Binuhusan ng Pabango ang Paa ni Jesus
(Matthew 26:6-13; Mark 14:3-9)
1 Six days bago ang Passover pumunta si Jesus sa Bethany, nandun ang bahay ni Lazarus. Sya yung binuhay mula sa kamatayan. 2 Naghanda sila ng dinner para kay Jesus, at tumulong si Martha sa pag-serve nito. Kasama ni Jesus sa kainan si Lazarus. 3 Kumuha si Mary ng halos kalahating litro ng mamahaling pabango. Sobrang mahal ng pabango na yun. Binuhos nya ito sa paa ni Jesus at pagkatapos, pinunasan nya ng buhok nya. Naamoy sa buong bahay ang bango nito. 4 Nagsalita si Judas Iscariot, isa sa mga disciples ni Jesus, sya yung magtatraydor sa kanya. Sinabi nya, 5* “Bakit hindi na lang binenta yung pabango, saka ibigay ang pera sa mga mahihirap? 300 silver coins din yan.” 6 Sinabi nya yun hindi dahil may malasakit sya sa mahihirap. Ang totoo, magnanakaw kasi sya. Sya ang in-charge sa pera nila at lagi nya tong kinukupitan.
7 Pero sumagot si Jesus, “Wag nyo syang pakialaman! Ni-reserve nya talaga to para sa araw ng libing ko. 8 Lagi nyong kasama ang mga mahihirap, pero ako, hindi.”
Ang Planong Patayin si Lazarus
9 Nabalitaan ng maraming tao na nasa Bethany si Jesus, kaya pumunta sila dun hindi lang para makita sya, pero para makita din si Lazarus na binuhay nya. 10 Kaya nagplano ang mga chief priests na patayin din si Lazarus. 11 Marami kasing mga Jews ang tumatalikod sa kanila at naniniwala na kay Jesus dahil sa kanya.
Ang Pagdating ni Jesus sa Jerusalem
(Matthew 21:1-11; Mark 11:1-11; Luke 19:28-40)
12 Kinabukasan, maraming pumunta sa Pyesta ng Passover. Nabalitaan nilang dadating si Jesus sa Jerusalem. 13 Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong nila si Jesus habang sumisigaw ng, “Praise God! Pinagpala ang dumadating sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel!”
14 Nakakita si Jesus ng donkey at sinakyan ito tulad ng nakasulat sa scripture,
15 “Wag kayong matakot, bayan ng Zion!
Parating na ang hari nyo,
na nakasakay sa donkey.”
16 Hindi pa ito naintindihan ng mga disciples nung una. Pero nung binuhay si Jesus sa kaluwalhatian nya, naalala nilang ganun nga ang sinasabi sa scripture tungkol sa kanya at yun nga ang nangyari.
17 Ang mga naka-witness nung binuhay ni Jesus si Lazarus galing sa libingan ang nagbalita tungkol sa nangyari. 18 Kaya sinalubong sya ng mga tao kasi narinig nila ang himalang ginawa nya. 19 Sinabi ng mga Pharisees sa isat-isa, “Kita nyo, hindi nangyayari ang mga plano natin! Buong mundo, sumusunod sa kanya!”
Hinanap ng Ilang Greeks si Jesus
20 May ilang mga Greeks na pumunta sa Jerusalem nung pyesta para mag-worship. 21 Pinuntahan nila si Philip na taga-Bethsaida sa Galilee at sinabi sa kanya, “Sir, gusto naming ma-meet at makausap si Jesus.”
22 Pinuntahan ni Philip si Andrew, at sabay nila tong sinabi kay Jesus. 23 Sumagot si Jesus, “Dumating na ang oras para dakilain ang Son of Man. 24 Tandaan nyo, unless mahulog sa lupa at mamatay ang isang butil ng wheat, mananatili itong nag-iisa. Pag namatay na to, nagbubunga to nang marami. 25 Kung mahal mo ang buhay mo, mawawala to sayo. Pero kung di mo mahal ang buhay mo dito sa mundo, maliligtas mo to para sa buhay na walang hanggan. 26 Ang gustong mag-serve sa akin ay dapat sumunod sa akin, para kasama ko ang servant ko kung nasaan ako. At paparangalan ng Tatay ko ang taong magse-serve sa akin.”
Nagsalita si Jesus tungkol sa Kamatayan Nya
27 “Ang bigat ng puso ko ngayon. Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang, ‘Tatay, iligtas nyo po ako sa paghihirap na to’? Pero ito ang misyon ko, ang makaranas ng hirap. 28 Tatay, dakilain nyo po ang pangalan nyo!”
29 Narinig ng mga tao ang boses. Akala ng iba kulog lang yun. Sabi naman ng iba, “Kinausap sya ng angel!”
30 Pero sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi para sa akin ang boses na yun, kundi para sa inyo. 31 Oras na para hatulan ang mundong ito, at papalayasin din ang leader nito. 32 Pag tinaas ako, ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin.” 33 Sinasabi nya dito kung paano sya mamamatay.
34 Sinagot sya ng mga tao, “Sinasabi sa Law namin, forever mabubuhay ang Christ. Bakit mo sinasabing dapat itaas ang Son of Man? Sino ang Son of Man na sinasabi mo?”
35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Malapit nang mawala sa inyo ang ilaw. Maglakad kayo habang nandito pa ang ilaw para hindi kayo abutan ng dilim. Hindi kasi alam ng naglalakad sa dilim kung saan sya papunta. 36 Manalig kayo sa ilaw habang kasama nyo pa ito at magiging mga anak kayo ng liwanag.”
Hindi Naniwala ang mga Tao
37 Kahit ginawa nya ang lahat ng himala sa harap nila, hindi pa din sila naniwala. 38 Nangyari to para magkatotoo ang sinabi ni prophet Isaiah:
“Panginoon, sino ang naniwala sa mensahe namin?
Kanino pinakita ang kapangyarihan ng Panginoon?”
39 At di sila makapaniwala kasi sinabi pa ni Isaiah:
40 “Binulag ng Diyos ang mga mata nila,
at pinamanhid ang kanilang puso,
para walang makita ang kanilang mga mata,
at walang maintindihan ang puso nila,
baka magbalik-loob pa sila sa akin at pagagalingin ko sila.”
41 Sinabi to ni Isaiah kasi nakita nya kung gaano kadakila si Jesus, at kinwento nya nga ito.
42 Actually, maraming mga Jewish leaders ang naniwala kay Jesus. Pero di nila ito pinapahalata kasi natatakot sila, baka palayasin sila ng mga Pharisees sa synagogue. 43 Mas gusto nilang purihin sila ng mga tao kesa ng Diyos.
Ang Salita ni Jesus ang Magja-judge
44 Sumigaw si Jesus, sabi nya, “Ang naniniwala sa akin ay hindi sa akin naniniwala, kundi sa nagpadala sa akin. 45 Ang nakakakita sa akin ay nakikita din ang nagpadala sa akin. 46 Dumating ako sa mundo bilang ilaw, para hindi manatili sa dilim ang lahat ng naniniwala sa akin. 47 Hindi ko ija-judge ang mga taong nakarinig ng mga salita ko pero ayaw naman sumunod. Hindi ako dumating para i-judge ang mundo kundi para iligtas ito. 48 Yung mga hindi tumatanggap sa akin at sa salita ko, may magja-judge sa kanila. Ang mga salitang sinabi ko ang magja-judge sa kanila sa huling araw! 49 Hindi kasi ako nagsalita para sa sarili ko. Ang Ama na nagpadala sa akin ang nag-utos kung ano ang sasabihin at ipapahayag ko. 50 Alam kong ang mga utos nya ang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya, ang sinasabi ko ay yung sinasabi sa akin ng Ama.”
Footnotes
12:5
+ SILVER COINS: Tingnan sa 6:7.