JOHN
Chapter 10
Ang Parable tungkol sa Shepherd
1 Sinabi ni Jesus, “Tandaan nyo, ang taong hindi dumadaan sa pinto ng kulungan ng mga tupa at umaakyat sa bakod ay isang magnanakaw at kawatan. 2 Pero ang taong dumadaan sa pinto ay ang shepherd ng mga tupa. 3 Binubuksan ng bantay ang pinto para sa kanya. Tinatawag nya sa pangalan ang mga tupa at naririnig nila ang boses nya. Gina-guide nya sila palabas ng kulungan. 4 Pag nailabas na nya ang mga tupa, nauuna ang shepherd at sumusunod ang mga tupa sa kanya kasi kilala nila ang boses nya. 5 Hindi susunod ang mga tupa sa ibang tao. Instead, lalayo sila kasi hindi nila kilala ang boses ng iba.”
6 Kinwento ni Jesus sa kanila ang parable na to, pero di nila naintindihan ang sinasabi nya.
Si Jesus ang Good Shepherd
7 So nagsalita ulit si Jesus, “Tandaan nyo, ako ang pinto na dinadaanan ng mga tupa. 8 Yung mga unang dumating sa akin ay mga magnanakaw at kawatan, at di sila pinakinggan ng mga tupa. 9 Ako ang pinto. Maliligtas ang lahat ng dadaan sa akin. Pwede silang maglabas-pasok para makahanap ng madamong lugar para kumain. 10 Dumadating ang magnanakaw para lang magnakaw, pumatay at manira. Dumating ako para magkaroon ng buhay ang lahat, yung buhay na masagana.
11 “Ako ang good shepherd. Ready akong mamatay para sa mga tupa. 12 Ang taong binayaran lang para magbantay ay hindi kagaya ng shepherd, kasi hindi kanya ang tupa. Pag nakita ng taong yun na may paparating na wolf, tatakbo sya at iiwanan nya ang mga tupa, saka aatake ang wolf at guguluhin nya ang mga tupa. 13 Tumatakas ang bantay kasi binayaran lang sya at wala syang pakialam sa mga tupa. 14 Ako ang good shepherd. Kilala ko ang aking mga tupa at kilala din nila ako. 15 Ganito din kami, kilala ako ng Tatay ko at kilala ko sya. Ready akong mamatay para sa aking mga tupa. 16 May iba akong tupa na wala pa sa grupong ito. Kailangan ko din silang ibalik dito, at makikinig sila sa boses ko. Kaya magiging isang grupo sila na may isang shepherd.
17 “Mahal ako ng Ama kasi ibibigay ko ang buhay ko para makuha ulit to. 18 Walang pwedeng kumuha ng buhay ko. Ako mismo ang nag-aalay nito. May karapatan akong ibigay at bawiin ito. Ito ang utos sa akin ng Ama.”
19 Dahil sa mga sinabi nya, nahati ulit ang opinyon ng mga tao. 20 Maraming nagsabi, “Sinasapian sya! Baliw yan! Bakit kayo nakikinig sa kanya?”
21 Sabi naman ng iba, “Kung sinasapian sya, di sya makakapagsalita ng ganyan! Paano makakapagpagaling ng bulag ang isang taong sinasapian ng demonyo?”
Ni-reject si Jesus
22 Winter na noon, at sine-celebrate nila ang Pyesta ng Dedication ng Temple sa Jerusalem. 23 Naglalakad si Jesus sa Temple, sa lugar na tinatawag na Solomon's Porch. 24 Pinaligiran sya ng mga tao. Tanong nila, “Wag mo nang patagalin pa. Sagutin mo kami ngayon, ikaw ba ang Christ?”
25 Sumagot si Jesus, “Di ba sinabi ko na sa inyo? Pero ayaw nyong maniwala. Yung mga bagay na pinapagawa sa akin ng Tatay ko ang nagsasabi kung sino ako. 26 Pero di kayo naniniwala sa akin kasi hindi ko kayo mga tupa. 27 Kilala ng aking mga tupa ang boses ko, kilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. 28 Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan at never silang mamamatay. Walang makakaagaw ng mga ito sa akin. 29 Ang binigay sa akin ng Tatay ko ay mas mahalaga sa lahat at walang makakaagaw sa kanila sa kamay ng Ama. 30 Ako at ang Ama ay iisa.”
31 Kumuha ulit ng mga bato ang mga tao para batuhin sya. 32 Pero sinabi nya, “Marami na akong pinakita sa inyo na mga mabubuting gawa galing sa Tatay ko. Alin sa mga to ang rason para batuhin nyo ako?”
33 Sumagot ang mga Jews, “Di ka namin babatuhin dahil sa mga ginawa mo. Babatuhin ka namin kasi binabastos mo ang Diyos! Tao ka lang, pero sinasabi mong Diyos ka!”
34 Sinagot sila ni Jesus, “Di ba sinabi mismo ng Diyos sa Law nyo, ‘Mga diyos kayo’? 35 Tinawag na ‘diyos’ yung mga nakarinig ng salita, at di pwedeng balewalain ang sinasabi ng scripture. 36 Pinili ako ng Ama at pinadala nya ako sa mundo. So, bakit nyo sinasabing binabastos ko ang Diyos? Kasi sinabi kong ako ang Son of God? 37 Kung di ko ginagawa ang pinapagawa sa akin ng Tatay ko, wag kayong maniwala sa akin. 38 Pero kung ginagawa ko ang mga to, at least maniwala kayo sa mga ginagawa ko, kahit di kayo maniwala sa akin. Para malaman nyong nasa akin ang Ama at ako ay nasa Ama.”
39 Sinubukan nilang arestuhin ulit si Jesus pero nakatakas sya.
40 Bumalik ulit si Jesus sa kabilang side ng Jordan River kung saan nagba-baptize dati si John, tapos nag-stay sya dun. 41 Pinuntahan sya ng maraming tao. Sabi nila, “Wala namang ginawang miracles si John, pero totoo ang lahat ng sinabi nya tungkol sa taong ito.” 42 At maraming tao dun ang naniwala kay Jesus.