Si Jesus at si Nicodemus
1 May isang Jewish leader na Pharisee, si Nicodemus. 2 Isang gabi, pumunta sya kay Jesus at sinabi, “Rabbi, alam namin na isa kayong teacher na pinadala ng Diyos. Walang makakagawa ng mga himalang ginagawa nyo unless nasa kanya ang Diyos.”
3* Sumagot si Jesus, “Tandaan mo, unless ipanganak muli ang isang tao, di nya makikita ang paghahari ng Diyos.”
4 “Pero paano po ipapanganak ulit ang isang tao kung matanda na sya?” tanong ni Nicodemus. “Imposibleng bumalik sya sa tiyan ng nanay nya para ipanganak sya ulit.”
5 Sumagot si Jesus, “Tandaan mo, hindi makakapasok sa Kaharian ng Diyos ang isang tao kung hindi sya ipapanganak sa tubig at sa Espiritu. 6 Pinapanganak ng magulang ang isang tao physically, pinapanganak naman sya ng Espiritu spiritually. 7 Wag kang magtaka sa sinabi kong, ‘Kailangang ipanganak kayong muli.’ 8 Nararamdaman ang hangin at umiihip ito kung saan nito gusto. Maririnig mo yun, pero hindi mo alam kung saan yun galing at kung saan pupunta. Ganun din ang mga pinanganak sa Espiritu.”
9 Tanong ni Nicodemus, “Paano mangyayari yun?”
10 Sumagot si Jesus, “Teacher ka ng Israel pero di mo to alam? 11 Tandaan mo, sinasabi namin kung anong nakita namin at kung anong alam namin. Pero wala sa inyong gustong tumanggap ng mensahe namin. 12 Kung ayaw nyong maniwala sa sinasabi ko tungkol sa mundong ito, paano kayo maniniwala pag sinabi ko sa inyo ang mga bagay tungkol sa langit? 13 Wala pang nakapunta sa langit except sa Son of Man na bumaba galing sa langit.”
14 Kung paano tinaas ni Moses sa desert yung ahas na gawa sa bronze, ganun din dapat itataas ang Son of Man, 15 para magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat maniniwala sa kanya. 16 Sobrang mahal ng Diyos ang mga tao sa mundo kaya binigay nya ang kaisa-isa nyang Anak, para hindi mapahamak ang lahat ng naniniwala sa kanya, kundi magkaroon sila ng buhay na walang hanggan. 17 Kasi, hindi pinadala ng Diyos ang Anak nya para hatulan ang mundo kundi para iligtas ito.
18 Hindi hahatulan yung mga nananalig sa Anak, pero hinatulan na yung mga hindi nananalig, kasi hindi sila nanalig sa kaisa-isang Son of God. 19 Ganito ang hatol. Dumating sa mundo ang ilaw, pero mas mahal ng mga tao ang dilim kesa sa liwanag, kasi masama ang mga ginagawa nila. 20 Yung mga gumagawa ng masama, galit sila sa ilaw at hindi sila lumalapit dito, kasi ayaw nilang ipakita ang mga masasamang gawa nila. 21 Pero yung mga gumagawa ng tama, lumalapit sa ilaw para makita sa liwanag na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos.”
Si Jesus at si John the Baptist
22 After nito, pumunta si Jesus at ang mga disciples nya sa Judea. Nag-stay sya dun ng ilang araw kasama sila at nag-baptize sya ng mga tao. 23 Nagba-baptize din si John sa Aenon, na malapit sa Salim, marami kasing tubig dun. Pinupuntahan ng mga tao si John para magpa-baptize. 24 Hindi pa nakukulong si John nun.
25 May ilang disciples si John na nakikipagtalo sa isang Jew tungkol sa ritwal ng paglilinis. 26 So, pumunta sila kay John at sinabi nila, “Teacher, natatandaan nyo ba yung lalaking kinukwento nyo, yung kasama nyo dun sa east ng Jordan? Nagba-baptize na sya ngayon ng mga tao at pinupuntahan sya ng lahat.”
27 Sumagot si John, “Walang matatanggap ang isang tao except kung binigay yun ng Diyos sa kanya. 28 Alam nyo naman na sinabi ko sa inyo na hindi ako ang Christ, nauna lang akong pinadala kesa sa kanya. 29 Ang bride ay para sa groom. Pero ang kaibigan ng groom, nakatayo lang at nakikinig, pero napakasaya nya pag narinig na nya ang groom. Ganito ako kasaya ngayon. 30 Dapat sya ang itaas, at ibababa naman ako.”
Ang Dumating mula sa Langit
31 Ang dumating galing sa taas ay higit sa lahat. Ang galing sa lupa ay para sa lupa at nagsasalita ng mga bagay tungkol sa lupa, pero ang galing sa langit ay pinakamataas sa lahat. 32 Sinasabi nya kung anong nakita at narinig nya pero walang tumatanggap sa mensahe nya. 33 Pero ang tumatanggap sa mensahe nya ang nagpu-prove na totoo ang Diyos. 34 Yung pinadala ng Diyos ang nagsasabi ng mga salita ng Diyos, kasi binibigay sa kanya ang buong kapangyarihan ng Espiritu. 35 Mahal ng Ama ang Anak nya at binigay nya dito ang lahat. 36 Ang naniniwala sa Anak ay may buhay na walang hanggan, pero hindi bibigyan ng buhay ang hindi sumusunod sa Anak at patuloy silang paparusahan ng Diyos.
Footnotes
3:3
+ muli o galing sa itaas. Ganito din sa verse 7.