Ang Pag-aresto kay Jesus
(Matthew 26:47-56; Mark 14:43-50; Luke 22:47-53)
1 Pagkasabi ni Jesus ng prayer na to, umalis sya kasama ang mga disciples nya. Tumawid sila sa ilog ng Kidron at pumasok sila sa garden na malapit sa lugar na yun. 2 Alam ng traydor na si Judas kung saan yun, kasi dun madalas mag-meet si Jesus at ang mga disciples nya. 3 Sinama ni Judas sa garden ang isang grupo ng mga Roman soldiers at ilang Temple guards na pinadala ng mga chief priests at mga Pharisees. May dala silang mga armas, mga ilaw, at mga torch. 4 Alam ni Jesus ang lahat ng mangyayari sa kanya kaya lumapit sya at tinanong sila, “Sino ang hinahanap nyo?”
5 “Si Jesus na taga-Nazareth,” sagot nila.
6 Nang sinabi ni Jesus, “Ako yun,” napaatras sila at natumba. 7 Tinanong ulit sila ni Jesus, “Sino ang hinahanap nyo?”
8 “Sinabi ko na sa inyo na ako yun,” sabi ni Jesus. “Kung ako ang hinahanap nyo, pakawalan nyo ang mga kasama ko.” 9 Sinabi nya to para magkatotoo ang sinabi nyang, “Tatay, wala pong nawala sa mga binigay nyo sa akin.”
10 Nilabas ni Simon Peter ang dala nyang patalim at tinaga si Malchus, yung tauhan ng High Priest, kaya naputol ang kanang tenga nito. 11 Sinabi ni Jesus kay Peter, “Ibalik mo sa lalagyan ang patalim! Iniisip mo bang hindi ako ready na tanggapin ang paghihirap na binigay sa akin ng Tatay ko?”
Si Jesus sa Harap ni Annas
12 Inaresto at tinali si Jesus ng mga Roman soldiers. Nandun din ang kapitan nila at ang mga Jewish guards. 13 Dinala muna nila si Jesus kay Annas, na father-in-law ni Caiaphas, ang High Priest nung taon na yun. 14 Si Caiaphas ang nagsabi dati sa mga Jewish leaders na mabuti pang mamatay ang isang tao para sa lahat.
Dineny ni Peter si Jesus
(Matthew 26:69-70; Mark 14:66-68; Luke 22:55-57)
15 Sumunod kay Jesus si Simon Peter at ang isa pang disciple. Kilala ng High Priest ang disciple na yun, kaya nakapasok sya kasama ni Jesus sa bakuran ng bahay ng High Priest. 16 Naiwan si Peter sa labas ng gate, pero lumabas ulit ang disciple na yun at kinausap ang babae sa gate. Dinala ng babaeng servant si Peter sa loob, 17 at tinanong, “Di ba disciple ka din ng taong yun?”
18 Malamig nung time na yun, kaya nagsiga ang mga tauhan at ang mga guards gamit ang uling. Tumayo sila sa palibot nun para magpainit. Kasama ding nagpapainit dun si Peter.
Tinanong ng High Priest si Jesus
(Matthew 26:59-66; Mark 14:55-64; Luke 22:66-71)
19 Tinanong ng High Priest si Jesus tungkol sa mga disciples nya at sa mga teachings nya. 20 Sumagot si Jesus, “Nagsasalita at nagtuturo ako sa harap ng mga tao sa mga synagogues at sa Temple. Wala akong tinatago. 21 Bakit nyo ako tinatanong? Bakit di nyo tanungin yung mga nakarinig sa akin? Alam nila ang mga sinabi ko.”
22 Pagkasabi nya nito, sinampal si Jesus ng isa sa mga guards. “Ganyan ka ba makipag-usap sa High Priest?” tanong ng officer.
23 Sinagot sya ni Jesus, “Kung may sinabi akong mali, sabihin mo kung ano yun. Pero kung tama naman ang sinabi ko, bakit mo ako sinampal?”
24 Nakatali pa din si Jesus, at pinadala sya ni Annas sa High Priest na si Caiaphas.
Dineny Ulit ni Peter si Jesus
(Matthew 26:71-75; Mark 14:69-72; Luke 22:58-62)
25 Nakatayo pa din si Peter dun sa tabi ng apoy at nagpapainit. Tanong ng mga tao sa kanya, “Di ba isa ka sa mga disciples nya?”
26 Nandun ang isa sa mga alipin ng High Priest na kamag-anak nung taong tinaga ni Peter sa tenga. “Di ba nakita kita dun sa garden na kasama sya?” tanong nya.
27 Sinabi ulit ni Peter, “Hindi ako yun,” at tumilaok agad ang manok.
Si Jesus sa Harap ni Pilate
(Matthew 27:1-2, 11-14; Mark 15:1-5; Luke 23:1-5)
28 Kinaumagahan, dinala si Jesus sa palasyo ng governor galing sa bahay ni Caiaphas. Hindi pumasok ang mga Jewish leaders sa loob ng palasyo para hindi sila ituring na marumi, at para makakain sila ng Passover meal. 29 Kaya lumabas si Pilate at nagtanong, “Anong kasalanan ng taong ito?”
30 Sumagot sila, “Di namin sya dadalhin dito kung di sya kriminal.”
31 Sinagot sila ni Pilate, “Sige, kunin nyo sya at hatulan ayon sa batas nyo.”
32 Nangyari ito para magkatotoo ang sinabi ni Jesus tungkol sa paraan ng pagkamatay nya.
33 Pumasok ulit si Pilate sa palasyo at tinawag si Jesus. “Ikaw ba ang hari ng mga Jews?” tanong nya.
34 Sumagot si Jesus, “Galing ba sayo ang tanong na yan o may iba nang nagsabi sayo tungkol sa akin?”
35 Sagot ni Pilate, “Anong tingin mo sa akin, isang Jew? Dinala ka sa akin ng mga kababayan mo at ng mga chief priests nyo. Ano bang ginawa mo?”
36 Sinabi ni Jesus, “Hindi sa mundong ito ang kaharian ko. Kung sa mundong ito nga ang kaharian ko, ipaglalaban ako ng mga disciples ko at hindi ako ibibigay sa mga Jewish leaders. Pero wala sa mundong ito ang kaharian ko!”
37 “Hari ka nga ba?” tanong ni Pilate sa kanya.
38 “Ano ba ang totoo?” tanong ni Pilate.
Hinatulan si Jesus ng Kamatayan
(Matthew 27:15-31; Mark 15:6-20; Luke 23:13-25)
39 Pero ayon sa nakasanayan, dapat akong magpalaya ng isang bilanggo pag Passover. Gusto nyo bang palayain ko ang hari ng mga Jews?”
40 Pero sumigaw sila, “Hindi sya! Gusto namin si Barabbas!” Si Barabbas ay isang bandido.