1 “Sinasabi ko to sa inyo para hindi kayo mag-give up sa pananampalataya nyo. 2 Palalayasin nila kayo sa mga synagogues, dadating din ang panahon na papatayin nila kayo at sasabihin nilang nagse-serve sila sa Diyos. 3 Gagawin nila to kasi di nila ako kilala o ang Ama. 4 Sinasabi ko to sa inyo ngayon para pagdating ng time na gawin nila ang mga to, maaalala nyo ang mga sinabi ko.”
Ang Gagawin ng Holy Spirit
5 Pero ngayong babalik na ako sa Ama na nagpadala sa akin, walang nagtatanong sa inyo kung saan ako papunta. 6 Ngayong sinabi ko na sa inyo, masyado kayong nalulungkot. 7 Tandaan nyo to, mas makakabuti sa inyo na aalis ako, kasi kung hindi, hindi dadating ang Holy Spirit para tulungan kayo. Pero kung aalis ako, ipapadala ko ang Espiritu sa inyo. 8 Pagdating ng Espiritu, papatunayan nya sa mundo na mali ang idea nila tungkol sa kasalanan, sa pagiging matuwid, at sa paghatol ng Diyos. 9 Mali ang intindi nila sa kasalanan, kasi hindi sila naniniwala sa akin. 10 Mali ang intindi nila sa pagiging matuwid, kasi pupunta ako sa Ama at di nyo na ako makikita. 11 Ganun din sa paghatol, mali sila, kasi hinatulan na ng Diyos ang leader ng mundong ito.
12 “Marami pa akong sasabihin pero hindi nyo na to kakayanin ngayon. 13 Pag dumating na ang Espiritu, iga-guide nya kayo at ipapakita nya sa inyo ang lahat ng katotohanan. Di sya magsasalita sa sarili nya lang, pero sasabihin nya lahat ng naririnig nya at ang mga bagay na dadating pa. 14 Dadakilain nya ako kasi sasabihin nya lahat ng sinabi ko sa inyo. 15 Lahat ng pag-aari ng Tatay ko ay akin. Kaya sinasabi ko sa inyo na kukunin ng Espiritu ang ibibigay ko sa kanya at sasabihin nya to sa inyo.”
Lungkot at Saya
16 “Sandali na lang at di nyo na ako makikita. Pero makikita nyo ako ulit pagkatapos.”
17 Nagtanungan ang ilang mga disciples, “Anong ibig sabihin nito? Sinasabi nyang sandali na lang at di na natin sya makikita. Pero sabi rin nya, makikita natin sya pagkatapos. Anong meaning ng sinasabi nyang, ‘Babalik kasi ako sa Ama’? 18 Anong meaning ng ‘sandali lang’? Di natin alam ang mga sinasabi nya!”
19 Alam ni Jesus na gusto syang tanungin ng mga disciples, kaya sinabi nya, “Sabi ko, ‘Sandali na lang at di nyo na ako makikita, pero makikita nyo ako pagkatapos.’ Ito ba ang pinag-uusapan nyo? 20 Tandaan nyo, iiyak kayo at malulungkot pero magsasaya ang mundo. Malulungkot kayo, pero magsasaya kayo pagkatapos. 21 Pag manganganak ang isang babae, malungkot sya kasi dumating na ang oras ng paghihirap nya. Pero paglabas ng baby, nakakalimutan na nya ang hirap kasi sobrang saya nya na pinanganak na ang baby dito sa mundo. 22 Ganun din kayo, malungkot kayo ngayon. Pero makikita ko kayo ulit, at sobrang matutuwa kayo. Ito ang klase ng tuwa na hindi mananakaw sa inyo.
23 “Pagdating ng araw na yun, wala kayong hihingin sa akin. Tandaan nyo, ibibigay ng Ama ang lahat ng hihingin nyo sa pangalan ko. 24 Pero hanggang ngayon, wala pa kayong hinihingi sa pangalan ko. Humingi kayo at tatanggapin nyo kung ano man yun, para maging masaya talaga kayo.”
Tagumpay laban sa Mundo
25 “Gumamit ako ng mga example para sabihin to sa inyo. Pero dadating ang time na hindi na ako gagamit ng mga example at diretso kong sasabihin sa inyo ang tungkol sa Ama. 26 Sa araw na yun, hihingi kayo sa pangalan ko, at hindi na ako ang hihingi para sa inyo, 27 kasi mahal kayo ng Ama. Mahal nya kayo kasi minahal nyo ako at naniniwala kayo na galing ako sa Diyos. 28 Galing ako sa Ama at dumating ako sa mundo. At ngayon, aalis na ako sa mundo at babalik sa Ama.”
29 Sinabi ng mga disciples sa kanya, “Ngayon, diretso na kayong nagsasalita sa amin at hindi na malalim na salita. 30 Alam naming alam nyo ang lahat, at hindi na po kami magtatanong. Dahil dito, naniniwala kaming galing kayo sa Diyos.”
31 Sumagot si Jesus, “Naniniwala na ba talaga kayo? 32 Dadating ang time, at nandito na nga, magkakawatak-watak kayo. Babalik kayo sa mga sarili nyong bahay at maiiwan akong mag-isa. Pero hindi ako nag-iisa kasi kasama ko ang Ama. 33 Sinabi ko to sa inyo para magkaroon kayo ng kapayapaan sa pakikipag-isa nyo sa akin. Papahirapan kayo sa mundong ito. Pero lakasan nyo ang loob nyo! Tinalo ko na ang mundo!”