JOHN
Chapter 21
Nagpakita si Jesus sa Pitong Disciples
1 Pagkatapos nito, nagpakita ulit si Jesus sa mga disciples nya sa Lake Tiberias. Ganito ang nangyari. 2 Magkakasama noon sina Simon Peter, Thomas na tinatawag din na Kambal, Nathanael na taga-Cana sa Galilee, ang mga anak ni Zebedee, at dalawa pang mga disciples ni Jesus. 3 Sinabi ni Simon Peter sa kanila, “Mangingisda ako.”
“Sama kami,” sabi nila. So sumakay sila sa bangka at magdamag nangisda, pero wala silang nahuli.
4 Nung madaling-araw na, nakatayo si Jesus sa tabing-dagat, pero di nila alam na si Jesus yun. 5 Tinanong sila ni Jesus, “Mga anak, may huli ba kayo?”
“Wala po e,” sagot nila.
6 Sinabi nya sa kanila, “Ihagis nyo ang lambat sa right side ng bangka para makahuli kayo.” Kaya hinagis nga nila ang lambat. At sa dami ng nahuli nilang isda, nahirapan silang hilahin ang lambat.
7 Sinabi kay Peter ng disciple na mahal ni Jesus, “Si Lord yun!” Nang marinig yun ni Peter, sinuot nya yung extra nyang damit, hinubad nya kasi yun para makapagtrabaho sya. Tapos, tumalon sya sa tubig. 8 Sumunod naman sa pampang ang ibang disciples na nasa bangka. Hinihila nila ang lambat na puno ng isda. Hindi sila ganun kalayo sa pampang, halos 100 meters lang ang layo nila. 9 Pagdating nila sa pampang, nakakita sila ng isdang iniihaw sa nagbabagang uling, at ilang tinapay. 10 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Magdala kayo dito ng ilang isdang nahuli nyo.”
11 Sumampa sa bangka si Simon Peter, at hinatak nya ang lambat na puno ng malalaking isda. Umabot sa 153 ang mga isda. Kahit napakarami nito, di pa rin napunit ang lambat. 12 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo, kain tayo.” Walang nagtanong ni isa sa mga disciples kung sino sya, kasi alam nilang sya ang Panginoon. 13 Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay, at binigay ito sa kanila. Ganun din ang ginawa nya sa mga isda.
14 Ito ang pangatlong beses na nagpakita si Jesus sa mga disciples pagkatapos nyang mabuhay ulit.
Si Jesus at si Peter
15 Nang makakain na sila, sinabi ni Jesus kay Simon Peter, “Simon, anak ni John, mas mahal mo ba ako kesa sa mga to?”
“Yes, Lord,” sagot nya, “Alam nyo namang mahal ko kayo.”
Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pakainin mo ang mga maliliit kong tupa.”
16 Inulit ni Jesus ang tanong nya, “Simon, anak ni John, mahal mo ba ako?”
“Yes, Lord,” sagot nya, “Alam nyo namang mahal ko kayo.”
At sinabi ni Jesus sa kanya, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”
17 Nagtanong si Jesus ng pangatlong beses, “Simon, anak ni John, mahal mo ba ako?”
Nasaktan si Peter kasi tatlong beses na syang tinanong kung mahal nya si Jesus. Kaya sinabi nya, “Lord, alam nyo po ang lahat, at alam nyong mahal ko kayo!”
At sinabi ni Jesus sa kanya, “Alagaan mo ang aking mga tupa.
18 Tandaan mo to, nung bata ka pa, binibihisan mo ang sarili mo at pumupunta ka kung saan mo gusto. Pero pag matanda ka na, itataas mo ang kamay mo para bihisan ka ng ibang tao, tapos, dadalhin ka sa lugar na ayaw mong puntahan.” 19 Sinabi ito ni Jesus para ipakita kung paano mamamatay si Peter para bigyan ng karangalan ang Diyos. At sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin!”
Si Jesus at ang Mahal Nyang Disciple
20 Tumalikod si Peter at nakita nyang sumusunod ang disciple na mahal ni Jesus. Sya yung lumapit kay Jesus sa kainan at nagtanong, “Lord, sino ang magtatraydor sayo?” 21 Nung nakita sya ni Peter, tinanong nya si Jesus, “Lord, paano naman sya?”
22 Sumagot si Jesus, “Ano naman sayo kung gusto ko syang mabuhay hanggang sa bumalik ako? Sumunod ka sa akin!”
23 Kaya kumalat ang balita sa mga disciples ni Jesus na hindi mamamatay yung disciple na yun. Pero hindi ito ang sinabi ni Jesus. Ang sabi nya, “Ano naman sayo kung gusto kong mabuhay sya hanggang sa bumalik ako?!”
24 Sya yung disciple na nagsabi at nagsulat ng mga ito, at alam nating totoo ang mga sinabi nya.
Conclusion
25 Gumawa pa ng maraming bagay si Jesus. Kung iisa-isahing isulat ang lahat ng yun, palagay ko hindi kakasya sa mundo ang mga isusulat na libro.