Si Jesus at ang Babaeng Samaritan
1 Nalaman ni Jesus na nabalitaan ng mga Pharisees na maraming tao na ang sumusunod at nagpapa-baptize sa kanya kesa kay John. 2 Actually, hindi si Jesus ang nagba-baptize kundi yung mga disciples nya. 3 Kaya umalis sya sa Judea at bumalik sa Galilee. 4 Pero kailangan nyang dumaan sa Samaria.
5 Nakarating sya sa Sychar, isang city sa Samaria na malapit sa lupa na pinamana ni Jacob sa anak nyang si Joseph. 6 Makikita dun ang balon ni Jacob. Napagod si Jesus sa paglalakad nila kaya umupo sya sa tabi ng balon. Magtatanghali na nun.
7 Dumating ang isang babaeng Samaritan para mag-igib ng tubig. Tinanong sya ni Jesus, “Pwede bang makahingi ng tubig?” 8 Pumunta sa bayan ang mga disciples nung time na yun para bumili ng pagkain.
9 Sumagot ang babae, “Isa kang Jew at Samaritan ako, bakit ka humihingi sa akin ng tubig?” Sinabi nya to kasi hindi nakikisama ang mga Jews sa mga Samaritan.
10 Sumagot si Jesus, “Kung alam mo lang ang binibigay ng Diyos at kung sino ang humihingi sayo ng tubig, ikaw mismo ang hihingi sa kanya at bibigyan ka nya ng tubig na nagbibigay ng buhay.”
11 Sumagot ang babae, “Sir, wala naman kayong timba, at saka malalim ang balon. Saan po kayo kukuha ng tubig na nagbibigay buhay? 12 Binigay ng ancestor naming si Jacob ang balon na to. Dito sya uminom pati mga anak nya at mga alaga nyang hayop. Mas dakila ka ba kesa kay Jacob?”
13 Sumagot si Jesus, “Mauuhaw pa rin ang mga umiinom ng tubig na to, 14 pero hindi na mauuhaw ang mga iinom ng tubig na ibibigay ko. Parang bukal yun na nagbibigay ng tubig tungo sa buhay na walang hanggan.”
15 Sumagot ang babae, “Sir, bigyan nyo po ako ng tubig na yan para hindi na ako mauhaw o pupunta pa dito para mag-igib.”
16 Sabi ni Jesus sa kanya, “Sige, tawagin mo ang mister mo at isama mo sya dito.”
17 “Wala po akong asawa,” sagot ng babae.
18 Kasi lima na ang naging asawa mo, at hindi mo rin asawa ang kinakasama mo ngayon. So, totoo ang sinabi mo.”
19 Sinabi sa kanya ng babae, “Sir, tingin ko prophet ka. 20 Dito sa bundok na to nag-worship ang mga ancestors naming Samaritan, pero sinasabi nyong mga Jews na sa Jerusalem lang dapat mag-worship.”
21 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Maniwala ka sa akin, dadating ang time na hindi nyo sasambahin ang Ama sa bundok na to o sa Jerusalem. 22 Kayong mga Samaritan, hindi nyo alam kung sinong wino-worship nyo, pero alam naming mga Jews kung sino ang wino-worship namin. Kasi nanggagaling sa mga Jews ang kaligtasan. 23 Pero dadating ang time, at actually dumating na nga, na sa tulong ng Espiritu, sasambahin ng mga tao ang Ama kung sino talaga sya. Ibibigay nila sa kanya ang pagsamba na talagang gusto nya. 24 Ang Diyos ay Espiritu, kaya masasamba lang sya kung sino talaga sya sa tulong at kapangyarihan ng Espiritu.”
25 Sumagot ang babae, “Alam kong dadating ang Messiah, yung tinatawag na Christ. Pagdating nya, ipapaliwanag nya ang lahat sa amin.”
26 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako nga yun, ako na nakikipag-usap sayo ngayon.”
27 Nung time na yun, dumating ang mga disciples. Nagtaka sila kasi nakikipag-usap si Jesus sa isang babae, pero hindi nila tinanong kung anong gusto nya o kung bakit nakikipag-usap si Jesus sa babaeng yun.
28 Tapos, iniwan ng babae ang lalagyan nya ng tubig. Pumunta sya sa bayan at sinabi sa mga tao, 29 “Tara! Tingnan nyo yung taong nakilala ko! Sinabi nya sa akin ang lahat ng ginawa ko! Sya na kaya ang Christ?” 30 Lumabas ang mga tao sa bayan para puntahan si Jesus.
31 Habang nangyayari ito, niyayaya naman ng mga disciples si Jesus, “Teacher, kumain na po kayo.”
32 Pero sumagot si Jesus, “May pagkain ako na di nyo alam.”
33 Nagtanungan ang mga disciples, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?”
34 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang pagkain ko ay ang sundin ang kalooban ng nagpadala sa akin at tapusin ang binigay nyang trabaho sa akin. 35 Di ba sinasabi nyo, ‘Apat na buwan na lang at harvest time na’? Pero sinasabi ko sa inyo, tingnan nyo ang paligid, hinog na ang mga bunga sa bukid at ready na para i-harvest. 36 Binabayaran ang nagha-harvest at gina-gather nya ang mga bunga para sa buhay na walang hanggan, para magsaya ang nagtatanim at ang nagha-harvest. 37 Totoo ang kasabihang, ‘May nagtatanim pero iba ang nag-aani.’ 38 Pinadala ko kayo para i-harvest ang di nyo pinaghirapan. Iba ang nagtrabaho sa bukid na yun pero kayo ang nakikinabang sa pinaghirapan nila.”
39 Maraming Samaritan sa bayan na yun ang naniwala kay Jesus dahil sa sinabi ng babae, “Sinabi nya sa akin ang lahat ng ginawa ko.” 40 So nung na-meet ng mga Samaritan si Jesus, nakiusap sila na mag-stay pa sya sa kanila, kaya nag-stay pa sya dun ng dalawang araw.
41 Marami pang naniwala sa mensahe ni Jesus. 42 Sinabi nila sa babae, “Naniniwala na kami ngayon, hindi lang dahil sa sinabi mo kundi dahil narinig namin sya mismo. Ngayon alam na namin na talagang sya ang Tagapagligtas ng mundo.”
Bumalik si Jesus sa Galilee
43 Pagkalipas ng dalawang araw, umalis na si Jesus at pumunta sa Galilee. 44 Sinabi ni Jesus, “Nirerespeto ang mga prophets except sa sarili nilang bayan.” 45 Pagdating nya sa Galilee, tinanggap sya ng mga tao dun. Nandun din sila sa Jerusalem nung Pyesta ng Passover at nakita nila lahat ng ginawa ni Jesus nung pyesta.
46 Bumalik din si Jesus sa Cana, sa Galilee, kung saan nya ginawang wine ang tubig. May isang government official dun at may sakit ang anak nyang lalaki na nasa Capernaum. 47 Nang mabalitaan nyang dumating na si Jesus sa Galilee galing Judea, pinuntahan nya ito at nakiusap kay Jesus na puntahan ang anak nya sa Capernaum kasi halos mamamatay na ito. 48 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Walang maniniwala sa inyo unless makakita kayo ng himala at kakaibang bagay.”
49 Sinabi sa kanya ng official, “Sir, puntahan nyo na po ang anak ko bago pa sya mamatay.”
50 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Umuwi ka na, mabubuhay ang anak mo.”
51 Habang nasa daan pa sya, sinalubong sya ng mga tauhan nya at sinabi sa kanya ang balita, “Okay na po ang anak nyo, mabubuhay sya!”
52 Tinanong nya ang mga tauhan kung kelan nag-improve ang lagay ng anak nya. Sinabi nila, “1pm po kahapon nawala ang lagnat nya.” 53 Naalala nung tatay na yun din ang time nung sinabi ni Jesus sa kanya, “Mabubuhay ang anak mo.” Kaya naniwala sya at ang buong pamilya nya.
54 Ito yung pangalawang himala na ginawa ni Jesus sa Galilee pagkagaling nya sa Judea.