Pinakain ni Jesus ang 5,000
(Matthew 14:13-21; Mark 6:30-44; Luke 9:10-17)
1 Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa kabilang side ng Lake Galilee o Lake Tiberias. 2 Sinusundan sya ng napakaraming tao, kasi nakita nila ang mga ginawa nyang himala nung nagpagaling sya ng mga maysakit. 3 Umakyat si Jesus sa bundok at umupo kasama ang mga disciples nya. 4 Malapit na nun ang Pyesta ng Passover. 5 Pagtingin ni Jesus sa paligid, nakita nyang maraming taong papalapit sa kanya. Sinabi ni Jesus kay Philip, “Saan tayo pwedeng bumili ng tinapay para ipakain sa mga taong ito?” 6 Sinabi nya to para i-test si Philip, pero actually, alam na nya ang gagawin nya.
7* Sumagot si Philip, “Naku, kahit bumili po tayo ng tinapay sa halagang 200 silver coins, hindi yun sapat para makakain ng kaunti ang bawat isa.”
8 Nagsalita si Andrew na isa sa mga disciples at kapatid ni Simon Peter, 9 “Meron pong bata dito na may dalang limang tinapay at dalawang isda. Pero siguradong hindi to kasya sa ganito karaming tao.”
10 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Paupuin nyo ang mga tao.” Madamo ang lugar na yun at umupo nga ang mga tao. Mga 5,000 na lalaki ang nandun. 11 Kinuha ni Jesus ang tinapay, nagpasalamat sa Diyos, at dinistribute yun sa mga tao. Ganun din ang ginawa nya sa isda, binigyan ang lahat hanggang mabusog sila. 12 Nang makakain na ang lahat, sinabi ni Jesus sa mga disciples, “Ipunin nyo ang mga natira para walang masayang.” 13 Kaya inipon nila ang mga natira ng mga tao at nakapuno sila ng 12 baskets.
14 Nang nakita ng mga tao ang ginawang himala ni Jesus, sinabi nila, “Sya nga ang Prophet na dadating sa mundo!” 15 Naramdaman ni Jesus na pipilitin sya ng mga tao na maging hari, kaya umalis sya at umakyat sa bundok nang mag-isa.
Naglakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
(Matthew 14:22-33; Mark 6:45-52)
16 Nung gabi na, bumaba sa Lake Galilee ang mga disciples ni Jesus. 17 Sumakay sila sa bangka para tumawid sa kabilang side ng lake, papuntang Capernaum. Madilim na, pero wala pa rin si Jesus. 18 Lumakas ang hangin kaya lumaki ang mga alon. 19 Nung nakalayo na ang mga disciples ng five to six kilometers mula sa pampang, nakita nilang naglalakad si Jesus sa ibabaw ng tubig at papalapit sa bangka, kaya natakot sila. 20 Sinabi ni Jesus, “Wag kayong matakot, ako to!” 21 Pinasakay nila si Jesus sa bangka, at nakarating agad sila sa pupuntahan nila.
Hinanap ng mga Tao si Jesus
22 Kinabukasan, alam nung mga taong nasa kabilang side ng lake na iisa lang ang bangka dun. Alam nilang hindi sumakay ng bangka si Jesus at umalis ang mga disciples na hindi sya kasama. 23 May mga dumating na bangka galing sa Tiberias at tumigil ang mga to malapit sa lugar kung saan kumain ang mga tao ng tinapay pagkatapos magpasalamat ng Panginoon. 24 Nang makita ng mga tao na wala dun si Jesus at ang mga disciples nya, sumakay sila sa mga bangka na yun at pumunta sa Capernaum para hanapin sya.
Si Jesus ang Tinapay ng Buhay
25 Nang nakita ng mga tao si Jesus sa kabilang side ng lake, nagtanong sila, “Teacher, kailan kayo dumating dito?”
26 Sumagot si Jesus, “Tandaan nyo, hinahanap nyo ako kasi nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Pero di nyo naiintindihan ang meaning ng mga himalang ginawa ko. 27 Wag kayong magpagod para sa pagkain na nasisira. Instead, paghirapan nyo yung pagkain na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay sa inyo ng Son of Man, kasi binigay sa kanya ng Diyos Ama ang karapatan na to.”
28 Tinanong sya ng mga tao, “Ano bang gusto ng Diyos na gawin namin?”
29 Sumagot si Jesus, “Gusto ng Diyos na maniwala kayo sa pinadala nya.”
30 Sumagot ang mga tao, “Anong himala ang ipapakita mo sa amin para maniwala kami sayo? Anong gagawin mo? 31 Kumain ng manna ang mga ancestors namin nung nasa desert sila, gaya ng sinabi sa scripture, ‘Binigyan nya sila ng tinapay na galing sa langit para kainin nila.’”
32 Sinabi ni Jesus, “Tandaan nyo, hindi si Moses ang nagbigay ng tinapay na galing sa langit. Ang Tatay ko ang nagbibigay sa inyo ng totoong tinapay galing sa langit. 33 Kasi ang tinapay na binibigay ng Diyos ay yung bumaba galing sa langit at nagbibigay ng buhay sa mundo.”
34 “Sir,” sabi nila, “bigyan nyo kami lagi ng tinapay na yan.”
35 “Ako ang tinapay ng buhay,” sabi ni Jesus. “Hindi na magugutom ang mga lumalapit sa akin. At hindi na mauuhaw ang mga naniniwala sa akin. 36 Sinabi ko na sa inyo na nakita nyo na ako, pero ayaw nyo pa ring maniwala sa akin. 37 Lalapit sa akin ang lahat ng binibigay sa akin ng Tatay ko at hindi ko itataboy kahit isa sa kanila. 38 Bumaba ako galing sa langit hindi para gawin ang gusto ko kundi para gawin ang gusto ng nagpadala sa akin. 39 Ang gusto ng nagpadala sa akin ay wag kong hayaang mawala kahit isa sa lahat ng binigay nya sa akin. Instead, dapat ko silang buhayin sa huling araw. 40 Ito ang gusto ng Tatay ko, na lahat ng nakakakita sa Anak at naniniwala sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At bubuhayin ko sila sa huling araw.”
41 Nagbulungan ang mga tao sa sinabi nyang, “Ako ang tinapay na bumaba galing sa langit.” 42 Kaya sinabi nila, “Di ba sya si Jesus na anak ni Joseph? Kilala natin ang mga magulang nya. Paano nya nasabing bumaba sya galing sa langit?”
43 Sinabi ni Jesus, “Wag na kayong umangal. 44 Walang makakalapit sa akin except kung ilapit sila ng Ama na nagpadala sa akin. At bubuhayin ko sila sa huling araw. 45 Sinulat ng mga prophets, ‘Tuturuan ng Diyos ang lahat.’ Lahat ng nakikinig at natututo sa Ama ay lalapit sa akin. 46 Walang nakakita sa Ama except yung nanggaling sa Diyos, sya lang ang nakakita sa Ama. 47 Tandaan nyo, ang naniniwala sa akin ay may buhay na walang hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Kumain ng manna ang mga ancestors nyo sa desert, pero namatay sila. 50 Pero ang kumain ng tinapay na bumaba galing sa langit ay hindi mamamatay. 51 Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba galing sa langit. Kung kakainin nyo ang tinapay na ito, mabubuhay kayo nang walang hanggan. Ang tinapay na binibigay ko sa inyo ay ang katawan ko. Binibigay ko to para mabuhay ang mundo.”
52 Dahil dito, nagtalo-talo ang mga tao. “Bakit nya sinasabing kakainin natin ang katawan nya?” tanong nila.
53 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Tandaan nyo, kung di nyo kakainin ang katawan ng Son of Man, at kung di nyo iinumin ang dugo nya, di kayo magkakaroon ng buhay. 54 May buhay na walang hanggan ang lahat ng kumakain ng katawan ko at umiinom ng dugo ko. At bubuhayin ko sila sa huling araw. 55 Ang katawan ko kasi ay totoong pagkain at ang dugo ko ay totoong inumin. 56 Yung mga kumakain ng katawan ko at umiinom ng dugo ko ay kasama kong nabubuhay, at nabubuhay din akong kasama nila. 57 Ang buháy na Ama ang nagpadala sa akin, dahil sa kanya kaya ako nabubuhay. Ganun din yung mga kumakain ng katawan ko, mabubuhay sila dahil sa akin. 58 Ito ngayon ang tinapay na bumaba galing sa langit, hindi to kagaya ng kinain ng mga ancestors nyo, kaya namatay sila. Lahat ng kakain ng tinapay na ito ay may buhay na walang hanggan.”
59 Sinabi ni Jesus ang mga to habang nagtuturo sya sa synagogue sa Capernaum.
Ang mga Salita tungkol sa Buhay na Walang Hanggan
60 Marami sa mga disciples ni Jesus ang nakarinig nito at nagsabi, “Napakahirap ng teaching na to. Sino kayang makakatanggap nito?”
61 Alam ni Jesus na nagtatanungan sila kahit di nila sabihin sa kanya, kaya sinabi nya, “Suko na ba kayo dahil dito? 62 Paano pa kaya pag nakita nyo ang Son of Man na umaakyat sa lugar kung saan sya nanggaling? 63 Ang Espiritu ng Diyos ang nagbibigay ng buhay. Hindi ito kayang gawin ng kahit sinong tao. Pero ang salitang sinasabi ko sa inyo ang Espiritung nagbibigay buhay. 64 Pero may iba sa inyo na ayaw maniwala.” Alam ni Jesus sa simula pa lang kung sinong maniniwala sa kanya at kung sinong magtatraydor sa kanya. 65 Sinabi pa nya, “Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa inyo na walang makakalapit sa akin except kung pinayagan ito ng Ama.”
66 Dahil dito, maraming disciples ni Jesus ang tumalikod at ayaw nang sumunod sa kanya. 67 Kaya tinanong nya ang 12 disciples, “Kayo, gusto nyo rin bang umalis?”
68 Sumagot si Simon Peter, “Lord, kanino kami pupunta? Nasa inyo ang salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. 69 Naniniwala kami at naiintindihan namin na kayo ang Banal, ang pinadala ng Diyos.”
70 Sumagot si Jesus, “Di ba pinili ko kayong 12? Pero demonyo ang isa sa inyo.” 71 Si Judas na anak ni Simon Iscariot ang tinutukoy nya. Si Judas kasi ang magtatraydor sa kanya kahit kasama sya sa 12 disciples.
Footnotes
6:7
+ SILVER COINS: Katumbas ng maghapong sweldo ang isang silver coin.