Introduction
Ang Buhay ni Jesus sa Kwento ni John ay tinatawag ding “Gospel ayon kay John.”
Kinukwento dito na si Jesus ang walang hanggang Salita ng Diyos na naging “tao at namuhay kasama natin.” Sabi nga mismo sa librong ito, sinulat ang Gospel na ito para maniwala ang mga babasa na si Jesus ang pinangakong Tagapagligtas, ang Anak ng Diyos, at dahil sa faith nila sa kanya, magkakaroon sila ng buhay (20:31).
Pagkatapos ipakilala na si Jesus ang walang hanggang Salita ng Diyos, kinukwento sa unang part ng libro ang mga ibat-ibang himala na nagpapakita na si Jesus ang pinangakong Savior, ang Anak ng Diyos. Tapos, inexplain din dito ang ibig sabihin ng mga himalang yun. Kinukwento dito kung paano naniwala kay Jesus ang mga tao at naging mga followers nya, habang yung iba naman, kinontra sya at hindi naniwala sa kanya. Nakasulat sa chapters 13–17 ang naging malapit na samahan ni Jesus at ng mga disciples sa gabi ng pag-aresto sa kanya. Nakasulat din dito ang mga sinabi nya para maging handa ang mga disciples at lumakas ang loob nila sa araw ng pagpapapako sa kanya sa krus. Nakasulat sa mga huling chapters ang pag-aresto kay Jesus at ang naging trial sa kanya, pati na yung pagpako sa kanya sa krus, ang muling pagbuhay sa kanya, at ang pagpapakita nya sa mga disciples nung nabuhay na uli sya.
Nakalagay sa brackets ang kwento tungkol sa babae na nahuling nangangaliwa (8:1-11) kasi wala ito sa maraming manuscripts at mga naunang translation, habang yung iba naman sinama ang kwentong ito sa ibang lugar.
Inemphasize ni John ang tungkol sa regalo ng buhay na walang hanggan na matatagpuan kay Christ. Nag-uumpisa ang regalong ito ngayon at binibigay sa mga taong naniniwala na si Jesus ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Mapapansin sa Gospel ni John ang paggamit ng mga metaphor o talinghaga galing sa mga simpleng bagay na nakikita sa pang-araw-araw na buhay, para ipaliwanag ang mga spiritual na katotohanan. Ilan sa mga bagay na ito ay ang tubig, tinapay, ilaw, ang shepherd at ang tupa nya, at ang ubasan at bunga nito.
Outline
Outline
- Introduction (1:1-18)
- Si John the Baptist at ang mga unang disciples ni Jesus (1:19-51)
- Ang public ministry ni Jesus (2:1–12:50)
- Ang mga huling araw ni Jesus sa Jerusalem (13:1–19:42)
- Ang muling pagkabuhay at pagpapakita ng Panginoon (20:1-31)
- Ending: isa pang pagpapakita sa Galilee (21:1-25)