni Jesus, “Bakit di ka pumunta sa Judea, para makita ng mga disciples mo ang mga ginagawa mo? 4 Hindi tinatago ng isang tao ang mga ginagawa nya kung gusto nyang sumikat. Hayaan mong makita ng buong mundo ang ginagawa mo!” 5 Kahit mga kapatid nya, hindi naniniwala sa kanya.
6 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi pa dumating ang tamang panahon para sa akin, pero para sa inyo, kahit kailan pwede. 7 Hindi nagagalit sa inyo ang mundo, pero sobrang galit ito sa akin kasi sinasabi ko ang masasamang ginagawa nito. 8 Pumunta na kayo sa pyesta. Hindi ako pupunta, kasi hindi pa ito ang tamang panahon para sa akin.” 9 Pagkasabi nito, nag-stay si Jesus sa Galilee.
Si Jesus sa Pyesta ng Shelters
10 After pumunta ng mga kapatid ni Jesus sa pyesta, pasikreto din syang pumunta dun. 11 Hinahanap sya ng mga Jewish leaders. “Nasan na sya?” tanong nila.
12 Maraming usap-usapan ang mga tao tungkol sa kanya. “Mabuting tao sya,” sabi ng iba. “Hindi. Niloloko nya ang mga tao,” sabi naman ng iba. 13 Pero walang nagsalita tungkol sa kanya in public, kasi natatakot sila sa mga Jewish leaders.
14 Nangangalahati na ang celebration para sa pyesta nung pumunta si Jesus sa Temple para magturo. 15 Sobrang nagtaka ang mga Jewish leaders. Sabi nila, “Bakit napakaraming alam ng taong ito, hindi naman sya nag-aral?”
16 Sumagot si Jesus, “Hindi galing sa akin ang mga sinasabi ko, kundi sa Diyos na nagpadala sa akin. 17 Kung gusto nyo talagang gawin ang kalooban ng Diyos, malalaman nyo kung galing sa Diyos ang tinuturo ko o sa sarili ko lang. 18 Yung mga nagsasalita sa sarili nilang kapangyarihan ay gusto lang magpasikat. Pero tapat at hindi nagsisinungaling ang nagbibigay ng karangalan sa nagpadala sa kanya. 19 Di ba binigay sa inyo ni Moses ang Law? Pero hindi nyo to sinusunod. Bakit gusto nyo akong patayin?”
20 “Sinasapian ka ng demonyo!” sabi ng mga tao sa kanya. “Sinong gustong pumatay sayo?”
21 Sumagot si Jesus, “Gumawa ako ng himala at nagtaka kayo. 22 Inutusan kayo ni Moses na tuliin ang mga anak nyo. Actually, hindi si Moses kundi mga ancestors nyo ang nagsimula nun. Kaya tinutuli nyo ang batang lalaki pag Sabbath. 23 Kung pwedeng tuliin ang bata pag Sabbath para masunod ang Law ni Moses, bakit kayo nagagalit sa akin kung nagpagaling ako ng isang tao kahit Sabbath? 24 Wag kayong humusga ayon sa panlabas lang, humusga kayo ayon sa kung ano ang tama.”
Sya ba ang Christ?
25 Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Di ba sya yung gustong ipapatay ng mga Jewish leaders? 26 Pero nandito sya at nagtuturo in public, at walang kumukontra sa kanya. Baka naman alam na ng mga Jewish leaders na sya ang Christ? 27 Pero paano yun, pag dumating ang Christ, walang nakakaalam kung saan sya galing. Pero alam nating lahat kung saan galing ang taong ito.”
28 Habang nagtuturo si Jesus sa Temple, malakas nyang sinabi, “Alam nyo ba talaga kung sino ako at kung saan ako galing? Hindi ako nagpunta dito dahil gusto ko lang. Hindi nagsisinungaling ang nagpadala sa akin. Hindi nyo sya kilala, 29 pero kilala ko sya kasi galing ako sa kanya at pinadala nya ako.”
30 Tapos, gusto nilang arestuhin sya, pero walang humuli sa kanya, kasi hindi pa yun ang tamang panahon para sa kanya. 31 Pero marami ang bumilib sa kanya. Sabi nila, “Pagdating kaya ng Christ, mas marami syang gagawing himala kesa sa taong ito?”
Pinaaresto si Jesus
32 Narinig ng mga Pharisees ang usap-usapan ng mga tao tungkol kay Jesus. Nagpadala sila at ang mga chief priests ng mga Temple guards para arestuhin sya. 33 Sinabi ni Jesus, “Sandali nyo na lang akong makakasama, tapos, babalik na ako sa nagpadala sa akin. 34 Hahanapin nyo ako pero di nyo ako mahahanap, kasi di kayo makakapunta sa pupuntahan ko.”
35 Nagtanungan ang mga Jewish leaders, “Saan kaya sya pupunta at hindi natin sya mahahanap? Pupunta kaya sya sa city ng mga Greeks kung saan nakatira ang ibang kababayan natin? Tuturuan nya kaya ang mga Greeks? 36 Sabi nya hahanapin daw natin sya pero hindi natin sya mahahanap, at di tayo makakapunta sa pupuntahan nya. Anong ibig nyang sabihin?”
Tubig na Nagbibigay Buhay
37 Sa huli at pinakamahalagang araw ng pyesta, tumayo si Jesus at malakas nyang sinabi, “Lumapit sa akin ang mga nauuhaw, 38 at uminom ang mga naniniwala sa akin. Gaya ng sinabi sa scripture, ‘Aagos mula sa kanya ang tubig na nagbibigay buhay.’” 39 Tinutukoy ni Jesus ang Holy Spirit na tatanggapin ng mga naniniwala sa kanya. Nung time na yun, hindi pa binibigay ang Espiritu, kasi hindi pa muling binuhay si Jesus, at hindi pa sya pinaparangalan.
Iba-ibang Opinyon tungkol sa Christ
40 Sinabi ng ilan sa mga taong nakarinig sa mga sinabi nya, “Sya na talaga ang Prophet!”
41 Sinabi naman ng ilan, “Sya ang Christ!”
Pero sinabi ng iba, “Hindi pwedeng manggaling sa Galilee ang Christ!
42 Sinabi sa scripture na manggagaling sa pamilya ni David ang Christ at ipapanganak sya sa Bethlehem, sa hometown ni David.” 43 Hati ang opinyon ng mga tao tungkol kay Jesus. 44 Gusto syang arestuhin ng iba, pero walang nagtangkang hulihin sya.
Hindi Naniwala ang mga Jewish Leaders
45 Pagbalik ng mga Temple guards, tinanong sila ng mga chief priests at Pharisees, “Bakit di nyo dinala dito si Jesus?”
46 Sumagot sila, “Hindi pa kami nakakita ng taong kasing galing nyang magsalita!”
47 “Naloko na rin nya kayo?” tanong ng mga Pharisees sa kanila. 48 “May kilala ba kayong leader o Pharisee na naniniwala sa kanya? 49 Walang alam ang mga tao sa Law ni Moses, kaya paparusahan sila ng Diyos!”
50 Nandun si Nicodemus na isang Pharisee. Nakipagkita sya dati kay Jesus. Sabi nya, 51 “Sa Law natin, hindi natin pwedeng parusahan agad ang isang tao. Dapat marinig muna natin ang side nya para malaman kung anong kasalanan ang ginawa nya.”
52 “Ganun?” sabi nila, “Taga-Galilee ka rin ba? Basahin mo ang Scriptures para malaman mong walang prophet na taga-Galilee.”
[\v 53 Pagkatapos, umuwi na sila.

Footnotes


7:2 + PYESTA NG SHELTERS: Isa sa mga pyesta ng mga Jews para maalala ang panahon nung tumira sila sa mga tents sa desert.