Nag-pray si Jesus para sa mga Disciples Nya
1 After nyang sabihin ang mga ito, tumingala sya at sinabi, “Tatay, ito na ang oras. Gawin nyong dakila ang Anak nyo, para dakilain kayo ng Anak. 2 Binigay nyo sa kanya ang kapangyarihan sa lahat ng tao, para bigyan nya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng binigay nyo sa kanya. 3 Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala kayo na nag-iisa at totoong Diyos, at makilala si Jesus Christ na pinadala nyo. 4 Pinakita ko po ang kadakilaan nyo dito sa mundo at natapos ko na ang mga pinapagawa nyo sa akin. 5 Ngayon, Tatay, ipakita nyo po sa akin ang kadakilaan na meron ako nung kasama ko kayo, bago pa ginawa ang mundo.
6 “Pinakilala ko kayo sa mga taong binigay nyo sa akin na mula sa mundong ito. Sa inyo po sila at binigay nyo sila sa akin. Sinusunod po nila ang mga salita nyo. 7 Ngayon, alam na nilang galing sa inyo ang lahat ng binigay nyo sa akin. 8 Binigay ko sa kanila ang mensahe na binigay nyo sa akin at tinanggap nila to. Alam nila ang totoo na galing ako sa inyo at naniniwala silang pinadala nyo ako.
9 “Pinagpe-pray ko sila. Hindi ko pinagpe-pray ang mundo. Pinagpe-pray ko ang mga taong binigay nyo sa akin, kasi sa inyo sila. 10 Ang lahat ng sa akin ay sa inyo at ang lahat ng sa inyo ay sa akin, at napaparangalan ako dahil sa kanila. 11 Papunta na ako ngayon sa inyo. Wala na ako sa mundo, pero nandito pa rin sila. Amang Banal, ingatan nyo po sila gamit ang kapangyarihan ng pangalan nyo, ang pangalang binigay nyo sa akin, para magkaisa sila gaya ng pagiging isa natin. 12 Nung ako ay kasama nila, iningatan ko po sila gamit ang kapangyarihan nyo, yung kapangyarihang binigay nyo sa akin. Iningatan ko silang mabuti at walang nawala sa kanila kahit isa, except dun sa isa na talagang mawawala para mangyari ang sinasabi sa scripture. 13 Ngayong papunta na ako sa inyo, sinasabi ko ito habang nandito pa ako sa mundo para talagang sumaya sila gaya ko. 14 Binigay ko sa kanila ang mensahe nyo, pero sobrang galit sa kanila ang mundo, kasi gaya ko, hindi sila taga-mundo. 15 Hindi ko po gustong alisin nyo sila sa mundo, pero please, ingatan nyo po sila laban sa Masama. 16 Kagaya ko silang hindi taga-mundo. 17 Gawin nyo silang banal sa tulong ng katotohanan na nasa salita nyo. Ang salita nyo ang katotohanan. 18 Kung paano nyo ako pinadala sa mundo, ganun ko din sila pinapadala dito sa mundo. 19 Inaalay ko ang sarili ko sa inyo para sa kanila, para maging dedicated sila sa inyo.
20 “Nagpe-pray ako di lang para sa kanila, kundi pati sa mga naniniwala sa akin dahil sa mensahe nila. 21 Pinagpe-pray ko po na magkaisa silang lahat. Tatay, maging kaisa sana natin sila, gaya ng pagiging isa natin. Magkaisa sana sila para maniwala ang mundo na pinadala nyo ako. 22 Binigay ko din sa kanila ang kadakilaang binigay nyo sa akin para magkaisa sila, gaya ng pagiging isa natin. 23 Nakikipag-isa ako sa kanila at nagkakaisa din tayo, para talagang magkaisa sila. Malalaman ng mundo na pinadala nyo ako, kasi mahal nyo rin ang mga sumusunod sa akin gaya ng pagmamahal nyo sa akin.
24 “Tatay, binigay nyo po sila sa akin at gusto ko silang makasama kung nasaan ako, para makita nila ang kadakilaang binigay nyo sa akin, kasi minahal nyo ako bago pa ginawa ang mundo. 25 Mabuting Ama, hindi kayo kilala ng mga tao sa mundo, pero kilala ko kayo at alam ng mga disciples ko na pinadala nyo ako. 26 Pinakilala ko kayo sa kanila, at ipapakilala ko pa kayo, para manatili sa kanila ang pagmamahal na binigay nyo sa akin, at manatili rin ako sa kanila.”