JOHN
Chapter 9
Pinagaling ni Jesus ang Lalaking Bulag
1 Habang naglalakad si Jesus, may nakita syang lalaking bulag since birth. 2 Tinanong sya ng mga disciples nya, “Teacher, bakit po sya pinanganak na bulag? Kasalanan po ba nya o ng parents nya?”
3 Sumagot si Jesus, “Walang kinalaman ang pagiging bulag nya sa kasalanan nya o ng parents nya. Nangyari to para makita ng lahat ang kapangyarihan ng Diyos sa kanya. 4 Dapat nating gawin ang mga pinapagawa ng nagpadala sa akin habang may araw pa. Dadating ang gabi at hindi na tayo makakapagtrabaho. 5 Habang nandito ako sa mundo, ako ang ilaw ng mundo.”
6 Pagkasabi nito, dumura sya sa lupa at gumawa ng putik at pinahid nya to sa mga mata ng lalaki. 7 Sinabi ni Jesus sa lalaki, “Maghilamos ka sa pool ng Siloam,” (ibig sabihin ng Siloam, “Pinadala”). Pumunta ang lalaki at naghilamos. Pagbalik nya, nakakakita na sya.
8 Nagtaka ang mga kapitbahay nya pati yung mga taong kilala sya na dating pulubi. Tanong nila, “Di ba sya yung pulubi na nakaupo at namamalimos dati?”
9 Sabi ng iba, “Sya nga yun.” Pero sabi ng iba, “Hindi. Kamukha nya lang yun.”
Kaya sinabi ng dating bulag, “Ako yun.”
10 Tinanong sya ng mga tao, “Anong nangyari? Bakit nakakakita ka na ngayon?”
11 Sumagot sya, “Yung taong tinatawag nilang Jesus, gumawa sya ng putik tapos pinahid nya sa mga mata ko. Saka nya ako inutusang maghilamos sa Siloam. Pumunta ako dun, at after kong maghilamos, nakakakita na ako!”
12 Tanong nila, “Nasaan sya?”
“Ewan ko,” sagot nya.
Tinanong ng mga Pharisees ang Lalaking Pinagaling
13 Dinala nila sa mga Pharisees ang dating bulag. 14 Araw yun ng Sabbath nang gumawa si Jesus ng putik at pinagaling ang lalaking bulag. 15 Tinanong ulit ng mga Pharisees ang lalaki kung paano sya pinagaling. Sumagot sya, “Nilagyan nya ng putik ang mga mata ko. Pagkahilamos ko, nakakakita na ako.”
16 Nagsalita ang ibang Pharisees, “Hindi pwedeng galing sa Diyos ang taong to, kasi di nya sinusunod ang Sabbath law.”
Pero sabi ng iba, “Paano sya makakagawa ng himala kung makasalanan sya?” Kaya hati ang opinyon nila.
17 So tinanong uli ng mga Pharisees ang lalaking pinagaling, “Anong masasabi mo tungkol sa nagpagaling sayo?”
“Prophet sya,” sagot ng lalaki.
18 Ayaw maniwala ng mga Jewish leaders na pinanganak syang bulag, at pinagaling sya. Kaya pinatawag nila ang mga magulang nya, 19 at tinanong, “Sya ba ang anak nyo? Sabi nyo pinanganak syang bulag. Bakit nakakakita na sya ngayon?”
20 Sumagot ang mga magulang, “Sigurado kaming anak namin sya, at pinanganak syang bulag. 21 Pero di namin alam kung bakit nakakakita na sya ngayon. Ni hindi namin alam kung sinong nagpagaling sa kanya. Tanungin nyo sya. Matanda na sya at kaya na nyang sumagot para sa sarili nya!” 22 Sinabi ito ng mga magulang kasi natatakot sila sa mga Jewish leaders. Inutos kasi nila na patalsikin sa synagogue ang mga maniniwalang si Jesus ang Christ. 23 Kaya sinabi ng mga magulang nya, “Matanda na sya, sya ang tanungin nyo!”
24 Pinatawag ulit nila ang lalaking pinanganak na bulag at sinabi nila, “Sumumpa ka sa Diyos na magsasabi ka ng totoo! Alam naming makasalanan ang taong nagpagaling sayo.”
25 Sumagot ang lalaki, “Hindi ko masasabi kung makasalanan sya o hindi. Isa lang ang alam ko, dati akong bulag pero ngayon nakakakita na ko!”
26 “Anong ginawa nya sayo? Paano ka nya pinagaling?” tanong ulit nila.
27 Sumagot ang lalaki, “Sinabi ko na sa inyo, pero ayaw nyong makinig. Bakit gusto nyong ulit-ulitin ko sa inyo? Gusto nyo rin ba maging disciples nya?”
28 Ininsulto nila ang lalaki, “Mga disciples kami ni Moses, ikaw ang disciple nya! 29 Alam naming kinausap ng Diyos si Moses, pero di namin alam kung saan galing ang taong yun!”
30 Sumagot ang lalaki, “Paano nangyari yun? Hindi nyo alam kung saan sya galing pero pinagaling nya ako! 31 Alam nating hindi nakikinig ang Diyos sa mga makasalanan. Nakikinig lang sya sa mga gumagalang sa kanya at ginagawa ang kalooban nya. 32 Simula pa nung crineate ng Diyos ang mundo, wala pang nabalitaan na gumaling ang isang taong pinanganak na bulag. 33 Kung hindi galing sa Diyos ang taong to, hindi nya ito magagawa.”
34 Sumagot ang mga leader, “Pinanganak at lumaki ka sa kasalanan, tapos ngayon gusto mo pa kaming turuan?” Pinatalsik nila ang lalaki sa synagogue.
Spiritual na Pagkabulag
35 Nabalitaan ni Jesus ang nangyari, tapos nakita nya ulit ang lalaki at tinanong nya, “Naniniwala ka ba sa Son of Man?”
36 Sumagot ang lalaki, “Sir, sabihin nyo po sa akin kung sino sya para maniwala ako sa kanya.”
37 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Nakita mo na sya. Sya ang kausap mo ngayon.”
38 “Naniniwala ako, Lord!” Sabi ng lalaki, at lumuhod sya sa harap ni Jesus.
39 Sinabi ni Jesus, “Dumating ako dito sa mundo para mag-judge, para makakita ang mga bulag at mabulag ang mga nakakakita.”
40 May mga Pharisees dun na nakarinig sa kanya at nagtanong, “Sinasabi mo bang mga bulag din kami?”
41 Sumagot si Jesus, “Kung inaamin nyong bulag kayo, hindi kayo guilty. Pero dahil sinabi nyong nakakakita kayo, ibig sabihin, guilty pa rin kayo.”